CHAPTER 7
First Day...
Ang bilis ng panahon, Foundation Week na namin. So, ano pa nga ba? Ang daming events bawat araw. Bawat course may kanya-kanyang Booth.
Sa First day ng Foundation Week, tinipon muna kaming lahat sa Auditorium. Pagkatapos ay sinabi lahat ng mangyayari bawat araw. Sa tingin ko naman exciting lahat ng event. Merong mga Booth tulad ng Marraige Booth, Kissing Booth, Jail Booth, Drinking Booth, Photo Booth, Fortune Teller Booth at Haunted House Booth. Yeah, like highschool thingy right?
Pero sabi ng mga kaklase ko naiiba daw ang Foundation Week namin ngayon. This is the very first time na magkakaroon ng iba’t-ibang Booth inside the Campus. Usually daw kasi puro kung anu-anong event lang ang ino-organize ng School Organizers.
Aba, anong malay ko, sa loob ng tatlong taon ko sa College ngayon lang ako a-attend ng Foundation Week. For me, it’s such a waste of time! Ang saya kayang maglakwatsa kasama ang mga girlfriends ng mga kapatid ko. Yes! I’m pointing with Ate Apple, Kuya Lex's Girl and Ate Liz, Kuya Third's Girl, girl bonding! Girl thingy, you know! Shopping dito, shopping doon! So, bakit ko sasayangin ang panahon ko sa walang kakwenta-kwentang Foundation Week? Kaya nga, kung a-attend man kami ngayon ni Bessy sa Foundation Week, it’s my first time!
First Day: Opening Ceremony
Binuksan na lahat ng Booth. Heto kami ni Bessy laging magkasama. Punta doon, punta dyan, sa totoo lang napipikon ako dito sa bruhang ‘to! Pa’no, kala ko buong week kami lang ang magkasama. Pero dahil allowed ang outsiders, papuntahin ba naman ang jowawa nyang si Mark? Sa halip na ako ang partner ng Bru ko! Ano ang labas ko ngayon? Ano pa, edi ang dakilang julalay! Ays, naman oh. Tyaka isa lang naman ang dahilan kung bakit napapayag ako ni Bessy na umatend dito sa bwisit Foundation Week na ‘to eh.
Noong last week kasi bigla bigla nya nalang akong kinompronta. May mahalaga raw syang sasabihin. As in matter of life and death daw. Yun naman pala, kokonsensyahin lang ako sa pagiging super best friend nya.
" Bessy! Hoy attend tayo sa Foundation Week ha! For sure it will be a blast!" yaya nya sakin.
" Nako Bessy, tigil-tigilan mo ko. I have plans na no, pupunta kaya kaming Bora!"
" Bessy naman di mo ba ko susuportahan?” nakapout pa sya habang sinasabi yan.
" Saan naman ha! Aber?"
" Sa ano, sa alam mo na’yun!" ayan nanaman sya eh,
" Anong alam mo na’yun? Anong kala mo sakin manghuhula? Doon lang biglang may pumasok sa isip ko! “Don't, d-on't tell me you're going to join that .. that.. Freaking pageant?" halos manggalaiti na ako sa pagkakasigaw ko sa kanya.
At malaking ngiti lang isinagot sa akin ng loka. Sanstisima, wala naman akong magagawa eh! Kasi ayaw din naman akong isama ng dalawa kong kapatid. Gusto daw nilang masolo naman ang mga kasintahan nila. So, ano pa nga ba? Edi sila na! Sila na, ang nasa Bora!
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...