ASKM 31

37.5K 915 63
                                    

Chapter 31

The Break Up...

Eli's POV

Matapos magpalit ng uniporme sa bahay, sabay na rin kaming pumasok ni Charlie. Buong byahe, nawalan ako ng imik. Hindi ko ito gusto pero nagsasawa na'ko. Napapagod din ako, masakit man pero kailangan ko itong gawin. Parehas lang kaming masasaktan kung ipagpapatuloy pa namin.

Nakarating kami ng school. Nasa bukana pa lamang ay tanaw ko na ang lalaking iyon. Inaasahan kong ganito ang mangyayari. Agad niya akong hinawakan ngunit bumitiw ako saka humarap kay Charlie, mukang alam naman nito ang gusto kong manyari, iniwan niya kaming dalawa. Muli akong humarap kay Seth at lumakad papalayo, sumunod lamang siya. Tumigil ako sa bandang dulo ng School Ground. Sa lugar kung saan malayo sa maraming tao – malayo sa mga makakating dila.

"Seth, let's.. Let's break up."

Matapos kong sabihin ang salitang iyon ay marahan akong tumingin sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagkabigla nito hanggang sa unti-unting naging malungkot. Nagsimula ng pumatak ang mgaluha ko ngunit kahit ganoon hindi pa rin siya umiimik. Hinihintay ko siyang sumagot pero tanging pagtitig lang sa aking mga mata ang ginawa niya.

"Seth, hindi ko rin 'to gusto, pero nahihirapan na ako. Maski ikaw, mahihirapan ka lang din kung patuloy mo kong hahawakan kahit nandiyan na si Pin. Nas'an Seth? Nas'an na'ng mga pangako mo? Akala ko ba ako lang, pero bakit? Bakit pakiramdam ko mas maligaya ka kapag kasama siya? Akala ko ok na lahat, pero.. pero kasi –"

"Ganun na lang ba kadali sa'yo lahat? Kaya mo? Ito ba talaga gusto mo?" mahinang sabi niya ngunit sapat na para marinig ko.

I looked at him and saw sadness on his face.

"Seth mahirap din para sa'kin, pero please. Siguro kailangan muna nating maghiwalay." Kahit humihikbi ay nagawa ko pa rin itong sabihin.

Sandaling katahimikan ang sa'min ay parehong bumalot.

"Mahal kita at kung 'yan ang kagustuhan mo, papalayain kita. Hindi ko rin gusto na nakikita kang nahihirapan. Masyado ka ng nasasaktan dahil sa kagagawan ko, patawarin mo 'ko Eli, patawad."

Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko sa aking pisngi. Alam kong mahal ko si Seth at hindi iyon magbabago.

"Salamat Seth, " untag ko.

"Eli, 'wag mo sanang kalimutan. Nandito pa rin ako, maghihintay sa'yo. 'Wag ka ng umiyak. Ayoko sa babaeng umiiyak."

Putsa naman oh, maghihiwalay nalang kami at lahat, minamandohan niya pa rin ako. Pwede ba namang hindi ako iiyak? Halos mamatay na nga ako sa sakit na nararamdaman ko, kung alam mo lang kung gaano kahirap na iwan ka. Kahit sobrang nasasaktan ako hindi ko pa rin mapigilan ang pagmamahal ko sa'yo. Dahil tangina, kahit pagbalibaliktarin ko man ang mundo, mahal na mahal pa rin kita!

Sa muling pagharap ko sa kaniya, doon ko nakita ang mga bakas ng patak ng luha sa kaniyang damit. Umiiyak siya? Unang pagkakataon umiyak si Seth sa harapan ko.

"Paalam, Poy." Ito na lamang ang mga huling katagang lumabas sa mga bibig ko at saka tuluyang lumakad papalayo. Kahit sa huling pagkakataon, kahit huling sandali tinawag ko siyang Poy. 'Di kalaunan ay tumakbo ako at dumiretso sa bahay. Nagpasya akong huwag ng pumasok, wala na akong lakas para harapin pa ang araw na ito.

Pagkarating ko sa bahay, umakyat ako sa kwarto ko at doon ako umiyak ng umiyak. Mas masakit pa ito kesa sa naramdaman ko noong nalaman kong niloko lang ako ni Chris. Mas doble ang sakit, mas doble ang hinagpis. Hindi man lang siya tumutol, hindi man lang siya humindi. Gusto niya rin ba ang nangyari? Pero bakit? Bakit siya umiiyak? Bakit siya lumuluha? Natatandaan ko pa ang sinabi sa'kin ni Kuya Enzo, 'Sa relasyon hindi mawawala ang pagdududa. Hindi mawawala ang pag-aaway, ngunit tandaan mo Eli. Ang babae kapag umiyak ng dahil sa lalaki, ibig sabihin nun, totoo ang mga luha niya. Pero ang lalaki kapag umiyak dahil sa babae, mas totoo kaysa sa iba'.

Kung talagang hindi niya gusto ang mga nangyayari, bakit patuloy pa rin niyang sinasamahan si Pin? Bakit hinalikan niya si Pin? Bakit hindi niya ako pinigilang makipaghiwalay sa kaniya? Bakit hindi niya ako ipinaglaban? Bakit hindi man lang siya nangatwiran? Bakit? Bakit?

