SIDNEY
Sunday. Maaga akong nagising. Napangiti ako nang mapagmasdan ang natutulog na mukha ni Andrew. He is sleeping peacefully. He looks like an angel. He looks harmless. Nakapulupot sa baywang ko ang isang kamay niya habang nakaunan naman ang ulo ko sa kabila. Bahagyang nakaawang ang mapupula niyang labi kaya nakagat ko ang labi ko. Parang tinutukso ako ng mga ito na halikan siya. Napalunok ako.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Binigyan ko siya ng isang magaang halik sa labi. Sobrang gaan na halos hindi na niya maramdaman. Hihiwalay na sana ako sa paghalik sa kanya nang bigla kong maramdaman ang mga kamay niya sa likod ng ulo ko. Muntik na akong mapatili dahil sa gulat. Pakiramdam ko bigla kong nalunok ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso.
Bahagya niyang iminulat ang mga mata at tumitig sa 'kin. Mapanuksong ngumiti siya.
"I know you can kiss better than that," nang-aasar na sabi niya. "Tinuruan na kita, 'di ba?"
Tinutukso niya ako. Sumimangot ako. Nag-iwas na rin ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko maduduling na ako. Hindi ko na rin makaya ang matiim na pagtitig niya sa 'kin. Alam kong anumang oras bibigay na ako.
"Kiss me again," nag-uutos at paos na sabi niya. His voice is sexy and seductive. Bumuntong-hininga ako nang bumaba ang paningin ko sa mga labi niya. I slowly traced the line of his lips. Napansin ko ang paglunok niya. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya. Siguro. Kahit naman ako kinakabahan din. Magaan kong inilapat ang labi ko sa kanya. My lips moved slowly. And he responded at the same pace. Hindi ko alam kung gaano katagal dahil unti-unti akong nadadala. Unti-unti akong nawawala sa sarili. Nang hindi na siya makapaghintay, unti-unti nang naging mapusok ang mga halik niya. He pressed my head closer towards him. I am responding passionately too. His tongue slips inside my mouth and it makes my heart beat faster. Mas lalong lumalala ang tensiyon na nararamdaman ng katawan ko.
Naramdaman ko ang biglang pagbabago ng posisyon namin. He is on top of me now. He stopped kissing me when we were both out of breath. He looked at me intensely with lust.
"I can't wait any longer," he almost whispered. Tila nahihirapan na siya. But I'm not that confident. I'm too conscious with my body.
"Wait! I'll just take a bath!" nahihiyang sabi ko. Itinulak ko siya palayo. Sinundan niya ako ng nagtatakang tingin. Agad akong pumasok sa banyo. I locked the door. Napahawak ako dibdib ko. Pakiramdam ko, hindi ko na kakayanin ang mabilis na pagtibok ng puso. Nang mapalingon ako sa salamin, kitang-kita ang pamumula ng mukha ko. Hinintay ko munang kumalma ang puso ko bago ako naligo. Hindi ko alam kung gaano katagal. Hindi ko na namalayan ang oras. Napapitlag na lang ako nang marinig ang sunud-sunod na pagkatok ni Andrew sa pinto. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ito na nga yata!
"Hey! Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin pero huwag kang magkulong sa loob ng banyo!" nag-aalalang sigaw niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya. Ilang oras na ba ako sa loob? Hindi ko namamalayan dahil sa sobrang pag-iisip. Huminga ako nang malalim. Pinihit ko na ang faucet at tumigil na ang tubig mula sa shower. Gagawin din naman namin ito kaya hindi ko na kailangang patagalin.
Binuksan ko ang pinto. Nagtago ako sa likod nito at bahagyang sinilip si Andrew. Hindi ko alintana ang hubad kong katawan. Nahihiyang tumingin ako sa kanya. Alam kong namumula rin ang mukha ko. Tumutulo rin ang tubig mula sa buhok, mukha ko at sa buong katawan ko.
"Sorry," mahinang sambit ko. Hindi ko alam ang sasabihin. He was taken aback. Napansin ko ang sunud-sunod na paglunok niya habang nakatitig sa mukha ko.
"No. It's my fault. I don't plan to scare you. You can go out now," he said sincerely. Mababa ang tono ng boses niya. Umiwas siya ng tingin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Nag-effort pa naman akong mag-prepare.
![](https://img.wattpad.com/cover/4965650-288-k850096.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.