ASKM 33

37.8K 848 35
                                    


Chapter 33

Walang Title II...

Eli's POV

Nagdaan ang mga oras, araw, at buwan.

Masakit man, pinilit kong lumaban. Ang sakit na makita siya araw-araw sa school. Ang sakit na masdan siyang ganoon. Alam kong kapag hindi ako nakatingin, nakatingin pa rin siya sa'kin. Ramdam ko iyon kapag malapit ako sa kanya at kapag magkakasalubong kami. Ngunit kahit ganoon, hindi na siya nagtangka pang lumapit o makipag-usap. Tinutupad niya ang sinabi niyang papalayain niya ako.

Hindi niya alam na sa sitwasyon naming iyon, mas lalo akong nahihirapan. Nagbalik na kasi ang dating Seth na nakilala ko.

Si Seth na suplado.

Si Seth na arogante.

Si Seth na may sariling mundo.

Matapos naming mag-break, hindi siya pumasok ng mahigit dalawang linggo. Nang bumalik siya, lagi siyang may pasa sa mukha. Noong mga panahon na iyon, gustong-gusto ko siyang lapitan. 'Yung tipong yayakapin ko siya ng mahigpit at sasabihing, "Tama na, tama na. Ayokong nakikita kang ganiyan. Hindi ikaw yan." Pero hindi na pwede. Ito ang naging desisyon ko at alam kong kapag lumapit pa ako sa kaniya mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat. Nagpalit din ako ng number. Si Charlie naman, tulad pa rin ng dati ay sobra kung sumuporta sa lahat ng desisyon ko. Nakakasama ko rin ang buong banda, maliban lang sa kaniya.

Noong una, ayokong nakakarinig ng kahit anong tungkol sa kaniya, pero hindi naman iyon naiiwasan. Kapag tinatanong ko ang tungkol sa kanila ni Pin, hindi sila sumasagot. Laging hindi alam o kaya naman ay iniiba ang usapan.

Bakasyon na namin, at isang taon nalang ay makakatapos na ako. Ang dami nang nangyari. Sa edad kong ito, hindi ko lubos maisip na nagmahal na ako ng sobra. Nasaktan ako at alam kong masasaktan pa, pero ok lang part iyan ng buhay ng tao.

Si Chris naman, iyon at hindi pa rin nadadala, tuloy pa rin siya sa panunuyo sa'kin. Sa totoo lang isa si Chris sa naging karamay ko. Oo pati si Bessy, pero ang hirap lang dahil kasintahan niya ang tinuturing na best friend si Seth. Wala namang may ibang alam na nagkamabutihan ulit kami ni Seth noon, maski si Kuya Lex ay hindi ito nalaman. Kaya ang ending si Chris ang naging takbuhan ko. Mas naging close kami, para sa'kin siya ang naging guy best friend ko.

Noong mga panahong akala ko ay hindi ko na kakayanin, si Chris ang laging nasa tabi ko. Siya ang pumapahid ng mga luha ko. Siya rin ang nagiging sandalan ko. Minsan hindi maiiwasang ko maiwasang isipin na si Chris patuloy akong minamahal ngunit ako, hindi ko man lang masuklian ni katiting ang pag-ibig niya.

Siguro tanga nga ako, dahil hindi isang tulad niya ang minahal ko. Sa halip ay isang kagaya ni Seth. Wala akong magagawa. Siya ang isinisigaw ng puso ko. Lahat naman ng tao, nakakagawa ng mga bagay na katangahan pagdating sa pag-ibig 'di ba?

May mga panahong nalimutan ko si Seth. May mga panahong inisip ko rin kung ano nga kaya ang mangyayari kung si Chris nalang. Hindi ko rin kasi mapigilang pagtuunan siya ng pansin. May pagkakataong magkasama kami at bigla na lamang siyang babanat at magpapatawa. Pagkatapos ay dudugtungan niya ng, 'Mas maganda ka kapag nakangiti'. Everytime na gagawin niya iyon ay nakakaramdam ako ng guilt. Lalo na kapag sinasabi niyang 'Kung ako nalang sana ang minahal mo, hindi ka iiyak tulad ngayon'.

May isang pagkakataon pa, month of January noong nagbreak kami ni Seth. Kaya noong Valentines day, sa halip na araw ng mga puso, para sa'kin mas nagmukha itong Independence Day. Habang nakikipag-date si Kuya Lex kay Ate Apple, hindi pa rin ako nakalimutan ni Chris.

