CHAPTER 25
Hear His Side...
*SETH*
Agad kong pinatay yung phone ko, alam kong tatawagan nya ako, gusto kong marinig ang boses nyang mala anghel, pero mas nanaisin ko pang hindi iyon marinig. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nya, sasabihin ko rin naman eh. Sa oras na umayos na lahat, sa oras na alam kong hindi na sya mapapahamak. Ayokong may madamay na iba. Sana sa pagkakataon na maayos na ang lahat, sana matanggap parin nya ako, sana magtiwala lang sya.
"hintayin mo ko poy, mahal kita"
At matulin ko ng pinaandar ang motor ko,..
Flashback
Muli ko syang nakita, sa totoo lang alam kong wala na akong nararamdaman sa kanya, kahit ano pa ang gawin nyang paliwanag. Alam ko sa sarili kong hindi ko na sya mahal, sadyang ayaw ko lang syang harapin, baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong mapagbuhatan sya ng kamay. Si eli na ngayon ang buhay ko, sya lang at wala ng iba.
Nung sandaling nakita ko sya sa bar, ( birthday ni charlie) lalapitan na nya ako, wala akong pakialam sa ngayon. Hinila ko na si eli, alam kong nasasaktan na sya sa pagkakahawak ko, ngunit wala akong magawa. Ayaw kong bitawan sya. Ito lang ang tanging paraan para maramdaman kong nasa tabi ko sya. Maya maya pa ay hindi na nya nakayanan ang sakit, kaya bumitaw ako at nanghingi ng paumanhin sa kanya, tahimik akong lumakad papasok sa sasakyan, gayun din naman sya. Hinatid ko si poy sa bahay nila, umalis ako ng walang sabi sabi,,kahit sinabi nya sakin naniintindihan nya ako. Hindi ko parin magawang sabihin sa kanya. Alam kong naguguluhan sya kung sino si pin at mas maguguluhan sya kapag nalaman nya ang nakaraan namin ng babaeng iyon.
Si pinpin ang babaeng nakakuha ng lahat ng una ko. Unang kaibigan, unang ate, unang halik, unang kasintahan at unang pag-ibig. Sa totoo lang sobrang minahal ko sya, pero ginago nya ko. Nakita ko syang may kahalikan at iniwan bigla ng walang paalam. Ni hindi ko alam ang dahilan, sinabihan nya rin ako na nakababatang kapatid lang ang tingin sakin, pero alam kong kahit minsan ay minahal nya ako. Mag a-aniversary na sana kami noon ng malaman kong umalis na sya ng bansa. Wala akong nagawa, napariwara ang buhay ko. Araw gabi, bar at alak ang naging routine ko. Minsan nga ay umuuwi pa ako ng bugbog sarado, tangina lang kasi. Minahal ko naman talaga sya eh. Hayop lang talaga! Simula lang nuong nakilala ko si poy tyaka ko lang natanggap sa sarili ko na, hindi ko na sya mahal at hinding hindi ko na hahayaang gaguhin nya pa ako muli.
Pagkauwi ko sa bahay galing sa paghahatid kay poy. Agad kong humiga sa kama ko, unti unting bumalik lahat ng sakit. Lahat ng paghihirap na naranasan ko nung iwan nya ako, lahat ng iyon bumalik sa ala ala ko, matagal ko na syang kinalimutan pero bakit ganun? Sa isang iglap, sa sandaling segundong iyon, nung muli ko syang nakita. Parang kahapon lang lahat nangyari.
Lumalalim na ang gabi, sa pagkakakilala ko kay poy, hindi sya yung tipong easy go lucky, eh halos lahat ng problema sa mundo iisipin nung eh, kaya itinext ko sya na matulog na, matapos nun ay pumikit narin ako.
Lumipas ang mga araw, hindi ko tinetext o tinatawagan si poy. Ayaw kong guluhin ang pagiisip nya. Ayoko rin syang magtanung sakin ng kung ano anung bagay. Nakatanggap ako ng tawag galing kay papa, nagkakaroon daw ng anumalya sa negosy. Oo nga pala, alam ni papa na kami na ni eli. Kilala nya ito dahil kabusiness partner ni papa ang mga magulang ni eli. Kapag kasi nagkakausap kami ni papa, nababanggit ko si poy sa kanya. Tapos naalala ko pa noong una kaming nagkita nung papa ni eli, sinabi nya sa akin kilala nya si papa at doon nya ipinagtapat na magkasyoso sila sa negosyo, huwag ko na daw ipaalam kay eli, pero boto sila para sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Novela Juvenil( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...