SIDNEY
Naglakad ako at agad na lumayo kay Andrew. Kakaiba talaga ang nararamdaman kong kaba. The feeling is new to me. Hindi ako mapakali. Sa 'di kalayuan napansin kong may malalaking bato. Nagtungo ako roon at umupo dahil pagod na ako sa pagtayo. I'm acting weird.
"What's the problem?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Andrew mula sa likod ko.
"Wala. Tinatamad lang akong lumangoy. Ikaw na lang," pagtataray ko. Hindi ako nag-abalang lumingon sa kanya.
"Okay," he said. Mabuti na lang hindi na siya nangulit. Pero akala ko lang pala 'yon. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.
"What are you doing?" bulyaw ko sa kanya dahil sa tindi ng pagkagulat ko.
"No!" sigaw ko nang mapansing sumusuong na siya patungo sa dagat. Nagwala ako. Para akong pusa na natatakot mabasa ng tubig. Napasigaw na lang ako sa inis nang lumubog na ang katawan naming dalawa. Natatawang ibinaba niya ako sa tubig. Ang sarap niyang kalmutin sa mukha!
Biglang nanginig ang katawan ko dahil sa sobrang lamig ng tubig. Wala sa sariling niyakap ko ang katawan ko. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Andrew pero nakangisi lang siya. Itinulak ko siya nang akmang yayakapin niya ako. Hindi malalim ang kinaroroonan namin. Ramdam ko pa ang mga buhangin sa mga paa ko. Hanggang balikat ko lang ang tubig.
"Akala ko ba nilalamig ka?" takang tanong niya sa 'kin.
"Pakialam mo?" inis na tanong ko sa kanya. Dahil siguro sa malamig na tubig, nawala ang kaba ko kanina.
"Don't be stubborn," he frowned. Muli siyang lumapit sa 'kin. Hindi na ako nakalayo dahil sa epal na alon. Naanod pa ako papalapit sa kanya kaya mas madali niya akong nahila at nayakap.
"May balak ka ba talagang lumangoy? If I know, gusto mo lang yumakap," nakasimangot na sabi ko. Sobrang lamig ng tubig pero mainit ang katawan ni Andrew. Nawala ang lamig.
"Sayang ang pagpunta ko rito kung hindi ko magagawa ang gusto ko," he sarcastically said. Mas lalo akong napasimangot pero hindi ako nagkomento. Masyadong naguguluhan ang puso at isip ko ngayon. Bakit ba ako naaapektuhan sa kanya?
"Kailan ka babalik sa Maynila?" tanong ni Andrew. Nagtaka ako.
"Bakit?"
"Just answer me," he said. Hindi ko makita ang reaksiyon ng mukha niya pero pakiramdam ko nakasimangot siya.
"Maybe this Friday. May kailangan akong i-meet na client. Tapos babalik uli ako rito. I'll stay here for two months," I answered. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sabihin ko sa kanya ang mga gagawin ko.
"Hindi na ako makakabalik dito. I'm too busy," he said.
"That's good then," nang-aasar na sabi ko. Pakialam ko ba kung hindi na siya babalik dito? Bahagya niya akong inilayo sa katawan niya. Seryosong tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Napalunok ako at kinabahan nang hawakan ng daliri niya ang labi ko. He teasingly traced the line of my lips.
"Good? You never fail to amuse me with this lips of yours," he said. Huli na upang mag-react ako. Agad na niyang nasakop nang buo ang labi ko. Napapikit na lang ako. Hinila niya ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. He bit my lower lip, teasingly. Mahina akong napaungol. I opened my mouth for him. His tongue sought for something inside. He plays with my tongue. Wala sa sariling naipulupot ko ang mga kamay sa batok niya. He kissed me deeply. Pakiramdam ko mababaliw ako sa init at sensasyong gumagapang sa buong katawan ko.
Nararamdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa isang dibdib ko. Impit akong napaungol. Alam kong mali ang ginagawa niya pero pakiramdam ko nanghihina ako sa bawat paghaplos niya.
BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.