ASKM 28

39.7K 935 40
                                    


CHAPTER 28

Selosong Kabuti...

ELI'S POV

Natapos na ang unang araw ng klase for this New Year at tulad ng nakasanayan, sabay kaming uuwi ni Charlie. Habang nanglalakad sa pasilyo ay napansin naming sa amin nakatuon ang maririin nilang tingin, pero hindi pala - dahil sa akin lang sila masamang nakatingin. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin ngunit hindi ko namalayang tumigil pala ang kasama kong si Charlie. Hindi rin iyon nakita ng tatlong babaeng iyon kaya narinig namin lahat ng pinaguusapan nila.

" Hindi na nahiya, kababaeng tao pa naman."

" Yes, hindi na siya kinilabutan sa ginagawa niya. Nasa kaniya na nga si Papa Seth, hindi pa nakuntento."

" Siguro kaya ganun kasi totoo ang rumors na iniwan na siya ni Seth. Like duh!"

" Maybe, or should we say malandi lang talaga siya."

" Ow that's more I like it!" saka sila sabay-sabay na tumawa.

Doon ko na lamang nakitang kinalabit na ni Charlie ang babaeng nagsabi na baka raw malandi ako.

" Hoy mga sukluban ng pangit na mga nailalang! Okay lang sana ang tsismisan niyo, pero ang sabihin niyong malandi ang isang tao ng walang batayan? Aba, parang nakakahiya naman sa makapal niyong kilay na hindi inaahit! Nagpantig talaga ang tenga ko eh. We don't care kung abutin pa kayo ng panibagong Pasko sa pagdadaldalan, ang amin lang matuto kayong rumespeto."

I grab Charlies hand, marami na kasing mag usisero na nanunuod sa amin.

" And one more thing, huwag nga kayong paharang-harang dyan sa daan, at ikaw!" sabay duro niya sa babaeng bintangera kanina. " Alam mo, kung wala kang pambili ng original na Hermes bag, pwede ba 'wag ka na gumamit ng imitation? Ang sakit mo kasi sa mata!"

Nakita ko pang itinago ng babaeng iyon ang Imitation Bag niya sa likod, mukha siyang hiyang hiya sa mga sinabi ni Charlie. Matapos noon ay ako naman ang hinila ni Charlie palayo sa lugar na iyon. I know anytime malapit ng tumulo ang luha ko.

Nakarating kami sa Parking Lot kung saan doon nakaparada ang kotse niya. Agd niya akong tinannong kung okay lang ako. Sinabi kong nagaalala ako sa kaniya dahil baka masira ang reputasyon niya dahil doon. Isang smpleng ngiti lang ang ibinigay niya sa akin sabay sabing..

" Hindi naman mahalaga iyon, ikaw ang Best Friend ko at hindi ko hahayaan na may gumawa sa iyo ng ganun. We're tweenie in hearts, hindi ba?" doon ako napangiti. Oo, tama siya.

Agad niyang pinaandar ang kotse niya, nang makalabas kami sa Gate ay muntik pa akong mapasubsob sa unahan. Biglaan kasing nagpreno si Charlie. Sa harapan namin ay may humarang taong nakasakay sa motor. Ilang saglit ang lumipas ngunit hindi pa rin ito umaalis, binubusinahan na siya ni Charlie ngunit di pa rin natitinag. Hanggang sa inalis niya nag helmet na tumatakip sa mukha niya. Laking gulat ko ng mamukaan ang lalaking unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ko. Wlang iba kundi si Seth.

Animo'y isa siyang kabuti na bigla bigla na lamang sumusulpot.

Nag makalapit na siya ay ibinaba ni Bessy ang bintana ng Kotse. " Let's talk" simpleng utos niya.

I looked at Charlie and her eyes says " It's okay, go with him."

Sumunod ako kay Seth kung saan pabalik na sa motor niya. Umangkas ako roon, ibinigay niya sa akin ahelmet na kanina'y gamit niya.

Kalmado lang siya ngunit para sa akin bago ang mga ipinapakita niyang pagkilos. Hindi naman siya galit, talaga lang kinakabahan ako sa bawat nangyayari. Bigla niyang pinaandar ang Motor niya, buti na lamang ay nakahawak ako sa likurang bahagi ng motor. Mukhang kulang ang kapit na ginawa ko, kaya sa pagkailang ko sa kaniya sa likuran ng damit niya ako kumapit.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon