CHAPTER 35
Si Seth...
Hanggang ngayong kumakain kami, hindi ko pa rin malimutan ang bawat katagang sinabi sa akin ni Stephany. Lahat ng ito ay nakatatak sa isip ko at para bang may gumugulo sa akin. Na parang may mali, na parang — hindi ko maipaliwanag sa salita.
" Mahal ka niya, Eli." Bulalas ni Pin ng makaupo kami sa isa sa mga Benches.
Napatingin ako sa kaniya, tanga ba siya? Matapos niyang guluhin ang buhay ko, doo niya sasabihin sa'kin na mahal ako ni Seth. Kung kelang wala na lahat? Kung kelang isang taon na kaming break?
" Ano bang pinagsasabi mo, Pin? We can't love each other anymore, ikaw ang pinili niya at alam nating dalawa 'yan! Kung wala ka rin namang palang matinong sasabihin, mabuti pang itigil mo na 'to!" mariin kong sabi sa kanya.
" No Eli, ikaw ang pinili niya. Ikaw lang at ni minsan hindi naging ako." Galit ako kay Pin ngunit para bang biglang lumambot ang puso ko ng tingnan ko ang kaniyang mga matang may luha. Her eyes is full of sorrow.
Hindi ako masokista. Sadyang naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon. Alam ko dahil napagdaanan ko rin ang mga bagay na iyon. Ang hindi ko lang maintindihan, ay ang mga sinasabi niya alam kong siya ang pinili ni Seth at nakita ko pa noong harapan na hinahalikan niya ito, pero bakit ngayon ay sinasabi niya na ako lang ang tanging mahal ni Seth. Naloloka na ba siya?
Muli syang nagsalita " Please listen first Eli."
" Teka nga, alam mo wala akong oras para makipagbolahan sa'yo. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na hindi yang paligoy-ligoy ka pa!" guto kong dinederetsi ako, hindi yung marami pang sasabihin. Oo nga't naaawa ako sa kaniya ngayon pero hindi ko pa rin maiaalis na may galit akong naitago dahil s aginawa nya noon.
" Eli mahal ka niya. Kung alam mo lang ang mga nangyari sa kaniya nung panahon na naghiwalay kayo matapos nyang marinig lahat, lagi ko na siyang sinusundan at minamasdan. "
"Pin naman, ano bang pinagsasasabi mo? Naguguluhan na 'ko, walang pupuntahan ang pag-uusap natin na 'to." putol ko sa kanya
Paalis na sana ako ng "Sorry Eli, pakana ko ang lahat. Kaya ka nilayuan ni Seth, kaya ka niya iniwan. Sorry Eli, sobrang mahal ko si Seth kaya nagawa ko ang mga bagay na iyon." Lumuluha pa rin siya habang ako ay gulat na gulat sa mga narinig kong sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa pakana niya ang lahat?
"it was my fault. I blackmailed him, gumawa ako ng paraan para paglayuin kayo. Tinakot ko siya na pati Business ng pamilya mo at pamilya niya magugulo kung hindi ka niya lalayuan. Ganoon ka niya kamahal Eli, na pinili niyang sarilinin lahat para mapabuti ka. Lahat Eli, kasalanan ko planado lahat ng nakita mo Pati yung halik. Sorry pero... pero nagawa ko lang yun dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. " sambit nya habang humahagulgol
Hindi ako tanga, sa lahat ng narinig ko. Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.
Pak!...
" Anong karapatan mo para gawin ang mga bagay na 'yan, Pin? Sino ka para magdesisyon sa buhay ko? Namin? Anong klase kang tao?" umiiyak narin ako, habang niyuyugyog ang mga balikat niya.
" Sorry Eli, pero, please. Hirap na hirap na ko sa nakikita ko. Sobrang mahal ka nya Eli. Please, give him another chance, please." napaluhod siya sa harapan ko
" Hindi mo ba nakikita, Pin? Lahat ng ito kagagawan mo, lahat ng ito nangyari dahil sa pagiging makasarili mo. Bakit Pin? Ano bang ginawa kong kasalanan para gawin mo 'to? Bakit ? Bakit Pin?"
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Ficção Adolescente( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...