Nasa kwarto na ako noon ng bigla nalang nag-ring ang phone ko habang nagsusuklay ako ng buhok.

Incoming Call – Chris...

"Hello? Oh Chris, napatawag ka?"

"Wala, bukas pa kasi yang bintana mo, kaya naisipan kong tumawag," sabi niya. Napatingin naman ako sa bintana, at oo bukas nga. Doon ko naisip na baka nasa labas siya.

"Chris, nasa labas ka ba?"

"Ah, oo. Kakatapos lang ng praktis namin sa game. Naalala ko Valentines, 'di man lang kita nabati. Happy Valentine's day!" masayang bati niya.

"Ikaw talaga. Siguro wala kang date no?" Papalapit na sana ako sa bintana ng may pumukaw ng pansin ko.

Isang eroplanong papel na nakalapag sa sahig, pinulot ko 'yun. Ngayon ay nasa harap na ako ng bintana at nakita ang nakatayong si Chris. Nakajersey pa siya, hanggang sa nagsalita muli siya sa kabilang linya.

"Buksan mo," sambit nya

Sa kaniya pala galing ito. Kaya gaya ng sinabi niya binuksan ko iyon at nalungkot ako sa nakita ko, kasabay ng tinig na naririnig ko sa telepono.

"Kung ako ang may-ari ng mundo, ibibigay ang lahat ng gusto mo,
Araw-araw pasisikatin ang araw, buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling, na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin, kung pwede lang, kung kaya lang,
Kung akin ang mundo, ang lahat ng ito'y gagawin para sa'yo.."

"Sorry ha? Hindi na ako nakabili ng bulaklak at chocolate, sayang. Sarado na kasi silang lahat, yaan mo sa susunod na lang, pagtyagaan mo muna 'yan. Sa susunod kukumpletuhin ko na ang kanta."

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Chris naman, pinapaiyak mo ako eh! Pero salamat, sa susunod dapat may chocolate na ha? Happy Hearts day din," sagot ko sa kaniya.

Ngumiti siya ngunit agad ring bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya.

"Sorry Eli, kung kaya ko lang sanang ibigay sa'yo lahat ng makakapagpaligaya sa'yo. Kung kaya ko lang sanang ibalik ang nakaraan para ako nalang ang ibigin mo. Kung sana lang, kung hindi sana kita nasaktan noon. Sorry Eli, sorry," muli niyang sabi sa kabilang linya.

"Ssshh Chris. Napatawad na kita sa nangyari noon. Sorry din, kasi hindi ko masuklian ang mga pinapakita mo sa'kin, saka salamat kasi.... Kasi kahit sa panahong dapat busy ka sa laro mo, nandito ka pa rin. Nandito ka pa rin para sa'kin, salamat Chris. Salamat.."

"Tama na nga, iiyak ka pa nyan e. Pero kahit ganito lang Eli, masaya na'ko. Para sa'kin, ikaw ang valentine girl ko. Salamat sa pagtanggap mo sa mga naging mali ko. O sya sige, una na ko. Good night, my Valentine." Nakita ko pa siyang kumindat sa'kin. Loko talaga.

"O sige, salamat talaga! Ingat ka sa daan," paalam ko. Pinigil ko ang muling pagpatak ng mga luha ko. Hinihintay kong ibaba niya na ang phone niya, pero hindi niya ginawa. "Hoy ano na? Bakit ayaw mo pang ibaba?"

Ngumiti lang siya at sinabi sa kabilang linya, "Hindi na, isusuko ko lang 'to kapag tuluyan mo nang isinara yang... yang pus... yang bintana mo."

Isinara ko ang bintana at narinig muli ang huli niyang sinabi "Sweetdreams, my Eli." Ibinaba niya ang telepono at narinig ko ang tunog ng papaalis na sasakyan.

Muli kong binuksan ang bintana ko at kasabay ng pagtulo ng luha ko, ang dahang-dahang pag- alis ng sasakyan ni Chris. Doon ko lang naisip na hanggang ngayon umaasa pa rin siya. Ang sinabi nya kanina na isusuko niya, alam ko. Tungkol iyon sa puso ko, pati itong ginawa niya. Hindi ko tuloy mapigilang maguilty. Hindi ko kasi talaga kayang lokohin ang sarili ko.

Sa huling pagpatak ng luha ko ay kasabay ng pagbigkas ko ng, "Sorry Chris, pero hawak parin nya ang puso ko."

•••

Picture of the drawing song, I made it. >>>

prettylittlemiss♥

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon