Intruder 6

201K 4.7K 264
                                    

SIDNEY

Alas dos ng hapon, nakarating na ako sa Palawan. May isang matandang lalaki na sumundo sa 'kin. Isa siya sa mga company drivers ni Mr. Sy. Ihinatid niya ako sa site ng resort. May mangilan-ngilang cottage doon para sa mga designers na dumating. Malapit ng matapos ang hotel. Landscape at interior design na lang ang kulang. Kailangan din naming makipag-ugnayan sa architect na gumawa ng design. 

Hindi ko alam kung bakit hindi kumuha si Mr. Sy ng isang kumpanya na gagawa ng lahat para sa resort na ito. Sa iba't ibang kumpanya nanggaling ang mga designers. Weird.

Pagdating ko sa isang malawak na dalampasigan sa Puerto Princesa, mapapansin ang mga trabahador na busy sa kanilang ginagawa. Ni hindi nga nila ako sinusulyapan. Hindi ko rin matukoy kung sino sa kanila ang makakasama ko sa design team. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa hotel na ginagawa. Tanaw na tanaw ko rin ang malawak at malinis na karagatan. Maraming turista ang namamangka. Maganda ang tanawin at nakakahalinang maligo sa dagat. 

Maya-maya pa'y may lumapit sa 'king isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Sinabi niya na sasamahan niya ako sa loob ng cottage ko. Binuhat ko na ang maleta ko. Hindi ko na siya hinayaang tumulong dahil nag-iisa lang naman 'yon. May kalakihan ang cottage. May tatlong kwarto pero sinabi niya na puro kami babae rito. Katulad ko rin na designers. 

"Nasa ibang cottage naman po ang ilan pa sa mga makakasama ninyo sa trabaho. Kadarating lang din po nila. Ang iba naman po, bukas pa makakapunta rito," paliwanag ng babae. Nakikinig lang ako sa kanya at tumatango. Ipinakita niya sa 'kin ang kwarto ko. It's a good thing na solo ko ang room. Mas makakapag-concentrate ako sa paggawa ng design. Hindi ko pa maaabala ang roommate ko kapag nagtrabaho ako hanggang madaling araw.

"Sino pala ang architect?" tanong ko habang inililibot ko ang paningin sa maliit na kwarto. May kama roon at may isang study table. Sakto lang ito para sa 'kin. I checked the lights. Gusto kong malaman kung sapat ang liwanag na 'yon para sa paggawa ko ng designs. Maliwanag naman ito. Tamang-tama lang. May isa ring bintana. I opened it. Napangiti ako. Kitang-kita ang mga naglalakihang puno ng niyog. Matatanaw rin ang katapat na isla. Hindi pa natatapos ang landscape pero maganda na ito sa paningin. It's a green and healthy environment. The sight will surely inspire me.

"Hindi ko po kilala. Hindi ko pa po nakikita. Iba po kasing architect ang nag-aasikaso rito pero hindi raw po talaga siya ang gumawa ng design ng building," paliwanag niya. "Si Architect Leo po ang nag-aasikaso sa ngayon," dagdag niya.

Tumango ako. Siguro masyado ko na siyang naaabala dahil sa mga tanong ko. "Ah, thanks! Maayos na ako rito. Mamaya na lang ako lalabas para i-meet sila," nakangiting sabi ko. "Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko. Nakalimutan ko nga palang magpakilala sa kanya. "By the way, I'm Sidney," pakilala ko.

Ngumiti siya. "Anna po ang pangalan ko. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka, Ms. Sidney," magalang na sabi niya. Tumango ako. Lumabas na siya sa room ko. I locked the door. I closed the window. I wanted to rest for a while. Nakakapagod ang byahe. Hinubad ko ang sapatos ko bago ako sumampa sa kama at humiga. 

I closed my eyes. Bukas na magsisimula ang trabaho. I have to do my best. Ayaw kong mapahiya kay Mr. Sy. He gave me a big opportunity to take part on this project.  I must prove my worth. I must do my best. 

There's too many things running in my mind. Pakiramdam ko sasabog na ito. Iniisip ko pa rin ang mga designs na gagawin ko para sa mga clients kahit nakapikit na ako. Marami akong dapat tapusin. I sighed. Sumasakit na ang ulo ko. For now, I will just take a nap.

****

Pupungas-pungas na bumangon ako sa kama. Sobrang dilim sa loob ng kwarto ko. Kinapa ko pa ang switch ng ilaw. Nang lumiwanag ang buong paligid, kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng shoulder bag ko. 

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon