ASKM 22

45.4K 981 50
                                    

CHAPTER 22

Still...

Truth or Drink? Ngayon ko lamang narinig ang larong iyon, palaging Truth or Consequence. Napatingin sa'kin si Charlie. Alam nya kasi na hindi ako umiinom, napatingin din ako sa kanya. Kilala nya na talaga ako, ibinaling ko ang tingin ko sa iba. Nang mapansing nakatingin din sa akin si Seth. Nahiya ako sa sarili ko, ganoon ba ako kahalata? hindi naman talaga ako umiinom. Napayuko na lamang ako, habang binubulong sa isip ko ang mga salitang iyan.

" Oh sige, payag kami pero pa'no kapag pinili ang truth at hindi masagot, anong parusa?" tanong ni Bru. Buti nalang umisip siya nang option.

" Eh di, walang choice kundi uminom. " sagot naman ng impokritang haliparot.

" Not talking to you, Bitch!" Bulong ni Bru, pero kahit ganoon alam ko namang narinig rin ng marami lalo na si Stephany. "Paano nga kasi kung hindi naman umiinom?" pabalang na sagot ni Bru, this time talagang rinig na. Siguro napipikon na ito kay haliparot girl, bigla naman syang hinawakan ni Jigs at dahil doon kumalma si Charlie. Nabago ang kanina'y parang papatay na tingin kay Linta. Medyo napaparami na ata ang kakaibang tawag ko sa kaniya, ewan ko ba. Talagang gusto ko syang ihambing sa mga ganoon.

" Okay, ganito nalang. Kapag hindi nasagot at hindi din kayang uminom. Kailangan nyang halikan ang napiling tao ng nagtanong, maliwanag? Oops! Hindi na tayo mga bata, dapat sa labi, hindi sa noo o sa pisngi. Wag KJ, ok? Syempre kapag lalaki, edi.. Bromance! Haha, biro lang. Syempre, hindi naman siguro tanga yung pipili na piliin ang kapwa lalaki hindi ba? So, okay na ba?" Pag-iiba ni Gemma sa usapan.

" Okay, deal!" sabay-sabay nilang sagot. Pero yung haliparot hindi sumagot kaya tiningnan siya ng lahat.

"K!" sabay irap nya. Nakikita ko talaga sa mga mata ni Bru na kanina nya pa gustong ahitin at tusukin ang kilay, pati mata ng babaeng malandi na iyon. Kung pwede lang na icheer ko syia, baka kanina ko pa ginawa.

Pasado alas onse na, kaya naman nagpasya nang simulan ang laro. Unang ikot, kay Yvo tumapat. Si Gemma ang unang nagtanong, "Truth Or Drink?"

" Ano ba, gusto n'yo bang malupaypay ako agad? Sige, tanong na!" sagot nya sabay akbay sa chicks na kasama nya, na muka namang mabait.

" Bukod sa kasama mo ngayong chickas, sa mga girls sino ang may dating sa'yo dito?" diretsong tanong ni Gemma . Kahit kailan talaga may pagkaprankang tao si Gemma.

Nabigla ako dahil biglang tumingin sa akin si Yvo, yung mata sa mata naalala ko tuloy ang sinabi nila noon na sinuntok ni Seth si Yvo. Bumalik pa siya sa Bar para lang doon. Pagkaraa'y tumingin din sya kay Seth. Ganun din naman si Seth, nakatingin din ito kay Yvo na parang nagkakatanggis na silang dalawa. Hanggang sa biglang..

" Tsk, tsk. Sayang 'tong shot. Akin na nga!" hindi nya sinagot ang tanong sa halip kinuha nya ang baso at nilagok ng isang inuman lang. Ibinaba nya yung shot glass at sabay humalik sa pisngi ng kasama niyang babae.

" Tss. Pabitin ka Bro, ang gay mo! Yun lang 'di mo masagot?"pagbibiro ni Pj kay Yvo.

" Gago!" tamad nyang sagot dito.

Si Yvo naman ang nagspin ng bote, tumapat ito kay Bessy.

" Naman, sige na truth na truth na! Ayaw kong malasing no! " pagmamaktol nya.

" Oh sige, tapatin mo kami. May pag-asa ba yang mokong na Jigs na yan sa'yo?" nakangising tanong ni Yvo. Matagal bago sagutin ni Bru ang tanong, muka syang nagdadalawang isip. Tingin sa baso, tingin kay Jigs, tapos baso ulit, tapos Jigs ulit.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon