Intruder 1

412K 8K 1.3K
                                    


"ITIGIL ANG KASAL! BUNTIS AKO AT SIYA ANG AMA!" sigaw ko sa loob ng simbahan. Itinago ko ang nararamdamang takot at kaba. Ni hindi ko nga kilala ang lalaking ikinakasal. Pangalan lang ang ibinigay sa 'kin ni Christine Hernandez at kaunting detalye tungkol sa groom. 

Christine hired me to intrude in this wedding, to ruin this wedding. I think she's just obsessed with this guy, Andrew Mendez, that she's willing to waste her money over him. Hindi raw siya paniniwalaan kung siya ang pipigil sa kasal. I'm wearing a flaunting red dress that makes me stand out in the crowd.

Lumingon sa 'kin ang mga taong nasa loob. Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mukha nila. Parang gusto ko ng mahimatay sa nangyayari. Isa itong malaking kahihiyan pero kailangan kong panindigan. Kailangang-kailangan ko ng pera kaya kumapit ako sa patalim. Mahirap lang kami at malaking pera ang inalok sa 'kin ni Christine. Sapat na ito para matustusan ang pag-aaral ko at maipagamot ang nanay ko. Sapat na rin ito para makapagtayo ng maliit na negosyo at makapagbagong-buhay.

Naguguluhang tumingin sa 'kin ang bride at groom. Magsisimula pa lang ang seremonya nang pumasok ako sa loob at sumigaw. Hindi pa nga sila nakakaupo. Dati akong miyembro ng teatro kaya kakayanin kong magpanggap. I did get a title of best actress in college. Hindi ko nga lang natapos ang kurso ko dahil kapos sa pera. I composed myself and held my chin up. I'm trying my best to act as the victim here. Pero sa totoo lang naaawa ako sa lalaking masisira ang buhay.

"Sino siya?" galit na tanong ng bride. She's very pretty in her white elegant wedding dress. She looks like a model. At pakiramdam ko walang panama ang ganda ko sa kanya.

"I don't know her!" giit ni Andrew. Nang lumingon siya sa 'kin. Pilit niyang inaalala ang mukha ko pero hindi talaga niya ako kilala at ngayon lang niya ako nakita.

"Andrew! How could you deny me? Matapos ang lahat ng nangyari sa 'tin! Alam kong may pagka-playboy ka pero hindi ko akalaing nakapa-irresponsable mo! Paano ang anak natin?" histerikal  na sigaw ko. I'm having a freak show and I'm not enjoying it. Akmang pipigilan ako ng ibang guards pero nanlaban ako.

Tiningnan ko sila nang masama. "I'm pregnant. Kapag nalaglagan ako, hindi ko kayo mapapatawad," banta ko sa kanila. Napilitan silang bitawan ako sa kabila nang pagdadalawang-isip. Good. I can still continue the show. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa ginagawa ko. Kailangan kong magtagumpay para hindi masayang ang effort ko! Kailangan kong makuha ang pera.

May isang lalaking tumayo. I think he's already in his fifties. Hindi ko alam kung kaninong ama siya pero mukhang sa babae. "What's the meaning of this Andrew? You got a woman pregnant? Who is she?" galit na tanong ng lalaki.

"How could you do this to my daughter!" sigaw naman ng isang babae. She's crying. Bahagya akong napangiwi. I'm really causing trouble now. Malakas na sinampal ng bride si Andrew. Naiiyak at nanginginig ang mga kamay niya. Hindi na niya kinaya ang bugso ng damdamin. Mukhang umaayon na sa 'kin ang pagkakataon. Pero natatakot ako sa karmang babalik sa 'kin. Sana mapatawad pa ako ni Lord. Sorry po! Halatang nawindang na si Andrew dahil sa sunud-sunod na tanong at sa malakas na sampal na natanggap niya. He gritted his teeth in silent anger.

"Andrew! Ipaliwanag mo ang nangyayaring ito! You can't screw any girls you want and get them pregnant. Hindi ka maaaring magkalat ng lahi ng mga Mendez kung kani-kanino! You must face the consequences. Whether you like it or not," sigaw ng isa pang lalaki. Mukhang siya na ang ama ni Andrew. Sinuklay pa ng kamay niya ang mga buhok. Halatang nai-stress na siya.

Natigilan ako sa narinig. You must face the consequences? Whether you like it or not? Parang masama ang kutob ko sa sinabi ng ama niya. Papanagutan ako ni Andrew? No! Hindi ako buntis. Joke lang 'to! Kailangan kong umalis dito!

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon