ASKM 34

39.5K 869 31
                                    


CHAPTER 34

Walang Title III...

After 1 year...

"Kuya, saglit lang. Matatapos na!" pabalik kong sigaw kay Kuya Enzo.

It's my College graduation at hindi pwedeng hindi sila umuwi.

"Hoy Badong! Hindi ikaw ang Summa Cum Laude niyo para magpaka-VIP ng ganito!" galaiting-galaiti niyang sigaw.

Matapos kong isuot ang red dress ko, kinuha ko ang graduation gown at cap ko. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at nginitian sila habang bumababa ng hagdan.

Sinalubong ako ni Mama at agad akong niyakap.

"Ga-graduate na ang bunso namin. Hindi mo lang alam kung gaano kaproud sa'yo si Mama." Nang kumalas siya sa yakap, nakita ko na may luha ang mga mata niya kaya nagsimula na rin akong magbahay-luha. Iyon ang pinakamasarap na yakap sa akin ni Mama. Bukod sa missed na missed ko na sila, proud pa sila sa nagawa ko.

"Ma naman, 'wag mo akong paiyakin. 'Yung make-up ko sayang." Nakangiting tugon ko kahit may panaka-nakang luha. Si Mama pa ang nagpunas ng mga luha ko. Na-missed ko talaga ang pag-aarugang tulad nito ni Mama.

"Halika na nga at daig mo pa ang Guest of Honor niyo, kung male-late ka." Doon niya kinuha ang mga dala ko at siya na ang nagsabit nito sa mismong braso niya.

Maya-maya pa, si Papa naman ang yumakap sa'kin. "Dalaga na ang Badong namin. Sobrang namissed kita anak." Kung ganito ba naman kasasarap ang yakap ng mga magulang mo, paanong hindi ako mapapaluha. Doon na nagdambahan ang mga baliw kong kapatid na sina Kuya Lex, Third at Enzo. Pagkaraa'y sinuway sila ni Papa at saka kami tuluyang umalis.

Hay buhay, namiss ko talaga ang lahat ng ito. Ang mga kalokohan ng mga kapatid ko. Ang pag-aaruga ng mga magulang ko at ang bonding naming pamilya. Sa katunayan, hindi ako a-atend ng Graduation Ball mamaya, dahil syempre first dinner ulit iyon ng pamilya ko.

Si Mama at Papa ang katabi ko, habang si Kuya Third ang nagdra-drive. Sina Kuya Lex at Enzo, sa likod napaupo. Habang nasa sasakyan ay nakahawak sa kamay ko si Mama habang ako naman ay nakasandal sa balikat ni Papa.

Hanggang sa biglang nagsalita si Papa.

"Si Seth, kamusta na kayo Hija?" tanong nito.

Napatigil ako sa paghinga dahil doon. Nawala ang ngiti ko nang marining ko ang pangalan niya. Sobra pa rin ang impact niya sa'kin, halos nag-skip ng limang segundo ang paghinga ko. Matagal bago ako nakasagot sa tanong ni Papa.

"O.. okay naman po, Pa," sabay tingin sa kaniya.

"Ow. Sige, sabi mo," tugon niya.

Nagtataka ako sa naging reaksyon ni Papa, para siyang hindi naniniwala. Akala mo ay may alam siya sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung nasabi ba sa kaniya ni Kuya Lex ang nangyari sa'min. Kung titingnan si Papa ngayon, nakakaloko ang ngiti nya. Kung alam lang sana niya na matgal na kaming hiwalay ni Seth, mas madali ko sanang masasagot ang tanong niya.

Nang makarating kami sa entrance ng Auditorium, tadhana nga naman dahil nakasabay ko pa siya. Sa tabi niya ay may dalawang halos kaedaran niyang mga lalaki at ang isa naman ay kamukang-kamuka niya, pinatanda lamang ito ng kaunti. Hindi mapagkakailang lahat sila ay may tikas at itsura.

Our eyes locked for a moment. Ngumiti siya at biglang ibinaling ang tingin kina Mama at Papa. Tumungo ito bilang sign ng paggalang, gumanti naman ng ngiti ang mga magulang ko.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon