CHAPTER 19
Double Pain...
Isang buwan na. Isang buwan na kaming walang communication. Isang buwan ng walang tumatawag sa'kin ng Poy. Isang buwan na akong nasasaktan ng sobra-sobra. Tss.. Pesteng luha, tumutulo nanaman. Traydor talaga ang mga luha ko, nangako na akong hindi na ako iiyak, pero letse, wala akong kontrol sa kanila. Isang buwan ko na siyang hindi nakikita. Ang sabi sa School 'di daw siya pumapasok. Wala, wala na kong balita sa kaniya.
Tandang tanda ko pa ang huling text na ipinadala nya sa akin.
" Hindi kita masusundo." yan lang, yan ang text nya nang umagang iyon -- kinabukasan ng birthday ni Charlie. Noong matapos nya ulit makita ang babaeng si Pin. Kahit nga sana ganyan lang ang text nya siguro magiging masaya na ko, kahit nga "tss." lang, kahit "k" lang. Ok na yun sa'kin, atleast alam ko na naalala nya pa ko. Kung buhay pa ba ako? Kung humihinga pa ba ako?
Sa totoo lang miss na miss ko na siya, okay lang naman sa'kin! Sabihin nya lang yung tunay na dahilan nya, kung bakit nya ko hindi pinapansin. Kung bakit nya ko nilalayuan, kung bakit nya ako sinasaktan. Ganoon ko sya kamahal, sabihin nya lang ang totoo papatawarin ko sya. Walang abog-abog na yayakapin ko sya at sasabihing " Okay lang, mahal kasi kita."
Naaalala ko pa yung pangako nya sakin..
" Araw araw kitang liligawan, susuyuin, pangingitiin, pakikiligin at mamahalin...",
" Simula ngayon, ikaw na ang kasama kong manunuod ng paglubog ng araw. Asahan mo na hindi ako mawawala sa tabi mo." nakapikit ako ngayon at sinsariwa lahat ng sinabi nya sa akin nung gabing yun.
Yung una naming pagkikita, yung panyo, yung pagtatanggol niya sakin sa Bar, yung mga oras na magkasama kami, yung mga kilos nya na hindi ko maintindihan, yung pagiging bipolar nya, yung mga banat nya, yung unang pagkakakulong namin sa Jail Booth, yung pagsalo nya sakin, yung pag-alay nya sakin ng mga kanta, yung pagkasuplado nya, pati yung pagkademanding nya, kahit nga yung nakakainis nyang pagngisi! Si Seth na tahimik pero may pagkamaginoo. Si Seth na alam kung anong iniisip ko. Lahat yun isa isang nagflaflashback sa utak ko.
Habang inaalala ko ang mga sandali na yun. Hindi ko maiwasang pumatak ang luha ko. Yung para bang naiisip ko, kung may katapusan pa ba yung pag iyak ko? Kung may kahahantungan ba ang pag iyak ko? O isa nalang itong parte ng kahapon ko?
That was the time when I really felt he's there for me, his embrace, his little kisses, his presence and most specially his love. It hurts me everytime I remember those precious time. Sometimes it makes me sick. Those tears in my eyes kept flowing and flowing. I can't stop them. I wish I could just go back in time and tell him how happy I am to have him. I just can't imagine that his not mine now.
Bumalik lang ang diwa ko nang biglang may tumapik sa likod ko, si Charlie hindi ko man lang namalayan na pumasok na pala sya ng kwarto ko.
" Bru umiiyak ka nanaman, halika nga." niyakap nya ko habang hinihimas ang likod ko,
" 'Di ba sabi mo 'di ka na iiyak? Eh ano kaya yang ginagawa mo? Umaarte? Nagprapraktis mag artista? Eh kung sumasali ka kaya sa Artista Academy?" pabiro niyang sabi.
" Bessy naman, wala to no! Naalala ko..." naputol ang sasabihin ko nf magsalita muli sya.
" Naaalala mo nanaman si Seth?" pabigla niyang tanong. Yumuko nalang ako.
" Alam mo Bru walang mangyayari sa atin. Mabuti pa mamasyal na lang tayo, tara mag shopping tayo! Sayang naman 'tong Christmas Vacation natin!" sabi nya habang hinahatak ako. Wala naman na akong nagawa kasi hindi rin naman ako nito titigilan. Naligo na ako at nagbihis.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...