CHAPTER 29
Maling Akala...
"Tss. Mas mahal kita at mas mamahalin pa."
"Tss. Mas mahal kita at mas mamahalin pa."
"Tss. Mas mahal kita at mas mamahalin pa."
Heto nanaman ako nagmumuni-muni habang parang sirang plakang nagpe-play sa isipan ko ang mga katagang binitawan niya kagabi. Dahil doon, mas lalo akong nabuhayan ng pag-asa. Mas lalong tumibay ang kagustuhan kong maayos ang lahat. Mahal ko siya at tiwala akong kahit hindi niya pa sinasabi sa akin ang dahilan alam kong para sa ikabubuti namin iyong dalawa. Para sa akin, mas mahalaga ang tiwala sa isang relasyon dahil...
" You cannot love the person you trust, but you can trust the person you love."
Pagkagising ko pa lamang kanina ay maganda na ang timpla ko kaya maaga akong pumasok ng may ngiti sa labi. Ngunit pagdating ko sa School ganoon pa rin tulad ng kahapon. Sa halip na mabawasan ay mas dumami pa ang mga matang nakapukol sa akin. Ano nanaman baa ng nanagyari? May bagong intriga nanaman ba?
Hindi ko namang maiwasan na marinig ang ibang pinaguusapan nila, ang masakit pa noon ay lahat ito – tungkol sa akin. Ang iba ay inilalakas pa para marinig ko habang nilalagpasan ko sila.
Hindi ako bato, may damdamin ako at oo, nasasaktan ako sa mga sinasabi nila. Hindi ko halos kinakaya. Ang sakit nilang magsalita, mga nanghuhusga agad-agad. Ang kaninag masay kong mood ay napalitan ng lungkot. Kaya kahit hindi ko na matake ang mga sinasabi nila tuloy-tuloy parin ako sa paglalakad. Hindi ako eskandalosang babae, hindi rin ako palapatol pero kahit anong gawin ko talagang nanlilit ako sa mga naririnig ko.
Kusa ng tumulo ang mga luha kong mabababaw, bawat daanan ko halos pare-parehas ang mga sinasabi...
" Kababaeng tao pa naman!"
"'Di na nahiya, dalawang lalaki pa talaga at sabay pa!"
" Kala mo kung sinong santa santita!"
"Hindi naman kagandahan teh!"
Sobra na talaga. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko. Wla sila ni katiting na ideya kung ano ang nararansan ko ngayon.
Patuloy parin ako sa paglalakad ng bigla akong napaatras. May tumulak sa harapan ko – ang tatlong sukluban na nakaharap namin ni Charlie. Ang tatlong babaeng unang humusga sa akin at ang isa sa kanila ay ang baabeng may pekeng Hermes Bag.
"Hoy, babae" habang dinuduro-duro ako sa balikat ni fake Hermes Bag Girl "Ang tindi rin naman ng apog mo 'no?" pagkatapos ay inismiran niya ako habang nakacross arm.
"Kung makapanglalake ka naman, matapos si Chris Alden, kay Seth naman. Kung makaeksena pa kayo sa labas ng gate kahapon. Masarap bang habulin ng mga lalaki?"
Iyon pala, ang pagsama ko kay Seth kahapon ang bagong issue ngayon. Kung gusto nila, edi sana sila ang nagprisinta.
" Mali kayo ng iniisip. Hin –" hindi na nila ako pinatapos pa, agad nila akong binara.
"Aba at nag mamaang-maangan ka pa? Kung magpahila ka pa kahapon kay Papa Seth para lang sumama, VIP lang teh?" sabi ng isang alipores ni Fake Hermes Girl na halos puputok na ang mukha sa kapal ng makeup.
Hindi Eli, kalma lang. Hindi ka dapat pumatol sa mga babaeng 'yan. Disente ka ok? Patayin mo nalang sila sa isip mo. Kalma lang.
" Hindi nga.. kaibigan ko lang si Chris—" ay letse, ayaw talaga nila akong patapusin.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...