CHAPTER 26
New Year...
Natapos na ang bagong taon at ngayon ay pasukan nanaman. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong gana sa mga bagay-bagay, buti na lamang talaga at nandito si Bessy, may dahilan ako para pumasok araw-araw.
Pagkarating ko sa School, may mga nagkukumpulan na tao sa isang lugar. Ano nanaman kayang meron? Nilampasan ko lang sila, wala rin naman akong balak alamin at hindi ako mausisang tao. Hinanap ko na lanag si Charlie, and as usual kasama niya nanaman si Jigs. Hindi ko siya masisi dahil sila na ngayon ng kupal na iyon.
Sinabi niya na sa akin, nanghingi pa nga siya ng Sorry sa akin dahil raw hindi niya agad nasabi noong Pasko. Sa hinaba-haba ng panahon, tinapos niya na ang paghhirap ni Jigs. Hindi lang iyon, ipinakita niya rin sa akin ang binigay sa kaniya ni Jigs, parang keychain pero parang cellphone charm din. Bagay na bagay talaga sila. Naabutan ko sila sa tapat ng Room namin, nagpapaalaman. Halatang-halata na in love sila sa isa't-isa.
Sa nagdaang Bagong taon, sina Bessy pa rin ang kasama ko dahil mag-isa pa rin ako sa bahay noon, umuwi si Kuya Lex pero agad ring umalis. Alam niya raw na may lakad din ako kaya kina Ate Apple na lang ulit siya. Hindi parin umuuwi sina Manang, inextend na nila ang baksayon nila, tutal ako lang naman mag-isa pinayagan ko na. Wala akong balak maging kontrabida sa pamilya nila at isa pa, " Blood is thicker than water." Ang pagkakaiba lang, sa bahay naman namin sinalubong ang Bagong Taon.
NEW YEAR
Kasama ko sina Bessy, Jigs at Chris. Kung tutuusin sina Bessy at Jigs lang ang nasa plano pero nakasalubong na raw nila si Chris sa labas ng Gate kaya wala na silang nagawa. Masaya naman ang nangyari. Sabay-sabay kaming nagMedia Noche. Nagkakasundo na sila, mabait naman kasi talaga si Jigs, mabilis pakisamahan. Nagpaputok rin kami sa labas, sa amin ang lusis at sila naman sa Fountain at iba pang paputok. Maraming nanunuod na mga bata sa amin at hindi mababayaran ang ngiti sa mga labi nila.
"Happy New Year!" sabay sabay naming sigaw na apat.
Akala ko ay doon na matatapos ang pagcecelebrate ng Bagong Taon ko ngunit hindi pala. Kinaumagahan ay nagising ako sa paulit-ulti na pagtunog ng Doorbell.
Anong oras na akong nakatulog, mga alastres na iyon ng madaling araw pagkatapos ay alasdies palamang ng umaga ay may nangungulit na.
"Sino 'yan?" nakapikit ko pang sabi pagkabukas ko ng gate.
Pagmulat ko, anak ng putakte! Si Chris, sobrang ngiting-ngiti pa sya. Kaagad ko siyang pinagsaraduhan ng Gate at agad na inayos ang buhok ko. Imagine, kung anong itsura ko ng pagkakita niya sa akin. Mukang bruha at hindi pa ako nakakapagmumog. Inamoy ko muna ang hininga ko bago ang lahat.
Wala namang ginawa si Chris kung hindi katukin ng katukin ang Gate.
" Eli, Good Morning. Buksan mo na 'to please. Ang init-init dito sa labas. "
"Chris naman, ang aga-aga pa nandito ka na!"
Narinig ko naman syang tumatawa sa kabilang side nitong Gate. " Umaga? It's already 10 oclock and don't worry, maganda ka pa rin para sa akin."
Dahan dahan kong binuksan ang gate at hinarap siya. Pero agad rin akong kumaripas ng takbo at hinayaan ko na siya. Pumasok ako sa kwarto ko at agad nagayos. Pagbaba ko ay nasa Salas na siya.
" Good Morning Eli." bungad niya, habang ako ay hiyang-hiya pa rin sa inabutan niya kanina.
" Hihi, Morning. Upo ka."
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...