CHAPTER 9
My Hubby For One Day...
"Halika na, asawa ko."
"Halika na, asawa ko."
"Halika na, asawa ko."
"Halika na, asawa ko."
"Halika na, asawa ko."
Paulit-ulit kong naririnig ang echo ng mga salitang iyan sa isip ko. Para bang naging musika na para sa akin.
FLASHBACK
Biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako ng dahan-dahan palapit sa kanya.
"Halika na, asawa ko."
Si Seth, oo sya ang lalaking gumawa sa akin ng mga bagay na'yan. Dahil din sa mga katagang yan, hindi ko namalayang kusa na palang lumalakad ang mga paa ko sa kahit saang direksyong pinupuntahan ng lalaking ito. Hindi na nya muli pang binitawan ang kamay ko. Sya ang kauna-unahang taong nakapagpapasok sa akin sa loob isang Haunted House Booth. Kahit Booth lamang iyon, kahit alam kong hindi ko kakayanin pag pumasok ako sa loob noon. Hindi nag atubili ang mga paa ko na sundan sya kahit saan man sya lumiko.
Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad, kaya sobrang natatakot na ako. Ang dilim ng paligid, pagkatapos ay may biglang lumalabas na nakaputing babae. Napapahigpit naman ang kapit ko sa kamay ng lalaking kasama ko ngayon dahil sa sobrang kaba. Kapag nararamdaman nyang humuhigpit ang hawak ko, dumidikit sya sakin. Yung pakiramdam na may nakaagapay sayo. Yung pakiramdam na nandyan sya sakaling di mo na kaya ang sobrang takot.
Sa bawat pagdidikit ng katawan namin, nararamdaman ko ang kasiguraduhang ligtas ako. Nang biglang may humawak sa paa ko,
" Aaaahhh! " hiyaw ko sa sobrang takot. Bigla ko namang naramdamang may yumakap sa akin.
" Ano ka ba? Nandito ko. " Mahina lang ang pagkakasabi nya noon sa akin pero damang-dama ko. Sa totoo lang, nung mga panahon na'yun sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko napigilan, napayakap na rin ako sa kanya siguro dalawang minuto rin ang itinagal ng yakapan namin. Pagkatapos ay...
Biglang may bumulaga nanamang maliit na bata sa harapan ko, sobrang chaka nya kaya napakalas ako sa yakap ko sa kanya, ganoon din ang ginawa nya pagkatapos tyaka kami nagtatakbo nalang sobrang bilis. Nakikita ko na ang liwanag, at isa lang ang ibig sabihin noon na malapit na kaming makalabas.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa Haunted House Booth, parehas kami ni Seth na hinahabol ang hininga habang nakangiti. Sobrang saya naman kasi talaga nung experience na iyon at sobrang nakakatakot din! Pag kaangat ko ng ulo ko nabigla ako sa mga matang matatalim na nakatitig sa amin, kitang-kita ko sina Bessy. Lahat sila ay nakatingin sa isang direksyon. Sa direksyon kung saan magkahawak ang mga kamay naming dalawa ni Seth.
" Ehem, ehem, " (O.O") reaksyon nilang lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...