Chapter 1
Hala...
"Badooooong!" Iyan ang nakabubulabog na boses na gumising sa mahimbing kong pagtulog.
"Kuya Lex naman sabado palang ngayon, wala pang pasok!" I shouted back at him. Sinong hindi magigising sa ginagawa niya? He sounded as if it's the end of the Earth, syempre kasama pa ang walang humpay niyang pagkatok sa pintuan ko.
"Anong sabado? Baliw! Lunes na ngayon. Lumabas ka na nga d'yan! 'Nga pala, magluto ka na rin ng almusal mo, napasarap ang kain namin ni Kuya. Pabagal-bagal ka pa kasi diyan, naubusan ka tuloy!"
Mabilis pa sa alas-kwatrong iminulat ko ang mga mata ko. Ano raw, Lunes na ngayon? Ay Diyos ko, ang limot ko talaga!
" Oo na, bababa na ko!"
Naman oh! Kahit kailan, walang tatalo sa kasibaan nilang dalawa.
Just a split of seconds, I heard my Kuya's footsteps. Siguro ay nagmamadali na naman. Palagi kasi itong nale-late sa trabahao niya. Talo pa ang babae sa tagal kumilos sa banyo, maski ako ay dinaig niya pa.
I lazily get up, at doon ko lang naisip na first day nga pala. Isa iyon sa ayaw ko sa sarili , I easily forgot things — important things. Its rude pero naisip kong magpalate na lang ngayon, tutal unang araw kaya paniguradong hindi naman agad-agad magtuturo.
Nagluto ako ng paborito kong hotdog at isinawsaw ito sa sukang may sili. This breakfast can absolutely complete my whole day. Hinugasan ko na rin ang pinagkanan naming tatlo at saka naghanda sa pagpasok ko.
Ayon sa schedule ko, Eutenics ang unang klase. Tatagal iyon ng isang oras at masusundan agad ng hanggang tanghali. Pagkatapos ay isa pang klase na tatagal naman ng dalawang oras. Sa kasamaang palad ganito ang magiging routine ko tuwing Lunes.
As I expected, I'm late for my first class. Nagmamadali kong binuksan ang pinto at lahat sila napatingin sa ginawa ko, pati ang isang 'di katandaang lalaki sa pinakang harapan. Siguro ay nasa Bente Syete na ang edad niya. I also looked at them. Oo, mali ako dahil late ako sa mismong unang araw ng klase pero para tingnan nila ng ganoon? Hindi naman siguro kasing bigat ng Homicide ang naging kasalanan ko, hindi ba? Parang late lang naman, akala mo ay isa na itong mortal sin. Wait, don't get me wrong. Hindi ako mataray, sadyang napagkakamalan lang ng mga mapanghusgang tao. Ngunit kahit anong gawin ko, nakatingin pa rin sila sa akin. Then, the guy in front spoke up and I know he's pointing on me.
"Miss?"
"Elbeth Perez po, Sir."
"Ms. Perez. Why are you late? Are you not aware that it's the first day of class?" Firm niyang tanong sa akin.
"Sir, sorry po. Traffic po kasi." Pagpapalusot ko. God knows kung gaano ko kagustong makalusot sa sitwasyong tulad ngayon ngayon.
"Ok, you may take your seat. But I'll make sure, the next time you'll be this late again, you'll get your punishment. Am I understood?"
"Yes, Sir." I answered with a guilty feeling.
Yes, I felt a little bit guilty from what I did. Hindi naman sa sinadya ko, talaga lang sinumpong ng pagkakunat. Believe me, it has difference. Dumiretso na ako sa pinakang likod, patungo sa isang bakanteng upuan doon.
Grabe, unang araw gumagawa ako ng scene!
As I walk, I can help but to think " Sus, para namang magtuturo kaagad, eh first day palang. Siguro siya yung bagong Prof na naririnig ko sa Corridor."
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...