CHAPTER 21
Night before Christmas...
ELI'S POV
Malapit na ang pasko, kaya heto ako pilit na nilalabanan ang sakit na naranasan ko. Nakakapagmove on naman ako dahil na rin sa tulong ni Charlie, lagi nya akong sinasamahan, lagi kaming magkasama. Nandito kami ngasyon sa bahay niya atnagdedecorate para sa nalalapit na Christmas Eve. Dito kasi ako magpapasko. Si Kuya Lex ay sasamahan si Ate Apple. Matapos nang pangyayayri sa bahay with Chris, mas napalagay na si Kuya kaya hinahayaan niya na rin akong sumama ng sumama kay Bessy. Sina Manang naman uuwi sa pamilya nila. Aba syempre, hindi naman ako sadista para hindi payagan si Manan. Habang sina Mama naman ay hindi makakauwi dahil inimbitahan sila ng kapartner nila sa Business na mag White Christmas. Sabi nila nagkakaproblema raw ang Business ngayon kaya kailangan nilang mag-stay doon para na rin mas magtiwala mas mabantayan ang progress ng negosyo.
Sabit dito, sabit doon. Ang gaganda ng kulay ng mga balls sa Christmas tree. Naglalagay rin kami ng mga regalong nakabalot sa ilalim nito. Syempre dito din magpapasko sina Jigs at ang banda – at oo kasama si Seth. Pumayag naman ako dahil parte iyon ng pagmomoveon ko. Naisip ko na kahit nakikita ko siya, hindi dapat ako magpapaapekto. Naalala ko pa noong sabihin sa akin ni Bessy na dito din magpapasko sina Jigs at banda...
"Bru?"
"Bakit? Ano namang nangyari sa'yo? Para kang bibitayin sa itsura mo." nasa isang Park kami malapit sa amin. Nagbabadminton kasi kami tuwing umaga, saktong pinagpawisan na kami kaya umupo nalang at nagpahinga.
" Bru... ano kasi.. kasi, " untag nya habang hindi mapakaling tumitingin sa kanan at titingin sa kabila
" Charlotte!" mariin kong tawag sa kanya. Ang dami pa kasing paligoy-ligoy." KasiBessyditodinmagpapaskosiJigsatdahildoonkasamaangbuongbandasyemprenandunsiSethokaylangbasayo?" nagmamadalingsabi ni bessy..
" Ano? Wala naman akong naintindihan, ulitin mo nga nga!" parang ogag tong si Charlie minsan, gawin ba naman akong manghuhula ng tongue twister.
" Ang sabi ko, sa bahay din magpapasko si Jigs at dahil doon kasama yung buong banda. Syempre pati si Seth. Okay lang ba sa'yo?"
Natigilan ako sa sinabi nya, hindi ko alam na ganun pa rin pala ako ka-affected. Marinig ko lang kahit na ang pangalan niya natatameme na ako, pa'no pa kaya kung kaharap ko na siya?
" Sus yun lang ba? Oo naman 'no!" Kailangan kong ipakita sa kanya na nakamoveon na ako. Nagliwanag naman ang mukha ni Charlie ng marinig ang sagot ko at agad na yumakap sa akin.
***
" Tara Bru mag grocery tayo, trip kong magluto ng sweet ham!" yaya sa akin ni Bessy, syempre game ako doon. Bibili rin ako ng ingredients, ako naman ang toka sa dessert.
" Oh sige, ako nang bahala sa desserts ha!"
" Yey! Pwede bang Graham na lang? Please?" lumabi pa ang loka.
" Oo naman basta ikaw, tyaka 'yon naman talaga ang balak ko. Remember favorite nating dalawa iyon?!"
Pinamili namin lahat ng kailangan. Pagkarating na pagkarating namin muli sa bahay nila, agad na naming sinimulan, dahil mamayang midnight pasko na. Wala din naman ang mga Maids nila dahil umuwi rin sa kani-kanilang pamilya.
Tikim, tikim. Siguradong magiging masarap 'to! Tikim ulit, si Charlie naman dutdut ng dutdut sa cream na ginagawa ko! Tss, parehas na parehas talaga kami, may pagkapasaway. Matapos namin gawin lahat, naghanda na kami para sa mangyayari mamaya, naligo at nagbihis na rin. Inaayos namin ang lamesa ng biglang may nagdoorbell..
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...