CHAPTER 5
Bipolar...
ELI’S POV
Bigla siyang lumapit at marahang hinalikan ang mga labi ko. Syet!
Pero syempre buhay imagination ko lang pala iyon! Ano ba naman ‘tong isip ko? Laging gumagawa ng kung anu-ano!
Lumapit s’ya sa akin at marahang hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ang parteng namumula. Sa totoo lang medyo masakit talaga, at pagkatapos walang anu-ano’y nagsalita siya.
"Pasensya ka na, hindi ko napigilan. Nasaktan ka pa tuloy, hindi ko naman sinasadyang mapadiin ang pagkakahawak sa’yo. Ano ba? Kabadingan na ‘to!” halos pabulong ang uri ng pagkakasabia niya sa huling salita at kasabay nito ay tumingin ulit siya sa gawi ko.
Kahit walang emosyon ang mukha niya habang sinasabi ang mga katagang iyon, ramdam sincere siya sa sinasabi niya. Masyado na ba akong assuming? Sana wag niya akong titigan ng ganoon dahil natutunaw na ako.
Pagkaraa’y binitiwan niya ito at tumingin uli sa harapan.
"Ah… eh... eh.. okay lang naman ‘yun. Salamat nga pala kasi—“ mautal-utal kong sabi, pero naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita nanaman siya.
" And about earlier, sorry kung muntik na kitang masagasaan. Nagmamadali na kasi ako.”
"Ahh, ay iyon ba? Okay lang ‘yun no!" taranta kong sagot.
Ano ba Eli? Kanina lang bago ka pumasok ng Bar, galit na galit ka sa may ari ng kotse na ‘to tapos nang nalaman mo na siya pala. Bigla ka namang nanlambot. Ano? Lumalandi lang te?
Hindi ko alam pero unti-unti akong napapahanga sa kaniya. Para sa akin, iba ang dating ng mga lalaking tumatanggap ng sarili nilang pagkakamali, kahit paminsan-minsan. Lalo siyang nagiging lalaki sa paningin ko.
Itatanong ko na dapat ang pangalan niya ngunit nakita kong napangisi siya. Yung labi niya, kahit sa dilim kitang-kita ko kung paano ito kumurba. Nabaliw na ata ako, dahil nalimutan ko na ang dapat sana’y itatanong ko.
Walang anu-ano’y, bigla niyang pinatakbo ang sasakyan niya. Ang bilis sobra, halatang bihasa siya sa pagmamaneho, ngunit lahit ganoon ay hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting pagkabahala. Pakiramdam ko kapag kasama koi tong lalaking ito, protektado ako at hindi mapapahamak.
Simpleng bagay na ginagawa niya, nagiging espesyal sa paningin ko. Lord, siya ba ang napili niyong itadhana sa akin? Oo na, aminado na akong interesado ako sa supladong lalaking ito. Iba naman ang interesado sa gusto ‘di ba?
Habang nasa loob kami ng kotse walang umiimik sa aming dalawa kaya naisipan kong gumawa ng pagkakausapan.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...