SIDNEY
Ilang linggo na ang nakalipas nang bumalik ako sa unit ni Andrew. At sa magkaibang kwarto kami natutulog. And it's funny how he tried to seduce me every night just so he could sleep in my bed. I'm actually tempted to let him sleep in my room but I still want to annoy him. Naaawa na ako sa kanya pero hindi ko pa rin talaga makalimutan ang ginawa niya. I still need time to forgive him with all my heart.
I just woke up. Lumabas ako sa kwarto ko. Naamoy ko agad ang niluluto ni Andrew. He's always doing this every morning. He said he's courting me and he's doing everything to regain my trust. Napalingon siya sa 'kin nang maramdaman ang pagpasok ko sa kusina. Magulo pa ang buhok niya pero malakas pa rin ang dating niya. I frowned. He's effortlessly handsome. I hate it.
Hindi ko alam kung paano ako nakatagal na magkasama kami sa iisang bubong na walang nangyayari. Ngayon nanghihinayang na ako sa mga nasayang kong araw. Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa naisip ko.
"Ang aga-aga nakasimangot ka," he commented. He was smiling at me. Napangiwi ako dahil pinilit kong ngumiti.
"Hindi maganda ang gising mo?" nagtatakang tanong niya. Inilagay niya sa mesa ang ulam na niluto niya. Umupo ako sa isang silya at pinanood lang siya nang binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng fresh milk. He gave me a glass of milk. Hindi ko masagot ang tanong niya. Alangan namang sabihin ko na naiinis ako dahil ang gwapo niya? Baka lumaki lang ang ulo niya. Ininom ko ang gatas na ibinigay niya. Nagtatakang pinagmasdan niya ako. Nagtataka ring tumingin ako sa kanya.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko nang ibaba ko ang baso sa mesa.
"Wala. Gumaganda ka," he commented. Muntik na akong masamid dahil sa biglang pagbanat niya. Ramdam ko na biglang namula ang mukha ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Pilit kong itinatago na kinilig ako sa banat niya.
"Ibig sabihin pangit ako noon?" tanong ko sa kanya at pinanlakihan siya ng mga mata. Malakas na tumawa siya at umiling. Binalikan niya ang niluluto niya.
"I mean, mas lalo kang gumanda," he corrected. Magta-tatlong buwan na akong buntis. Napapansin ko na rin ang unti-unting paglobo ng tiyan ko. I'm still working pero hindi na ganu'n ka-workaholic. Napapansin ko rin ang kakaibang epekto ng pagbubuntis ko sa katawan ko. Pakiramdam ko medyo tumataba ako.
"Don't tell me, you actually mean that I'm getting fatter?" naiinis na tanong ko. Mas lalo siyang tumawa dahil sa sinabi ko. Nakakainis!
"Bagay sa 'yo," he said.
"Andrew! Tandaan mo ang araw na 'to! Hindi ka na talaga makakatulog sa tabi ko!" naiinis na banta ko. Agad kong inubos ang gatas nang isang inuman lang dahil sa inis ko sa kanya. Kailangan ko na bang mag-diet? Pero kawawa naman ang baby ko! Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi niya sineryoso ang sinabi ko. Nagsimula na siyang maghain ng pagkain sa mesa.
"Seriously, Sid? Ikaw lang ang nakapansin na tumataba ka. I'm not really bothered. At seryoso ako na mas lalo kang gumanda," sabi niya habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko. Humaba ang nguso ko. Ilang araw na rin akong nagiging moody. Siguro dahil sa pagbubuntis ko.
"Kumain ka na. Ihahatid kita sa office mamaya," he said. I followed obediently. Kumain na rin siya nang mapansin na kumakain na ako. Nang matapos kaming kumain, nakatingin lang siya sa 'kin kaya kumunot ang noo ko. Tinaasan ko siya ng kilay. It's my way of asking why he is staring at me. Mukhang natauhan naman siya. Napalunok siya.
"Sid, my parents already knew that I'm living with you. That you're pregnant," he seriously said. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I was shocked.
"And what did they tell you?" agad kong tanong. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil sa kaba. Baka mapasipa ang baby ko sa tiyan ng wala sa oras. I know my baby will be happy to cheer for me.
BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.