Special Chapter and Donna's Note

49.5K 1.3K 140
                                    


Special Chapter

"Happy Anniversary." sabay halik niya sa akin sa pisngi. Nasa likod ko siya at nakayakap ng mahigpit. Kaagad kong naramdaman ang paginit ng mukha ko dahil sa kilig na nararamdaman ko.

Isang taon na kaming masayang-masaya sa piling ng isa't-isa. Kakatapos niya lamang ipakita ang inukit niyang tatlong letra sa nag-iisang puno dito sa Burol.

"Poy"

Tinanong ko siya kung bakit iyon ang ilagay niya ---- sa halip na Seth and Eli. Ang sabi niya mas maganda raw ang Poy, para raw Hidden Meaning. Parang mga alamat na hindi agad matutuklasan ng kung sino man kung hindi nila alam ang tunay na pinagmulan. Ibig sabihin hindi mawawala kahit abutin ng maraming taon. Abutin man ng daang taon maalala't-maalala parin. Ganoon daw ang pagmamahalan naming dalawa ---- hindi mawawala.

Marami na ang nagbago. Sa isang taon naming pagiging magkasama mas marami kaming natutunan at naranasan. May mga pagkakataong nagaaway kami, nagkakatampuhan kung saan halos lahat ata ay ako ang may pasimuno. Pero makita pa lang daw niya na malungkot ako, nawawala na agad ang galit niya. Ganyan si Seth kung maglambing. Nangako kasi siya na kailan man hindi na niya ako papaiyakin at araw-araw papaligayahin. May pagkabolero, hindi ba?

But so far, natutupad naman. Tatagal ba naman kami kung hindi.

Ang tungkol naman kay Stephany o si Pin, minsan lang namin iyong pinagusapan at hindi na naungkat pa. Aminado naman kaming parehas kaming may mali sa isa't-isa. Natatandaan ko pa, matapos noong muli niyang pagkanta sa harap ng madaming tao. Habang nasa Parking Lot kami at nakasandal sa motor niya, sobrang umiyak ako noon. Kahit na ako ang mali siya parin ang nagpakababa. Nagsorry siya dahil sinarili niya raw lahat ng problema. Hindi raw niya sinabi sa akin dahil sobrang mahal niya ko, ayaw niyang masaktan ako. Ako naman nagsorry din, dahil hindi ako naniwala sa kaniya. Ngunit para sa kaniya at wala na lahat ng iyon, at least sa kaniya na ulit ako. Matapos noon ay nagyakapan lang kami ng matagal.

Pero ang mas ikunagulat ko, ay noong inihatid niya ako sa bahay. Pagpasok namin, si Papa agad ang bumungad.

" Oh Seth Hijo, Kamusta? Effective ba?" tanong ni Papa.

Doon ako nagsimulang maghinala. " Huh? Anong effective?" tanong ko sa kay Seth, habang hinampas ng mahina ang braso niya. At ang Boyfriend ko namang sobrang tino, siyempre ganoon pa rin. Hindi parin sya nagbabago ng mukang ipinapakita, parang wala lang sa kaniya lahat nang nangyayari. Tiningnan ko din si Papa, ngunit ngumiti lang siya pagkatapos ay pumasok na sa bahay. Kaya kami ni Seth lamang ang naiwan sa labas.

Hindi maipinta ang itsura ko dahil pakiramdam ko lahat ay planado. Kaya pala si Papa nakangiti noong papunta palang kami sa Graduation at ang sabi niyang "habol pa ko." noong gabing iyon.

Sa halip na sagutin ako ni Seth, lumapit siya sa may tenga ko at bumulong...

" Kapag hindi mo itinigil yang panglabi mo, dito mismo. Hahalikan kita."

Biglaan na lamang akong umiwas ng tingin dahil naalala ko nanamang kapag sumisimangot ako, hinahalikan niya nalang ako bigla. Noong umatras ako ay bigla akong na-out of balance, buti na lang nakapitan niya ako kaagad at halos magmuka nanaman kaming nasa fairytale.

" When you blushed. I can't resist but to kiss you." sabay kindat nya.

Utang na loob!

Nahihiya po ako na kinikilig! Sobrang init na ng muka ko ko noon. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mama, kaya agad akong itinayo ni Seth.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon