Epilogue

229K 5K 552
                                    

SIDNEY

Nakakasilaw ang liwanag. Nagmamadali ang mga kilos at galaw sa buong paligid ko.

"We need to remove the fetus inside her body," wika ng isang tinig. Hindi malinaw sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila. Masakit ang puson ko. Everything is blurry. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang ipinagpapatuloy nila ang operasyon. Wala ako sa tamang huwisyo at pag-iisip. Did I just lose my child?

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. Naramdaman ko rin ang bikig sa lalamunan ko. Masakit sa puso. Mabigat sa pakiramdam. Andrew will really get mad. Hindi ko alam kung sa 'kin, sa sarili niya o kay Christine. Sino ba ang may kasalanan? I can't tell. Basta masakit mawalan ng anak. Naririnig ko ang mahihinang boses. May sinasabi ang doctor sa assistant nurse. Unti-unti na akong napahagulgol nang maramdaman kong nagsisimula na ang doctor sa operasyon.

"No! I don't want to lose my child!" mahina kong daing. Naghi-hysterical na ako. Naramdaman ko na lang ang malamig na karayom na bumaon sa ugat ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng malay ko.

I gasped. Napansin ko na nakasubsob ang ulo ko sa desk ko. Pinagpapawisan na napaupo ako ng tuwid sa swivel chair ko. Shit! I fell asleep in the office. Napalingon ako sa wall clock. It's already noon! I need to go home now. Napailing ako sa masamang panaginip ko. I heavily sighed. What a weird dream? Humikab ako at nag-unat.

Napapagod na isinandal ko ang likod sa swivel chair. I am really busy with paper works. These past few days, natambakan ako ng trabaho. Agad akong tumayo sa kinauupuan. Pumasok naman si Vina.

"Uuwi ka na?" kunot-noong sabi ni Vina. Tumango ako.

"I'll work from home. Tiyak na naghihintay na sa 'kin si Andrew," sabi ko sabay kuha sa mga natitirang paper works. I put it inside my suitcase.

"Sigurado ka bang kaya mong umuwi? Baka makatulog ka? Better ride a taxi instead," nag-aalalang sabi niya. I nodded. It's better to ride a taxi now. Puyat na puyat ako. And I don't want to risk my life. Nagbilin ako ng ilang bagay sa kanya. Nagbeso-beso kaming dalawa bago ako umalis. Dumiretso muna ako sa grocery store para mamili ng lulutuin para sa hapunan.

It's been two years. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari noon. Hindi na rin nagkrus ang mga landas namin ni Christine. Sa tingin ko, natakot talaga siya sa banta ni Ericka. Mas mabuti na hindi siya nagpakita dahil baka kung ano ang magawa ni Andrew sa kanya kapag nagkataon. Tiyak na hindi agad makakalimutan ni Andrew ang mga nangyari sa 'kin.

Hindi pa rin nagbabago ang tingin ng mga magulang ni Andrew sa 'kin. Pero hindi na lang sila nagsasalita ng masasakit kapag kaharap nila ako. They choose to be silent when I'm around but they're trying to be hospitable sometimes. They're trying to be nice too kapag nakatingin si Andrew. Mababait naman ang mga kapatid ni Andrew sa 'kin kaya nakakaya ko na rin. Matapos mamili ay sumakay na agad ako ng taxi patungo sa bahay namin.

Naglalakad ako papasok sa isang subdivision. Hindi na ako nagpahatid sa taxi. I don't know why but I want to walk for just a while. Mas nakakapag-isip ako nang maayos. I need it for my next interior designs. Halos patapos na ang mga itinatayong bahay sa subdivision na ito. I'm also one of the interior designers. Ito ang subdivision na ipinatayo ni Andrew. He's one of the architects. May bahay rin kami rito. Hindi pa tapos ang interior design ng bahay namin dahil ako ang gumagawa nito. Andrew helps me too. We're making our dream house together.

Kitang-kita na busy ang lahat. This subdivision is exclusively for boys. But once they have a family or wife of their own, they could also live here. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trip ni Andrew pero napansin ko na puro pinsan at kaibigan niyang lalaki ang kumukuha ng bahay rito. 

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon