Ang Suplado Kong Manliligaw

205K 3.1K 265
                                    

Note: Ang storyang ito ay naisa-aklat na. Kahit ganoon, pinagpasyahan kong huwag itong burahin dito. May Isa lamang sanang akong hiling, sakaling nagustuhan niyo at tumatak sa puso ang storya nilang dalawa, sana ay magkaroon kayo ng pansariling kopya. Maraming salamat.


"ANG SUPLADO KONG MANLILIGAW"

                   ( Book I )

Written by : prettylittlemiss
Start: October 7, 2012                            
 End: January 27, 2013

Prologo


Ako yung tipo ng babae na hindi masyadong pagirly. Wala akong pakialam kung ano man ang tingin sa'kin ng mga tao sa paligid ko. Ang mahalaga, gusto ko ang itsura at ginagawa ko. Para sa akin simple lang ang buhay. Hindi kailangang maging kumplikado. Pero syempre normal din ako, marami na akong naranasan na sa tingin ko ay nararanasan rin ng iba. Minsan na rin akong nasaktan, may mga oras na sobrang hindi ko na halos kinaya.

Isa lang naman kasi ang gusto ko sa buhay at iyon ay...

Makita ang lalaking magpapasaya sa buhay ko. Yung tipong hindi titingin sa iba. Yung tipong hindi alam ang salitang Sorry.

Bakit?

Hindi niya alam ang salitang Sorry kasi, wala siyang intensyon na saktan ako. Hindi siya gagawa ng anumang bagay na alam niyang makakasakit at ikapapahamak ko.

At syempre isang taong tunay na magmamahal sa akin habang buhay. Iyon lang naman, iyon lang naman ang gusto ko. Haggang sa...

Nakilala ko siya. Isang taong saksakan ng suplado, saksakan ng hangin sa buhay, saksakan ng antipatiko at minsan arogante pa. Oh 'di ba! Sino naman ang magkakagusto sa isang tulad niya? Ngunit nagising nalang ako sa katotohanang hindi lang pala puro masasamang pag uugali ang meron siya.

Isa pala siyang.. 

Masungit pero Cute,

Demanding pero Sweet,

Suplado pero Maginoo.

At doon nagsimula ang lahat. Nahulog ako sakanya at sana masalo niya ako. Sana hindi siya kagaya ng iba. Sana siya na, sana siya na talaga.♥

 •••• 

ALL RIGHTS RESERVED


No part of these pages, either text or image may be used for any purpose. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in any form or by any means, electronic, mechanical strictly prohibited without prior written permission.

© prettylittlemiss, 2013

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon