ASKM 11

59K 1.3K 104
                                    

CHAPTER 11

Hidden Personality...



Pangapat na araw na ngayon ng Foundation Week at syempre narito nanaman ako sa bahay nina Bessy. Mas gugustuhin ko na ito kesa naman magmukmok ako sa bahay. Umaga palang magkasama na kami.  Sumaglit muna kami sa School pero umuwi din kaagad. Tyaka nag paalam na rin ako kay Seth, baka kasi mag-alala nanaman siya. Sa halip na mag-stay sa School, dito nalang kami para praktisin ang gagawing talent ni Bessy. Dahil parehas kaming mahilig sumayaw nagkakasundo kami sa mga step na ginagawa namin. Ako din ang nagdesign nang costume nya, dinagdagan ko kasi ito ng mga beeds para mas makalansing kapag ini-indayog na nya ang mala-tsunami nyang pagkembot. Dito narin ako natulog dahil gabi na masyado, tutal wala pa rin naman akong kasama sa bahay. Sa Sunday pa kasi ang dating nina Kuya. Like I've said before, ayokong magmukmok sa bahay habang katitigan ang kisame namin. For Pete's sake, ayoko pang mabaliw!


This is the Day. It's time for the Pageant. We're on our way to the School nang makatanggap ako ng mensahe, at syempre nangisay nanaman ang buong kalamanan ko nang malaman kung kanino ito galing. Walang iba kundi kay Seth ko!


" San ka na?" 


Me is so kilig kasi!  This past few days kasi mas nagiging sweet si Seth. Ang kaso lang talagang di maiiaalis sa kanya ang pagiging suplado nya, lalong-lalo na pagdating sa mga err, what do you call it? Those who are drooling over him especially when he's around. Parang wala ata syang pakialam kung may manghimatay man sa harapan nya, dahil hindi nya napapansing napakalakas nyang manghatak ng atensyon. Kahapon? Dahil saglit lang kami sa School ni Bessy, nagpalaam lang ako saglit sa kanya. Bigla ba naman akong hawakan sa kamay? Edi ako naman si landi, kilig na kilig! Tinatawag na ako ni Bessy pero si Seth mas hinawakan ako at dinala sa may sulok, para daw walang istorbo. Ang suplado diba? Di pinansin si Charlie, pagkatapos ay binilinan nya lang ako na mag ingat at magreply kung sakali mang magtetext sya. Oh diba? Medyo possessive pero, I LIKE IT!


Hinampas ako ni Bessy ng mahina sa balikat. Nagising tuloy ako sa pagbabalik tanaw ng nangyari kahapon.


" Hoy babae, para kang timang dyan! Tulala ka pero nakangiti! Si Seth iyan no? 'Kaw ha, sige ituloy mo lang yan,  inggitin mo lang ako!" Nakalabi pang sabi ni Charlie.


" Ano ka ba? Para naman 'tong iba. Bakit naman kita iinggitin? Eh labs kita! Pakiss nga! " Ganito talaga kaming magbiruan ni Charlie, para na nga kaming magkapatid kung tutuusin.


" Joke lang, masaya na ko! Saka boto ako dyan sa suitor mo!" nagkunwari pa ang gaga!


" Di pa nga sya nanliligaw!"


" Hindi pa? May pa? Ibig sabihin gusto mo din hahaha!" 


" Eh.. Eh.. Oo naman! "


" Yun yun eh! Go Bessy!" 


Nagreply na ako sa kanya, sinabi kong siguro ay tatlong minuto nalang at naroon na kami. Pagkatapos ay umilaw ulit ang telepono ko, nakakahiya man kay Bessy excited agad akong tiningnan ang sagot nya. Iyon tuloy, nginingisian nya ako na para bang alam na agad kung bakit ako nagmamadali.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon