CHAPTER 27
Intriga...
Agad ko nang hinatak si Charlie matapos ang klase namin. Tinungo namin ang lugar na sinabi ni Lily, at hanggang ngayon marami pa rin ang mga taong naroon.
" Excuse po, excuse lang po." Singit ni Bessy habang hawak ang kamay ko. Narating namin ang pinakadulo at tumambad sa amin ang dalawang litratong nakadikit doon.
Nagulantang ako sa mga nakita ko. Picture namin iyon ni Chris noong Pasko - sa Amusement Park. ANg isa naman ay picture namin ni Seth noong time na sinabi niyang liligawan niya ako sa harap ng lahat ng students ng SLU. Sino naman kaya ang gagawa nito? Anong gusto nilang palabasin? Bakit pati ako ay gagawan nila ng Intriga?
Narinig ko na lamang ang dalawang babae sa bandang likuran ng kanan ko.
" My God, hindi ba si Chris Alden iyan? Siya yung sikat na sikat na MVP ng EQU." Sabi ng babaeng nakaponytail.
" Oo, siya nga! Napanuod ko siya sa TV, crush na crush nga siya ng pinsan ko. Ang gwapo niya raw sa personal." Sabi naman ng babaeng kulot ang buhok namay salamin.
" Siya ba iyon? Wow, ang swerte naman nung Girl. Wait girls, hindi ba si Perez yan? Yung hinarana ni Papa Seth may labidabs?"
" Aba, oo nga ano? Ang swerte naman niya."
Sinong may gawa nito? Hindi ko alam kung matutuwa ako o mahihiya. Parang lumalabas na ginagamit ko silang dalawa, or pinagsasabay ko silang dalawa. Kung pwede ko lang sabihin na kami na ni Seth, pero paano? Wla nga kaming matinong usapan, paano ko masasabi na kami na kung ganito ng ganito.
" Girls, mawalang galang na ha? Nandito kami?" itinuro ako ni Charlie, " Si Eli oh? Nakakahiya naman sa amin, naririnig namin kayo." Hindi na siguro siya nakapagtimpi at nagsalita na.
" Sorry po" nahihiyang sabi ng dalawa. Nahiya sila kay Bessy, dahil si Charlie nga ang pinakasikat na babae sa buong Campus. Hindi rin naman mataray ang pagkakasabi ni Charlie, wala naman kasi ugali niya ang palasimula ng away. Okay lang naman sakin, wala naman kasi silang sinabing masama. Ang masakit lang, lumalabas na ang play girl ko.
" Hindi mo naman sinabi sa akin na sikat pala itong si Chris." Saka niya ako kinurot sa may bewang ko.
" Hindi ko naman alam na sikat na pala siya. Remember, lumayo ako noon?"
Wala talaga akong kaalam-alam, hindi rin naman ako interesado sa Sports kaya hindi ko iyon binigyan ng pansin. Kahit may bago akongnalaman tungkol kay Chris, hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ang may kagagawan nito. Sigurado akong gusto nila akong siraan dahil kung hindi, hindi nila para ipost ito sa Bulletin Board kung saan marami ang makakakita.
STEPHANY'S POV
Talagang namumuro na sa akin ang babaeng iyon pati ang kaibigan niyang mukang Suso. But sorry for them, the word " lose" is not listed on my vocabulary. I don't give a damn for them.
Paniwalang-paniwala sa akin si Seth na tinutulungan ko silang dalawa ni Eli. Para hindi guluhin ni Dad ang Business nila. Hindi niya alam, pakana ko ang lahat. I even hired someone to act as my Father's bodyguard. Kunwari ay lagi itong nakasunod sa amin at nagrereport kay Dad. One more thing, naghire din ako ng mga tao para subaybayan ang ambisosang Perez na iyon. I'll make her life miserable.
She's really a Morron. Isa siyang malaking sagabal sa mga plano ko. Lagi na lamang siyang pinagtutuunan ng pansin ni Seth. Last Christmas, halos ipagtabuyan na nila ako pero it's nothing. I'm a Queen, and what a Queen wants, Queen gets. And that Charlie, I'll break her.
I know na napipilitan lamng si Seth sa lahat ng ginagawa niya. Dahil kailangan niya akong pakisamahan. Akala niya ay dahil iyon kay Dad, ang hindi niy alaam iba ang kilos ko sa kilos ni Dad. Bakit ko pa hihintayin ang kilos ni Dad kung ngayon palang nakikita ko na silang nagkakalabuan.
Dumating ang Bagong Taon, nageenjoy ako sa pagpapahirap sa Perez na iyon. Natuwa pa ako ng mawal siya sa paningin ko noon.
" Where are you going, Babes?" I asked Seth, bigla na lang siyang tumayo matapos umali si Brhunag Eli.
" Bakit? Pati ba pagCr ko kwekwestyunin mo?" kahit masungti siya, hindi pa rin nawawal ang kagwapuhan niya.
Matagala bago siya bumalik, balak ko na sanang sunadan pero agad rin naman siyang dumating. May napansin akong mapula sa bandang labi niya. But in just a snap biglang nawala ang paghihinala ko ng bigla siyang naging sweet sa akin. Pinunasan niya kasi ang pisngi ko, may dumi raw kasi iyon. Kahit alam ko na palabas lang iyon, masaya pa rin ako.
Napansin kong lagi siyang nakatingin kay Eli at Chris na ngayon ay nagpupunasan pa ng pawis. Like iww, ang sakit nila sa mata. They are disgusting! Agad na tumayo si Seth na para bang wala sa mood, at dahil reyna ako ng kaplastikan nagpaalam na rin ako sa kanila para sundan ang mahal ko.
Nakasakay na siya sa Motor niya ng maabutan ko siya sa labas. Sumakay ako sa kotse ko at agad siyang sinundan. Tumigil siya sa tapat ng isang Condo, don't tell me may Pad na siya doon? Hindi niya siguro nakitang nakasunod ako.
" Seth, Wait!" tawag ko sa kaniya.
Lumingin siya sa akin ng magkaslubong ang kilay. " Shit! Pin, hanggang dito ba naman?" bulyaw niya.
' Babes, why ba? Bakit paiba-iba naman ang mood mo."
" Fuck! Hell, leave me alone!"
" Look Seth, nagkakaganyan ka dahil sa isang ordinaryong babaeng iyon? Grow up!" Hindi ko na siya maintindihan.
" You don't know anything. You're selfish damn acts and guess what, you're not helping anymore!"
He started to walked and leave me ther hanging. I don't understand, with what he says, I felt something's poking my heart. He's not angry, I can see that. But there's sorrow in his eyes. The way he look at me, there's loneliness that he doesn't want people to see.
May kung ano sa isip ko na nagsasabing, ganoon na ba talaga ako? Sobrang makasarili ko na ba talaga? Ang alam ko kapag ginawa ko 'to, mapapasakin muli si Seth pero bakit nasasaktan akong makita siyang ganoon? Ang itsura niyang iyon — para siyang namatayan, para siyang bulkang gustong magsabog ng sama ng loob. Nasaktan ako nang makita ko sa muka niya ang lungkot. Lungkot ng pangungulila.
But hell, I care! This is the only way to make him mine again. Saka hindi naman talaga balak tumulong sa kanila. I want to break up. Siguro kailangan ko na talagang gawing ang susunod kong hakbang. Kailangan ko ng kumilos. Let's see Eli, who's gonna win.
•••
prettylittlemiss♥
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...