ASKM 17

41.5K 1K 54
                                    

CHAPTER 17

Pain...

Hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung sino ba siya. Ano ba ang papel niya sa buhay ni Seth? Hindi ko maipaliwanag pero may iba akong nararamdaman, maya-maya pa biglang umilaw ang telepono ko.

(1 new message) Poy

" Matulog ka na, alam ko gising ka pa. "

Napangiti ako, alam na alam na kasi ni Seth kung ano ang itinatakbo ng isip ko. Alam nya kapag hindi ako napapakali. Kala mo naman nasa tabi ko lang siya at nakamasid kung ano ang ginagawa ko.

Bakit kaya alam nito na gising pa ko? Hmmp, hindi ko na sya nireplyan dahil may gumugulo sa akin. Dati-rati kapag magtetext sya may "iloveyou" sa dulo pero bakit kaya ngayon wala? Baka naman nalimutan lang niya. Pasado alauna na rin pala, siguro nga mas maganda pa kung itutulog ko nalang ito.

Kinabukasan mag-isa akong pumasok, nagtext kasi si Poy na hindi raw nya ako masusundo, iyon lang. Wala na syang iba pang sinabi. Lalo tuloy akong nagaalala. Papasok palang ng gate nakita ko na si Charlie na palabas sa wheels nya na super girly. Nakita nya naman ako kaya pagkasara nya ng pinto agad syang tumakbo para sabayan ako -- bumeso pa sya at ng goodmorning. Ganyan naman lagi, pero ang pinagtataka ko, malamig ang bati nya. Hindi ko nalang pinansin, baka may problema lang sya.

Sabay nga kaming pumasok, natapos ang klase namin na hindi sya umiimik -- nakakapanibago tuloy. Nasa Cafeteria kami noon pagkatapos mahuhuli ko na lang syang nakatingin sa akin at biglang titingin sa iba pag nahuhuli ko. Hindi ko na matagalan, hindi naman sya ganoon dati. Siguro talagang mabigat ang problema niya. Oo nga pala hindi ko na alam ang nangyari kagabi simula nung iniwan namin sila.

" Ahm Bessy, sorry kagabi ha? Si Seth kasi, nagmamadaling umalis. Ano na nga palang nangyari sa inyo?'' usisa ko.

Tumingin sya sa akin ng malungkot, hindi ako sanay sa ganito. Alam kong mas hyper pa sa'kin ang isang 'to. Sa inaraw-araw ba na magkasama kami, panong hindi ko sya makikilala.

"Ok lang naman." Simple at malaming niyang tugon.

" Eh anong nangyari sa babaeng magandang mataray?" hindi ko mapigilang tanungin ang tungkol sa babaeng iyon.

" Ah.. yun ba? Si Pin? Sumama siya sa table namin buong gabi." This time nakabusangot na syang sumagot sa sakin.

" Ha? Bakit?"

" 'Di ba nga? Kababata siya nina Jigs, pati ni.." putol nya sa sinasabi nya dahil biglang nagring ang telepono nya," Si Jigs tumatawag," sabi nya sakin at nag-excuse muna para sagutin ito.

Talagang pabitin itong si Charlie kahit kailang. Hinihintay ko lang syang bumalik pero infairness kay Jigs ha? Dumadamoves! Kung maipagtanggol si Bessy kagabi ka Pin. Hanggang sa makabalik na sya.

" Eli, iwanan muna kita ha? Si Jigs kasi, hinihintay nya na 'ko sa parking lot, date daw kami. "Hindi ko na sya pinuna dahil korteng puso nanaman ang mga mata nya.

" Teka, ano ba muna yung sasabihin mo dapat?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng muka nya, naging malungkot ito." Siguro 'di ako ang dapat magsabi sa'yo nyan, Bru. Wala ako sa lugar." Tyaka sya umalis.

Hindi ko na sya tinanong pa ulit. Hays, si Charlie talaga kala mo kung sinong artista kung anu-anong pumapasok sa utak. Tinexet ko nalang si Poy ko. Namimiss ko na siya.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon