ASKM 24

42.3K 953 53
                                    


CHAPTER 24

Christmas...

Agad akong nagluto ng spaghetti pagkarating ko sa bahay, para kung mapasyal man sina Manang ay may maiihain ako sa kanila.

Nang makapahinga, doon ko sinimulang pag-isipan ang mga binitiwang salita ni Seth kagabi. Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa siya. At tulad nga ng sabi ko, may tiwala ako sa kanya kaya buo na ang desisyon ko, maghihintay ako ano man ang mangyari.

Magaalasnuebe na rin ng maispan kong tingnan ang telepono ko, baka mamaya ay may greetings na sa akin sina Mama at Papa, pati na rin sina Kuya. Sa halip na sila, dalawang text ang nakita ko – isang galing kay Charlie at ang isa naman ay kay Chris. Una kong binuksan ang kay Bessy at sunod naman ag isa pa.

"Merry Christmas Eli. Thanks for giving me another chance. I mean chance to be your friend again, but can we at least talk?"

Oo napatawad ko na siya sa mga nagawa niya sa akin at dahil doon ayaw ko na siyang masaktan pang muli. Ayoko ng umasa siya na may chance pang maging kami ulit. Oo payag ako na maging close kami, pero hanggang pagkakaibigan na lamang ang kaya kong ibigay. Siguro nga mabuti pang linawin ko sa kanya ang lahat-lahat habang maaga pa.

"Ok" tanging sagot ko sa message nya.

" Yes! Thank you talaga Eli, I'll just fix myself lang then I'll pick you up." mabilis niyang reply sa akin. Mukhang 'di nya binibitawan ang telepeono niya.

I didn't reply on his text again. Naghanda na rin ako ng aking sarili. Simpleng skiny pants at floral top lang ang isinuot ko, hindi ko naman kailangang pumorma ng pagkaganda-ganda tutal ay mag-uusap lamang kami. Ten minutes before the said time, may narinig na akong nagdoorbell. Bumaba ako at tulad ng inaasahan si Chris nga ang tumambad sa harapan ko. Simple lang rin namang manamit si Chris, may dating rin kung pumorma. Gwapo rin naman, pero para sakin kasi mas gwapo pa rin siya.

" Good morning Beautiful, let's go?" Tanong niya sakin, sobra pa ang ngiti niya abot magkabilang tenga. Sumunod lang ako, hindi ko alam kung san nya ko dadalin. Pero bahala na, tutal pumayag narin naman ako kaya pangatawanan na.

Walang nangyaring conversation sa biyahe namin, hanggang sa tumigil at sa pagbaba ko bigla akong nalungkot. Kung bakit? Nasa tapat kasi kami ng isang Amusement Park. Dito kasi ang unang date namin ni Seth. Bigla ko siyang naalala. Kung ano kaya ang ginagawa niya, kung sino kaya ang kasama niya, kung masaya ba araw niya.

Parang ang sakit kasi isipin na kung sino pa ang taong mahal mo siya pa ang hindi mo kasama sa mga okasyong gaya nito. Hanggang sa bigla nalang akong hinawakan sa kamay ni Chris

"Tara na?" Tanong niya sakin.

Kumalas ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko, para kasing nakakailang lang. Siguro marahil sa nakaraan namin. Kinuha niya ulit ang kamay ko, ngunit sa pangalawang pagkakataon muli ko itong inalis sa pagkakahawak kamay namin. Hindi ko talaga kaya. At isa pa ang sabi niya mag-uusap lang kami.

"Chris, I thought you just want to talk?"

"Ah, ano kasi pwede bang mamaya nalang tayo mag-usap? Mag-enjoy muna tayo." Hanggang ngayon nakangiti parin siya. At dahil sa ngiti niyang iyon mas lalo lang akong na-guilty. Kailangan kong masabi sa kaniya, dapat ipaalam ko na hanggat maaga pa.

"Pero Chris.." Naputol ang sasabihin ko dahil sa pangatlong pagkakataon, muli nyang kinuha ang kamay ko at sinabing "Pasko naman hindi ba? Kaya halika na." sabay hatak papasok sa loob.

Wala na akong nagawa. Kung bibitaw ako may tendency na tumilapon ako sa sobrang bilis ng takbo namin at napagisip-isip ko rin, sabagay Pasko naman. Bakit hindi? Pwede naman 'di ba? Kahit isang araw lang, kahit isang araw lang maging maligaya ako.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon