ASKM 30

37.8K 832 34
                                    


Chapter 30

Tears...

Charlie's POV

Maski ako ay nagulat din sa mga pangyayari, kanina habang kinukwento ni Eli sa'kin ang lahat sa kanila ni Seth kagabi at kanina, akala ko ay maayos na talaga ang lahat. Ngunit matapos naming makita ang karumaldumal at nakakasukang eksena kanina. Nakita ko na naman ang ekspresyon ni Eli – lumuluha siya ng walang ingay. Ang katumbas noon ay walang hanggang sakit sa kaniyang kalooban.

Wala akong nagawa para pigilan ang pag-alis ni Eli, sa halip na hayaan ko siyang sundan ni Seth ay hinarangan ko ito. Wala siyang – silang karapatan para saktan ng ganito ang kaibigan ko. Hindi siya karapat-dapat sa kaniya. Dahil sa ginawa nila minabuti kong harapin si Seth.

"Tangina Seth, lubayan mo na ang kaibigan ko! Mga gago kayo! Pare-parehas lang kayong mga lalaki, hindi kami mga aso para iwanan niyo kung saan niyo man gustuhing iwanan at babalikan lang kung kelan niyo gustong balikan!" Kasabay nito ay isang malutong na sampal sa kaniya.

Alam kong hindi ako ang dapat gumawa nito at wala akong karapatan, pero kaibigan ko na ang nasasaktan. Wala akong balak na tumunganga lang sa isang tabi habang ang iba ay pilit siyang sinisira. Hindi ako galit kay Seth, pero pwede ba kung mangloloko siya 'wag sa kaibigan ko. Dahil kung talagang mahal niya si Eli hindi siya gagawa ng kahit anong makakasakit sa kaniya.

"One more thing Seth, if you're really having fun in hurting Eli's heart. Maybe you better go to hell and bring that bitch as a gift for Satan! Leave the hell, Eli alone! Maawa ka naman sa kaniya, wasak na 'yung tao," saka ako tumalikod. Siguro naman ay sapat na ang masasakit na salitang binitawan ko para magising siya sa mga katarantaduhan niya. Bago pa ako tuluyang makaalis ay pinigilan niya ako sa pamamagitan ng mga sinabi niya at sa paghawak niya sa aking braso.

"Charlie, sana pagbigyan mo 'ko. Kahit ngayon lang, kung talagang may pag-aalala ka sa'min ni Eli, tulungan mo kong magpaliwanag sa kaniya."

Sa muli kong pagharap sa kaniya ay nabigla ako sa nakita ko. Sa unang pagkakataon, nakita kong umiiyak ang lalaking ito. Unang beses kong makitang umiiyak ang isang Seth Monteverde. Doon ko naisip na marahil, marahil, mali rin ako. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at muli ay tumingin ng marahan sa kanya.

"Sige."

" Salamat, salamat," dahan-dahan siyang bumitiw sa pagkakahawak sa'kin.

Sa sasakyan ay wala akong ibang ginawa kundi ang kontakin si Eli ngunit ni isa lamang sa mga text ko ay hindi niya sinagot. Kahit ang mg tawag ko ay hindi niya painapansin, bagkus ay patay ang telepono niya. Pumunta ako sa bahay nila ngunit si Manang lamang ang nadatnan ko roon. Wala akong inaksayahang oras, pumunta ako sa iba pa naming lugar na madalas puntahan ngunit bigo akong makita siya. Minabuti kong umuwi na lamang, pagkarating ko ay agad akong nakatanggap ng mensahe galing sa hindi kilalang numero. Napagtanto kong galing iyon kay Seth at tinatanong kung nakita ko na ba si Eli. Sinabi kong wala pa akong ideya kung nasaan siya at babalitaan na lamang kung ano man ang mangyayari. Sinabi ko rin na hayaan muna si Eli at bigyan ito ng oras para makapagisip. Kilala ko si Eli, aakalain mong matapang siya ngunit kahit anong gawin mo hindi mo siya mapapaamin na wasak na wasak na siya sa loob.

Mag-gagabi ng may nagdoorbell, halos mapaawa ako sa nakita ko pagkabukas ko ng pinto. Si Eli, mugtong-mugto ang mga mata niya. Suot pa ang uniporme namin. Kaagad siyang yumakap sa'kin, ganoon rin ako sa kaniya. Muli na naman siyang umiyak kaya inalalayan ko siyang makaupo sa sofa at doon mas lalo lamang bumugso ang sakit na nararamdaman niya. Dali-dali akong tumakbo sa kusina para ikuha siya ng maiinom at kasabay noon nagpadala ako ng mensahe kay Seth, na nandito sa bahay ko si Eli. I told him not to go here and I'll take care of her, then he replied and said thanks.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon