CHAPTER 13
He's Courting Me...
ELI'S POV
Last day na ng Foundation Week and I must say, mali ako ng husgahan ko ito as a boring event. Dahil totoong mula Day One nag-enjoy talaga ako. Ang nakakalungkot lang kasi last two weeks nalang pagkatapos ay Finals na. Hays, tapos na ang free days namin. Hindi bale, masaya naman ang last day na 'to, maraming tutugtog na banda at siguradong sikat ang mga inimbita ng buong Organizers.
Nandito kami ngayon sa School Ground at si Charlie lang ang kasama ko. Ewan ko ba pero simula pa kaninang madaling araw nang inihatid ako ni Seth at umalis siya, hindi pa ulit siya nagpaparamdam. Ni text o tawag nga ay wala. Ito namang si Bessy walang imik, bigla-bigla nalang ngingiti na parang baliw. I wonder kung ano ang nangyari sa kanila ni Jigs? Kaninang hapon lang kasi kami ulit nagkita, pati na rin sina Jigs hindi ko pa rin nasisilayan. Napapaisip tuloy ako kung ano ba ang nangyayari sa kanila, kung nasaan siya at anong ginagawa niya?
" LET'S PARTY!'' biglang sigaw ng nasa Stage, dahil doon parehas pa kaming nagulat ni Charlie. May biglang tumugtog na banda. Ang bibilis ng mga tinutugtog nila. Maganda din ang boses ng vocalist at talaga namang sobrang saya. Whiiiiiiiiiiooooo ! Napapatalon pa ako. I'm really enjoying this Victory Ball!
It's a Celabration because of the success of the Foundation Week, tradisyon na rin ito mula pa dati. Madilim ang paligid, may mga ilaw lang na pangdisco, meron ding mga laser lights. Sobrang ganda pati ng pagkakadesign ng Stage. Inalis na rin ang mga Booths, natira lamang ang mga food and drink Carts.
Si Charlie na kanina ay tulala, ngayon nakikiparty na rin. Nang natapos kumanta ang unang banda, madami pa ang sumunod, meron ding mga nag-special number at take note biglang tinawag si Bru sa Stage, iwinelcome as the Prettiest Lady In The Campus! Oh, diba taray ni Bru.
Lumipas ang oras, hanggang sa biglang namatay ang lahat ng ilaw. As in lahat! Halos magpanic ang mga nasa school ground, maririnig narin ang mga tilian. Akala nga namin ay biglaang nagkarron ng Brownout, ngunit hindi pala.
" Mic... Mic test okay! Are you guys enjoying the night?" sigaw ng Emcee pagkatapos ay biglang may bumukas na spot light, itinutok sa nagsasalita. " LET'S NOW WELCOME OUR SCHOOL'S OFFICIAL BAND, THE CAUTION BAND!"
At doon nanman nagsimulang maghiyawan ang lahat. I felt strange, para kasing pamilyar sa akin ang pangalan ng Bandang sinabi ng Emcee. Narinig nalang namin ang isang bagsak ng pag-strum ng gitara, and then gumalaw ang spotlight. Nakatutok sa isang lalaking nakaputi at jeans, may hawak na gitara habang nakatungo.
Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki dahil may kalayuan kami ni Charlie sa bandang unahan, pero may parang daan na maluwag para makita namin ang lahat ng nangyayari, actually katapat nga kami ng pinakagitnang Stage.
" Diba parang si, asdfghjkl yan?!'' wika ni Charlie. Sa damni ng humihiyaw at ingay ng crowd, hindi ko tuloy masyadong narinig ito.
" Ha? Ano di ko maintindihan! Ulit nga?" sabay lapit ko ng tenga sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...