CHAPTER 8
Clumsy...
Mag aalas-diyes na rin ng umaga noong nagising ako. Second day na, tutal Foundation Week naman pwedeng kahit anong oras pumunta sa School. Nasa sa'yo iyonkung gusto mong mapanuod lahat ng Events. Ang pagkakatanda ko may Role Playing ngayong umaga, kaya heto ko walang pakealam. Boring kaya iyon!
Oo ng pala yung sinasabi kong pageant ni Bessy ay sa 5th day pa, meaning Friday pa iyon ng gabi. Tapos sa Saturday ata, Last Night of the Foundation Week, celebration at may mga Bandang tutugtog. Ang saya, kasi ako talaga yung tipong turn on sa mga lalaking marunong tumugtog. Yung may magandang boses, specially marunong sa drums and guitar! Rack en roll \m/!
Kahit naman pala papano ay magiging masaya ang Foundation Week para sa akin. Isama mo pa ang nangyari kahapon. Kung araw-araw ba naman kaming magkasama ni Seth. Ay nako, sana lagi nalang Foundation Week hahaha! Medyo lumalandi na ata ako these past few days! Hays, buong akala ko magiging mongha nalang ako dito sa bahay.
Nakaligo na 'ko at kumakain ngayon ng Breakfast ng biglang tumunog ang phone ko. Excited pa nga ako dahil may inaabangan akong tawag. Ang kaso bigla akong nalugmo ng nakita kung sino ang tumatawag. Sa bagay, ano ng aba ako sa kanya?
Incoming Call Bessy...
" Oh bakit?" bungad ko.
" Bruha ka! Nasan ka na ba?" nakakabasag eardrums nyang sigaw, inilayo ko naman agad ang tenga ko sa phone. Masakit kaya!
" Charlie, wag ka ngang sumigaw. Ang sakit sa tenga! "
" Ay sorry Bru. Excited lang, nasan ka na ba?"
" Sus, talaga naman oh! Nandito pa 'ko sa bahay. Kumakain, why ba?"
" Anong why ba? Hello? Ang daming Booth ngayon tyaka dapat ine-enjoy mo 'to. Hindi yang nagtititigan lang kayo ng kisame nyo sa bahay. Pumasok ka na! Bye! " sabay baba nya sa kabilang linya.
" Aba't... " di ko na natuloy ang dapat sana ay sasabihin ko, babaan ba naman ako ng phone. Grrr! Yung Bruhang yun no! Miss nanaman ako noon for sure.
Pumasok na'ko, nagjeep para mabilis. Pwede naman lakarin kaso tinatamad lang talaga ako.
Nasa tapat ako ng gate nang makita ko si Bessy kasama nanamn ang walang kupas nyang boylet na si Mark. Ays, nakakaasar naman oh! Buong akala ko namiss nya 'ko kaya nya ko tinawagan. Iyon naman pala kasama nya nanaman ang di katiwa-tiwalang boylet nya. Bigla nalang nagbago mood ko nang may nakita akong angel sa likod ni Bessy. As in literal na Anghel, Biyaya nga langit na nagpapaalis ng bad mood mo! Alululu! Muka palang nya, ulam na. Ula-lam!
Si Seth lang naman ang gwapong nilalang na nakita ko. May mga kasama din si sila. Iba naming classmate with their girls. Si Seth wala haha! Ang bad ko. Ikinatuwa ko pa yung pagkawala nya ng date. Basta, I feel butterflies in my tummy. Anla, san galing yun? Ok Eli, kalma lang, Relax! Ito nanaman ang side ko na parang timang. Pinapakalma ko kasi ang sarili ko, baka kasi hindi ko nanaman mapigilan ma-stock nanaman ang mata ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...