Intruder 19

172K 4.1K 113
                                    

SIDNEY

Huminga ako nang malalim nang makarating kami ni Andrew sa bahay. Kinakabahan ako. Nasa harap na kami ng pinto. Nakabukas 'yon kaya hindi ko na kailangang kumatok o kumuha pa ng susi. 

Pero natigilan ako sa pagpasok. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Mama. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang pagbubuntis ko. Pero kailangan ko pa bang ipaliwanag? Syempre alam na niya kung ano ang ginawa namin ni Andrew. Pero mali pa rin eh. Hindi kasi totoo na buntis ako. Pero asawa ko na siya.

Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman kong hinawakan ni Andrew ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya. He kindly smiled to me. Marahan niyang pinisil ang kamay ko. Parang sinasabi niya na maaayos din ang lahat. I smiled back. Magkasabay kaming naglakad papasok. Napangiwi ako nang makita ang dalawa kong kapatid. Gulat na gulat sila habang nakatingin sa 'min.

"Mama! Nandito na ang boyfriend slash asawa ni Ate," sigaw ng kapatid kong babae na si Joana at tila kinikilig pa. Hindi talaga sila na-excite sa pagdating ko kundi kay Andrew. Ilang linggo ba ako nawala? Hindi man lang ako na-miss? Sino ba ang kapatid dito? Si Andrew ba?

"May boyfriend ka talaga ate? Totoong buntis ka? Nagpakasal na kayo agad?" hindi makapaniwalang tanong ni Paul. "Ibig sabihin may kuya na talaga kami?" dagdag pa niya.

"Ate 'yung bisita dalhin mo na sa sala!" sabi ni Joana. Pero pumagitna na siya sa 'min at hinila na niya si Andrew mula sa 'kin.

"Seryoso ka bang asawa ka na ni Ate? Hindi ka natatakot? Bakit hindi ka nagdalawang-isip?" sunud-sunod na tanong niya na naririnig ko naman. Mahinang tumawa si Andrew dahil sa mga tanong ng kapatid ko. Napailing na lang ako.

Lumapit naman sa 'kin si Paul. "Grabe, ate. Saang lupalop mo napulot 'yon? Akala ko pa naman, 'yong tambay lang sa kanto ang dadalhin mo rito. Mukhang anak-mayaman pa. Buti pumayag siyang mabuntis ka. Akala ko tatanda ka nang dalaga," sabi ni Paul na parang nang-aasar. Piningot ko ang tainga niya.

"Aray! Sorry na! Nagbibiro lang ako! Sa ganda mong 'yan!" pambobola niya. I sighed. Tinigilan ko na ang ginagawa sa kanya. Pumasok na kami sa sala. Wala si Mama. Tiyak na nasa kusina pa siya. Nagulat kami nang may narinig kaming nahulog mula sa kusina. Agad akong pumunta roon. Sumunod din sa 'kin sina Andrew. Nahulog ang takip ng kaldero. I sighed. Pinulot ko na 'yon.

"Ma, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko. 

Marahan siyang ngumiti at tumango. "Kinabahan lang ako nang marinig ko na narito na kayo," sagot niya. Napailing ako. They're making this hard for me. Bakit ba ako pumasok sa isang shotgun wedding? Hindi pa ako handa na iwanan sina Mama. Tiyak na hindi naman papayag si Andrew na tumira kami rito.

Nag-aalalang tumingin ako kay Andrew. Hindi ko alam kung paano ko siya ipakikilala. Lumapit siya sa kinaroroonan ko. "Ma. Si Andrew pala, asawa ko. Andrew, si Mama. Her name is Gina," pagpapakilala ko. Nagulat ako nang magmano si Andrew kay Mama. Hindi ko alam kung natural ba sa kanya ang ginawa o nagpapanggap lang.

"I'm glad to finally meet the beautiful mother of my wife," Andrew said. Masyadong sincere ang tono ng pananalita niya. Hindi halatang nagsisinungaling siya. Ngumiti naman si Mama.

"Hindi ko alam na may boyfriend pala ang anak ko. Este asawa na pala. Kahit gusto ko na siyang mag-asawa, nagulat pa rin ako na buntis na siya. Magiging lola na pala ako. Ilang buwan na ba?" malumanay na tanong ni Mama. Pasimpleng nagkatinginan kami ni Andrew. Pasimple rin na pinanlakihan ko siya ng mga mata. Kasalanan niya. Ano'ng gagawin namin ngayon?

Humugot ako nang malalim na hininga. Tumingin ako kay Mama. "Ganito kasi 'yan Mama," nag-aalangang sabi ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya.

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon