SIDNEY
Third day in Palawan. Napuyat ako kagabi dahil ginawa ko na ang drafts ng design na ipapakita ko kay Ma'am Lina.
Kahapon kinulit din ako ni Kath dahil sa eksena namin ni Andrew sa dining hall. May nakakita rin sa 'min na naghahalikan sa dalampasigan. Hindi ko akalaing sikat na sikat si Andrew sa mga kasama ko. Siguro dahil sa negosyo ni Andrew. Marami rin kasing interior designers ang gustong makakuha sa projects ng company ni Andrew. Hindi ko alam kung paano ko itatanggi na wala kaming relasyon dahil sa mga nangyari. Kahit ano'ng sabihin ko hindi sila naniniwala na wala kaming relasyon.
Maaga pa. Malapit ng sumikat ang araw nang lumabas ako sa cottage. Tulog pa ang mga kasama ko. Mangilan-ngilan pa lang ang tao sa paligid. Umaahon na rin ang mga mangingisda na pumalaot kaninang madaling araw. Marami na ang naghihintay sa mga nahuli nilang isda. Naghikab ako at nag-unat-unat ng katawan. Pakiramdam ko masakit ang katawan ko dahil bugbog at subsob sa trabaho.
Nakakailang dahil tinulungan ako ni Andrew sa designs na gagawin ko. He gave me ideas yesterday. He's acting kind and strange. At mas nakakatakot 'yon. Mas kinakabahan ako sa inaakto niya. Is he trying to deceive me? I don't know.
"Hey!" May malalim na boses na nagsalita mula sa likod ko. I am bending my body sideways and having an exercise. Halos tumalon ang puso ko sa pagkagulat. Hindi dahil nagulat ako kundi dahil alam ko na boses 'yon ni Andrew. Agad akong tumayo ng tuwid at humarap sa kanya. Awkward. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya ako hinalikan kahapon. Mabuti't nakapagtrabaho pa ako nang matino kahapon. I'm glad he's not bringing up the topic.
He looked at me from head to toe. Tila sinusuri ang buong katawan ko. Nailang ako. Buti na lang nakapag-toothbrush ako at nakapagsuklay ng buhok. He is wearing jogging pants and jacket. Mukhang katatapos lang niyang mag-jogging dahil pawisan pa siya. Alagang-alaga niya ang katawan niya. I wonder what his body looks like. Siguro ang firm ng muscles niya.
Natauhan ako sa nai-imagine ko. I'm just wearing shorts, oversized t-shirt and flip flops.
"Come here," he commanded. Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit naman ako lalapit sa kanya? Saka sino ba siya para utusan ako? I frowned.
"Bakit?" nagdududang tanong ko.
"Basta lumapit ka," naiinip na sabi niya.
"Paano kung ayaw ko?" naiinis na sabi ko.
"Then you'll be punished," he grinned. Napalunok ako sa sinabi niya. Kinabahan ako. Sumeryoso na ang mukha niya nang hindi ako natinag sa kinatatayuan. Hindi ako gumalaw pero hindi na siya nakapaghintay. Siya na ang lumapit sa kinatatayuan ko. Napaurong ako nang mapansin na nakatayo na siya sa harapan ko. Pero hinapit niya ang baywang ko at hinila palapit sa kanya.
"Why can't you just follow my orders? Mahirap ba talaga?" naiinis na tanong niya. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa hindi na ako nakapagsalita. Kapansin-pansin din na mabango siya kahit pawisan. Nakakainis naman! Gumamit ba siya ng papa cologne? Pinigilan kong tumawa dahil sa kung anu-anong kalokohang pumapasok sa utak ko.
He lowered his head on my neck, he started to sniff my scent. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko mapigilang makiliti. It's the most sensitive part of my body. Nakagat ko ang labi ko. Gusto kong pigilan ang pagtawa. He planted small kisses on my neck. I am a little conscious because I'm not yet taking a bath. Pero nakikiliti talaga ako. I let out a soft chuckle. It almost turn up into a moan.
"Shit!" impit na daing ko. Bumibigat na ang paghinga ko. Dahil hindi na ako nakatiis, hinawakan ko na ang magkabilang pisngi niya at inilayo sa leeg ko. Naaaliw na tiningnan niya lang ako.
"Is it good?" nang-aasar na tanong niya. Hindi ko alam kung bakit bahagyang hinihingal ako dahil sa ginawa niya. Nakakainis naman! Bakit kasi may kiliti pa ako sa leeg! Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.