ASKM 23

53.2K 994 40
                                    


CHAPTER 23

Jiglie's Moment...

*CHARLIE*

Kahit papaano naman nung nalaman ko lahat ng nangyari kagabi, para akong nahugutan ng tinik sa dibdib. Nakita ko kasi ang dating ngiti ng best friend ko. Hindi man ganun kalinaw lahat ng sinabi nya, alam ko naging masaya sya ngayong pasko. Siguro kahit papaano nalaman nya kung ano ba ang nararamdaman sa kanya ni Seth. Syempre pati ako masaya rin, eh sa totoo nga lang nung inamin kong may pag asa sa akin si Jigs, ikinatuwa ko iyon. Nakita ko kasing determinado sya, nung nakita ko yung expression nya nang nalaman nya na may pag asa sya sa akin, ibang tuwa ang bumalot sa muka ko. Hindi ko man aminin sa sarili ko, alam kong unti unting napalitan ng saya ang lungkot na nararamdaman ko simula nung makilala ko sya. Sana magtuloy tuloy ito, ayaw kong matapos ang nararamdaman ko sa kanya, sana. Sana.

Maagang umalis si Eli sa bahay, nagiwan sya ng note sa side table ko,

"Morning Bru, siguro ngayon ay nasa bahay na ako, 'di na kita ginising kasi alam kong mahimbing ang tulog mo. May ngiti pa nga sa labi mo eh, habang tulog ka. Oo meron talaga! Wag magdeny! Bru, salamat kagabi ha! Kundi dahil sa'yo hindi masaya ang pasko ko, wag mo ko alalahanin ngayon. Ang isipin mo yung mga inaanak mo at si Jigs, para namang di ko alam na may date kayo, haha! Kilig ako Bru, sige salamat talaga! You're the best Bessy I've ever had, a-labs-yo! Muah. Merry christmas, papasko ko ha!♥" - Eli

Agad kong hinagilap ang phone ko at pinadalhan sya ng message.

" Bruha ka talaga, baka ninakawan mo pa ako ng litrato habang nakangiting natutulog ha! Iloveyoumore Bru!" –Sent-

Ilalapag ko na sana ang telepono ko ng biglang nagvibrate ito, hay nako! For sure galing to kay Bessy, infairness bumibilis sya magreply! Buong akala ko lang pala iyon dahil galing pala ito sa prinsipe ng buhay ko.

Fr: Jigs ko

Oo! akin na sya! Magprotesta papakulam ko!

" See you later, my princess. Merry Christmas ♥" –End-

Oha!Oha! Kahit naman sino atang babae kikiligin sa mga ginagawa nya. Sa lahat ng tawag nya sakin sa "My Princess" ako kinikilig, minsan tawag nya sakin Honey, My Lab, Sweet, Pinagong, Binatog, Dinuguan ng Puto nya, minsan nga Maruya, Honneybunch at marami pang iba. Ewan ko ba dun ginagawa akong pagkain, ngunit tulad nga ng sabi ko, sa " My Princess" ako pinakakinikilig. Hindi pa naman ako ganun katanda ah, kaya hindi masam kung kinikilig ako sa mga simple nyang banat. Kaka 19 ko palang at my teen pa rin iyon ha! Kaya pwede pa. Naalala ko pa noong unang bese nya akong tinawag ng ganoon, and believe me. Pakiramdam ko ako na ang may pinakamahabang buhok sa buong mundo, tinalo ko pa si Rapunzel.

Nauntog ako noon sa pinto, kasi papasok na kami sa cafeteria ng biglang sumara ito, bali nasa likod ko sya. Ayaw nya kasing nauuna maglakad sa akin, baka daw kasi madulas ako. Mabuti nang nakaalalay sya sa likuran ko. Sweet 'no? Yung iba laging nauuna sa babae, parang si Seth diba? Adik yun, laging ganun ang akto kay Bru.. Pero dati yun, nung lagi pa silang magkasama! So tumanga na nga ako, inuntog ako nang letseng pinto na iyon!

Toogsh...

" Ansakit naman," sabay haplos ko pa sa noo ko.

Bigla syang pumunta sa unahan ko at hinipo yung parte kung saan ako nauntog,

" Naman! Kaya nga ako puwesto sa likod mo para makaiwas ka sa disgrasya tapos sa unahan naman pala!" inalalayan nya ako para makaupo sa isang bakanteng bangko.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon