CHAPTER 15
Special Day...
Mabilis na nagsimula ang Second Semester at nasa Midterms na rin. Lumipat na rin sina Yvo, Vien at Pj sa School namin. Pare-parehas pa sila ng Course nina Seth, lahat sila mga future Engineers. Ang dahilan? Wala, boring daw kasi kung hindi sila magkakasama.
Kung dati marami ng nangyari, mas dumami pa ngayon. Sina Charlie at Jigs minsan sweet, minsan hindi, siguro type ni Jigs si Bessy. Sana nga dahil talagang gusto ko sya para sa Best Friend ko. Mukha rin namang seryoso ang isang iyon sa kaibigan ko. Kami naman ni Seth mag-aapat na buwan na. Oh kabogchi! At dahil Midterms na nga, gamay na namin ang mga Schedules ng isa-t'isa. Syempre si Seth ang naghahatid-sundo sa akin, legal na nga pala kami. Last month umuwi sina Papa at Mama pati na rin si Kuya Enzo. Syempre nung una gisadong-gisado si Seth kina Papa at Kuya Enzo, sa 'di ko malamang dahilan ang bilis nilang magkagaanan ng loob. Parang ang tagal na nilang kilala si Seth. Siguro kasi mukang pursigido ang Poy ko, kaya pasado agad. May mga araw na sa amin sya kumakain ng hapunan. Pinagluluto pa sya ni Mama ng adobo, pinapatawag sya ni Papa para raw mas makilatis. Pero ngayon, bumalik na sila sa US. Yung business kasi, dapat may tumingin. Si Kuya Third naman may sarili ng Condo, regalo nina Papa kaya si Kuya Lex nalang ang kasama ko sa bahay. Ay meron pa pala, kumuha na si Mama ng katulong. Masyado na raw kaming magiging busy sa pag-aaral at sa ibang bagay kaya dapat lang daw siguro na kumuha na sila ng katuwang namin.
Today is our Monthsary. Hindi naman kami palaging nagcecelebrate ng ganito, namusuhan lang namin ngayon at sa isang Amusement Park namin ito napagdesisyunan na gawin.
" Doon tayo." Sabay turo ni Seth sa Horror House.
Nung una medyo nag aalinlangan pa ako, pero nang tingnan ko ng maigi si Poy napag isip-isip ko na hindi ako matatakot dahil nandyan lang siya sa tabi ko at hindi nya ako iiwan. Besides, I have to face my fears.
" Si..sige, tara but Poy wag mo akong iiwan.'' Pagkapit ko sa kamay nya ng mahigpit.
"Ikaw, maiwan ko?" saka niya hinagkan ang kamay kong hawak-hawak niya.
Bumabanat nanaman ang loko! Naramdaman ko tuloy na nagblush ako. Simula nung naging kami, lagi na syang sweet at hindi ako nagsasawa dahil alam ko na sa akin lang sya ganoon.
Pumasok na kami sa Horror House at nakalabas kami ng masayang-masaya. May takot pa rin ako pero 'di kagaya ng dati, mas masaya at mas masarap sa pakiramdam na kahit sa pinakakinatatakutan kong lugar kasama ko ang taong mahal ko.
Nakakapagod grabe, sumunod kaming pumunta sa Arcade. Sumakay pa kami ng Perris Wheel, hindi naman ako takot sa heights, pero syempre nagkunwari akong takot para may yakap kay Poy. Minsan lang naman. Maya-maya pa may napansin si Poy, pinagkakaguluhan ng mga tao. Yung babarilin mo at kapag nabulls eye, may premyo ka.
" Doon tayo, ibibigay ko sa'yo yung pinakamalaking Bear." Sabi niya habang nakangiti.
Nahahawa ako everytime na nakikita ko siyang ngumingiti. Kakaiba kasi ang nagiging awra niya kapag ganoon.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Fiksi Remaja( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...