Chapter 2
Dyahe...
I'm Elbeth Anne Perez. I'm already at my legal age. My three older brothers call me "Badong". 'Yan ang tawag nila sa akin kapag gusto nila akong asarin. Yeah! I know it's disgusting and I really hate it, but I'm used to it. They do call me "Bunso", "Princess" at marami pang iba. Dipende sa trip nila. Lumaki ako na dalawang kapatid ko lang ang lagi kong kasama. Nasa ibang bansa kasi sina Mama at Papa kasama ang isa ko pang Kuya.
Anyway, my friends call me "Eli" and I love it. Swear!
Laki man ako sa puder ng mga kapatid kong barako, halata man sa ayos kong medyo sinauna.Not to the point naman na nerdy type. Lagi lang akong naka jeans and shirts but I assure you, I'm making myself to look presentable and respectable. Naglalagay din ako ng light make up, may kahabaan ang buhok at hindi rin naman ako kagandahan. Kung baga isa lang akong simpleng babae.
Third Year College, taking up Bachelor of Science in Business Administration at St. Lorenzo University. I love Pizza. I'm a Professional Banyo singer and a certified friend lover. And that's the way I am.
•••
"OM! Totoo ba 'tong nakikita ko? Palapit ba talaga siya sa'kin? Shocks! Nasaan na ba kasi ang salamin ko? Baka may dumi ako sa mukha, dyahe 'yun! Anla, Ayan na siya! Eli, relax! Ok inhale, exhale. Whoo, whoo!"
Teka, Cut! Bakit ba ako nagkakaganito? Sino ba siya para ikataranta ko? Parang timang na ako sa kinikilos ko at halos suyurin ko na ang kasuluksulukan ng bag ko. Hindi ko alam, basta may feeling ako na dapat presentable ang itsura ko kapag nandiyan siya. Nature naman na talaga ang mga bagay na gaya ng ganito.
Nasa gitna ako ng pakikipaglaban sa kakahalungkat ng gamit ko ng biglang may tumigil sa harapan ko at nagsalit...
" Bakit ka ba tingin ng tingin? Patay na patay ka siguro sa akin ano? Alam mo bang nakakairita ka!" Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para makita kung kanino ang boses na iyon. At halos tawagin ko na ang lahat ng Santo mahiling lang na sana hindi siya.
But the thing is, all I heard is just my imagination. Maybe I was too paranoid and it kills me, bakit pagdating sa lalaking iyon nagkakaganito ako?
Noong tumingin na ako para tingnan ang direksyon niya, bigla siyang lumiko pakanan at pumasok sa isang room doon. So ano? Pahiya ako. Kasi naman, bakit ko ba iniisip na lalapitan ako nang isang supladong tulad niya? At isa pa, ni hindi nga man lamang kami magkakilala.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Hindi ko rin maipaliwanag, sa ilang minutong pagkakita ko sa kaniya alam ko na kaagad na biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa ginawa niyang hindi pag pansin sa akin o dahil gusto ko talagang lumapit siya at makaharap.
"Ay ano ba, Eli?" sabay sapo sa noo ko, " Tama na nga yang iniisip mo. First day na first day. Gising! Naiintimidate ka lang sa kanya! Okay?!"
Lumipas narin ang oras, kaya naisipan ko ng i-text ang Best Friend kong may lahi ata nang pagkasutil.
"Bessy wer knb? Bruha ka, di ka talaga pumasok ha! Sinong kasama ko kumain? Pumasok ka bukas ha! Anyways I missessess u! Plural yan ha, Muah! " then I sent it to her.
Just a minute or so, I got a message.
(1 new message) Bru
"Bru tsoly! I'm with Papa Mark ko, date muna. Bawi ako tom. Treat ko lunch. I missessessess u more! Ge gorabels na me!" —END-
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book I) Saan ka naman nakakita ng kung sino pa'ng nanliligaw, siya pa'ng may ganang magsuplado? Siya pa ang demanding! Hindi ba dapat siya ang nanunuyo sa'yo, umaalalay sa'yo, tinuturing kang Prinsesa? Pero bakit siya pa ang hind...