Note: Kadramahan ko lang ito. Wag nang basahin kung hindi na matanggap ng utak mo. ☺
Una sa lahat, siguro nagtataka ka kung ano na naman ba ito? Kung nagpapapansin lang ba ako o nag-iinarte? Well, we can say both. Ang totoo niyan nakikinig ako ng makabagbag damdamin na kanta ngayon -- di, biro lang. My main point here is to tell everybody what I'm feeling right now. Siguro sa iba ay walang kwenta ito o sobrang usual dahil marami nang gumagawa nito. Pero sa taong mababaw like me, or rather nag-iinarte like me, I want to take this opportunity. I just want to say 'thank you' to you. Yes, you who's reading this part.
Nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil sa'yo, wala ako. So, this is it, eto na yung pagdadrama ko. Dati, sinabi kong ayaw ko ng fame ( feeling ko naman sikat ako, hihi). Dati sabi ko wala akong balak magpublish kasi masaya na ako sa narating ko dito sa wattpad. Pero talagang magaling magplano si God kaya siguro binigyan niya ako ng opportunity. Here it goes.. Last week of february ngayong taon, nang i-message ako ng isang publisher. They asked me kung gusto ko raw makipagpartner dahil nireview nila ang story ko, nanghingi rin sila ng contact number. Then mga limang araw, they called me. Sa madaling salita, pumayag ako.
And just this morning (march 9) nagkita kami and it's official, "Ang Suplado Kong Manliligaw", will soon be available in all leading newstand/bookstore nationwide.
Ooops. wait there's more. Gusto kong magpasalamat sa inyo lalo na kay RisingServant ( Elmo) na naging angelito ko hihi. Kawai! Sa mga kaibigan ko, Bebe, loyal readers, Power Rangers ng wattpad at lahat ng tawag ko sa inyo. Syempre sa Rising Star Enterprise/Lovelink na nagtiwala sa'kin.
Gusto ko sanang isipin niyo na hindi lang dahil sa sa'kin kaya ito mapa-publish. Tulad ng sabi ko, kung wala kayo, wala ako. Kaya sana ma-feel niyo na may ambag rin kayo dito sa narating ng ASKM. oo nga't wala ito sa milyong read, wala sa libo-libong vote at comments pero may nakapansin at nagtiwala pa rin.
Sa mga nagpPM, nagsusulat sa MB ko, sa mga message sa fb, twitter at sa kyng saan-saan pa, para sa inyo to!
Sana hanggang sa lumabas na ang libro nandiyan "ka" / "kayo".
Tanong101:.. "Buburahin na rin po ba ito sa wattpad?".
Sagot: Siguro, kapag lumabas na ang libro saka ko na buburahin ang ibang part nito. Kaya wag kayong mag-alala, may panahon pa kayo para basahin ito.
Tanong102:.. "Ipa-publish din ba ang ASKB at ASKA?"
Sagot: Dipende po, ibang contract iyon. Pero malay niyo, pumatok ang ASKM sa bookstores at muling pagbigyan ni Lord ☺ (sana)
Tanong 103:.. "Anong aasahan namin sa book version?"
Sagot: Kung ang plot ang tatanungin at flow ng story, sa part ko ( yung ipinasa kong manuscript) wala akong binago. Tinanggal ko lang ang ibang part na hindi naman relevant sa story. Mas maayos rin, mas focus sa mga bida at pinatay ko na si Pin, chos!
So yun, kung may mga tanong pa kayo, just comment below at sa bilis ng makakaya ko, sasagutin ko kayo. Hindi ko inuubligang bumili kayo ng book, pero may time pa para magipon :) Inaasahan ko ang suporta niyo ♥
MULI SOBRANG SALAMAT SA INYONG LAHAT.
- Donna ♥
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Fiksi Remaja( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...