CHAPTER 6
Weird Dream...
Takot na takot ako at umiiyak dahil mayroong isang lalaking malabo ang itsura na puro sugat at pasa sa katawan sa harapan ko. May kumuha sa akin na tatlong mga nakakatakot at nakasuot ng itim sa muka na mga lalaki. Naabutan nila ako at hinawakan ng mahigpit. Nang tinanggal nung isa ang telang itim sa mukha nya….
Hindi ko na nakita ang mukha ng lalaki, bigla akong naalimpungatan. Nagising at pinagpapawisan ako ng malamig. Panaginip, isang masamang panaginip. ‘Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, kaya bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Wala na sina Kuya doon. Nakalock na rin ang pinto, meaning nandito na silang dalawa, siguro ay tulog na sila.
Nang makarating ako sa aking kwarto, humiga na ako at sinubukang matulog ulit, pero hindi ako mapakali. Baling dito, baling doon, wala akong ibang ginawa kundi magpaikot-ikot sa kama ko. Hindi ako makatulog iniisip ko yung panaginip ko kanina. Sobrang kinabahan ako, tyaka sino ba naman gagawa noon sa akin? Wala naman akong alam na nakakaalitan ko. Buti nalang, buti na lang talaga panaginip lang lahat.
Biglang nagvibrate ang phone ko kaya naman naging sanhi iyon ng pagkagulat ko. Kinabahan ako ulit, pa’no ba naman dis-oras ng gabi may nagtetext pa, kinuha ko yun at…
(1 new message) Fr: Mr. Suplado
" Walang anuman. Be safe" -End-
Tiningnan ko ang oras, shocks! Ala-una na ng madalingaraw! Gising pa sya? Zombie ba y’un? Napangiti nalang ako bigla sa kawalan, lahat kasi ng mga iniisip ko kanina nawala. Napalitan lahat ng saya, isang text nya lang napapagaan na ang loob ko. Fear reliever ba sya? Napanatag tuloy ako at dinalaw na muli ng antok.
Kinaumagahan,maaga akong pumasok sa school. Syempre para makita sya. Biro lang! May hahanapin kasi akong libro. Pinapahanap ng Prof ko. Ang hirap naman hanapin, ang lawak kasi ng Library dito. Kaya naman inabot ako ng mga bente minutos sa paghahanap. Sa tinagal-tagal ng paghhanap ko ay nakita ko narin ito, kaso kapag ‘di pa ‘ko nagmadaling pumunta sa room ko, baka malate nanaman ako.
Iyon nga takbo lang ng takbo, but with poise syempre! Kaso ‘pag minamalas nga naman may nabangga akong pader, nakayuko kasi ako noon.
" Ouch! " panlalaki ng mga mata ko. O_O”
Pag-angat ko ng ulo ko! Tengene, hindi sya pader. Oh M! Dibdib pala y’un ng isang lalaki. Malay ko ba eh ang tigas eh! Lululu, takte ang utak. At ang matindi pa, hindi lang basta ordinaryong lalaki!
"Tsk, tsk. Ikaw nanaman? ‘Di kasi nag-iingat eh!" sino pa ba? Edi ang taong nuknukan ng suplado, si Seth.
" Sorry, Sorry ( ,-_-,)" at tyaka lang ako nilagpasan. Nak ng? Anyare? Parang di nya ko kilala! Walastik ang dami pa ‘man ding nakakita. Wala talagang tatalo sa attitude nya.
Bakit sya ganoon? Kagabi lang magkasama kami. Iniligtas nya pa ko, tapos nagtext pa sya! ‘Di nya ba ‘ko naaalala?
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...