Marahil, tama rin ang desisyon ko. Panahon na lang ang makakapagsabi.

"Tapos na, Tapos na ang lahat. Wala na siya sa'kin, wala na si Seth."

Seth's POV

Maaga palang hinihintay ko na siya sa tapat ng school namin, kagabi ko pa inihanda ang mga sasabihin ko. Ipagtatapat ko na sa kaniya lahat, bahala na kung ano ang mangyayari.

Kahapon pagkaalis ni Charlie, binalikan ko si Pin at sinabihang 'wag ng magpapakita pa sa'kin. Sinabi ko sa kaniya na bahala na siya sa buhay niya. Bahala siya, kung gusto niya magsama sila ng Tatay niya, mga makasarili sila. Wala akong pakialam kung umiiyak si Pin sa harapan ko. I don't care kung siya pa ang babaeng unang minahla ko. Si Eli na ang buhay ko ngayon. Si Eli, na kung saan ay maaring mawala sa'kin dahil sa kagagawan ni Pin. Ginulo niya na ang buhay ko. At dahil sa halik na'yun, hindi ko na alam kung may babalikan pa ba ako.

"Seth, let's.... Let's breakup"

Unang katagang binitawan niya kaagad akong napahinto, kaagad akong napatulala, kaagad akong nawalan ng hininga. May naramdaman akong kirot sa dibdib na minsan ko lamang naramdaman na ngayon ay muli kong nararanasan. Sa kakaunting kataga na 'yun parang biglang bumagsak ang mundo ko.

Hindi ako nagsalita, hindi ko alam ang sasabihin. Hanggang sa tumulo na ang kanyang luha at iyon ang hudyat na naramdaman kong mas sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga, ang marinig ang mga katagang iyon kasabay ng luha niya ay parang isang kalbaryo para sa'kin. Nadagdagan pa ang mga sinabi niya. Doon ako muling nagising.

Putang ina! Totoo ang lahat. Totoong nakikipaghiwalay na siya sa'kin.

Pa'no niya nasabi 'yun? Na masaya ako sa nangyayari. Akala niya ba, hindi ako nagsasabi ng totoo na siya lang naman talaga? Akala niya ba may iba akong mahal? Totoo naman lahat ng ipinangako ko, tutuparin ko lahat ng 'yun. Kung sana'y wala lang mga hadlang, kung nakapaghintay lamang siya. Doon na ako hindi nakapagpigil.

"Ganun nalang ba kadali sa'yo lahat? Kaya mo? Ito ba talaga gusto mo?"

Kung nahihirapan siya bakit ginagawa niya ito, kung alam niya lang. Binalot kami ng katahimikan. Ngunit napagtanto ko, kung hindi ko siya papalayain mas masasaktan lang siya at 'yun ang pinakaayaw kong mangyari. Ayokong nahihirapan ang taong mahal ko.

"Mahal kita at kung iyan ang kagustuhan mo, papalayain kita. Hindi ko rin gusto na nakikita kang nahihirapan. Masyado ka ng nasasaktan dahil sa kagagawan ko, patawarin mo ko Eli, patawad." Mas pipiliin ko pang layuan mo ko kesa mas makita kang araw-araw na nasasaktan..

"Eli, 'wag mo sanang kalimutan. Nandito pa rin ako, maghihintay sa'yo. Wag ka nang umiyak. Ayoko sa babaeng umiiyak."

Tangina! Hanggang ngayon ganito pa rin ako. Wala parin akong kwentang tao. Hindi ko pa rin nasabi sa kanya. Hindi ko pa rin nasabi kung gaano ko siya ipinaglaban. Kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ko siya itinatangi. Ang gago ko talaga!

Sa kaniya lang ako umiyak ng ganito. Hindi isa ngunit pangalawang beses na. Tumungo ako para hindi niya makita ang ngayong mga luhang pumapatak sa aking magkabilang mata. Pinipilit ko itong itago at pigilan ngunit kusa itong bumabagsak. Tangina talaga! Kagaguhan ko na ito! Bakit ba ako umiiyak? Kung ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat!

Matapos ang dalwang huling alita niyang binitawan, nagsimula siyang lumakad papalayo sa lugar na kinaroroonan ko. Habang siya ay unti-unting lumalayo, tinitingnan ko siya. Mas lalo lang pumatak ang mga luha ko. Ang makitang dahan-dahang nawawala sa aninag mo ang babaeng pinakamamahal mo. Ang makitang kahit sa huling pag-uusap niyo ay puno pa rin ng luha ang mga mata niya. Ang makitang puno ng hinagpis ang muka niya at ang katotohanang, nangyayari ang lahat ng mga ito dahil sa kagagawan mo.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa upuhang kahoy na malapit sa akin. Muntik itong mawasak, habang ang kamao ko ngayon ay may bahid ng dugo.

Kung sasabihin ko naman ang dahilan ko, wala rin namang mangyayari. Wala rin namang kabuluhan kung malaman niya. Wala naman kasi siyang kasalanan doon. Ako lang ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari.

"Wala na, wala na ang babaeng tunay kong minamahal."

•••

Song Title: Sana Maulit Muli >>> Credits to youtube.

prettylittlemiss ♥

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon