SIDNEY
Lihim akong napalunok nang makalapit si Christine.
"It's nice to see you again, Sidney," sarkastikong wika ni Christine sa 'kin.
"I don't feel the same, Christine. Why are you here?" diretsong tanong ko. Wala akong balak na ipahalata sa kanya na kinakabahan ako. Kung balak niyang makipag-away, wala akong balak umurong. Wala na akong balak tumakbo at magpatalo.
Nawala ang ngiti niya sa labi. Tinaasan niya ako ng kilay pero maya-maya lang ay bumalik ang nakakalokong ngisi niya. "You're so cold. After what I did for you? Remember?" sarkastikong sabi niya.
Nawala ang ngiti niya sa labi at seryoso at galit na tumingin siya sa 'kin. "I gave you money. Sa totoo lang, sobra pa ang ibinayad ko sa 'yo sa ginawa mong serbisyo. Hindi ko akalaing sa 'yo pa babagsak si Andrew. It's not fair. Hindi ko matanggap," she said with disgust.
Sinuklian ko ang masamang tingin niya. "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong ipagsiksikan ang sarili mo kay Andrew. Malinaw na hindi ka niya mahal. Why are you wasting your with someone who doesn't even want to waste time on you? Are you dumb?" matapang na saad ko. I bit my lower lip. I know my words are a bit too harsh for her. Pero wala akong magagawa. Gusto ko siyang magising sa katotohanan.
Namula ang mukha niya dahil sa galit at inis na naramdaman para sa 'kin. I know I'm hitting her under the belt but I have to. I just have to. I want to stop this. Gusto ko na ang matahimik. Gusto kong wala na akong inaalala pa. Ayoko nang mangamba na maulit ang panggugulo niya sa buhay ko. Sa buhay namin ni Andrew.
Naningkit ang mga mata ni Christine sa 'kin. Kitang-kita sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Napaurong ako ng isang hakbang nang lumapit siya sa 'kin. Napatitig ako sa mukha niya nang kaunti na lang ang espasyo sa pagitan namin. She is really mad. I can tell.
"Wala kang alam, Sidney. You're just one of the lucky person here on earth that had found love that easily. You don't know how much it truly hurts. You don't know how it hurts to be rejected by the one you love. Yes. He is not interested in me but I still want him. It's either I'm challenged or I just really love him, I don't care," she said with a bitter tone.
"Shit! Are you a masochist?" hindi makapaniwalang tanong ko. "You love pain that much? I can't believe you!" nanlalaki ang mga mata na saad ko. "Masaya na kami ni Andrew. Just... just back off!" naiinis na sabi ko. "Find your own happiness. Maybe there's someone out there for you. Hindi mo lang napapansin dahil si Andrew ang pinagtutuunan mo ng pansin," naaawang sabi ko pa.
Mapait siyang tumawa pero pagkatapos ay matalim na tumitig sa 'kin. "Masaya na kayo ni Andrew? Sidney, baka nakakalimutan mo na hindi ka pinakasalan ni Andrew. Pinaniwala ka niya. Ginawa ka niyang tanga. Pinaasa ka lang niya. And why did you come back to him after what he did to you? Hindi ba't pareho lang din tayo? Pareho lang tayong tanga, Sidney," she said with her gritted teeth.
Naningkit ang mga mata ko sa kanya dahil sa inis. She's dumb. She cannot see our difference. She's blinded. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa kanya at hindi ko na matukoy kung ano ba talaga ang pinakasanhi. Love? Hate? Envy? Greed? I can't tell. "We're different. He went back to me. He loves me and he's willing to make it up with me. Pero noong iniwan ka niya, hindi ka niya binalikan Christine. Para ka lang dumi na iniwan sa isang tabi," naiinis na sabi ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa bugso ng damdamin kaya ko ito sinabi o dahil gusto kong ipamukha sa kanya ang lahat para matauhan na siya.
"He will marry me as he promised. Niloko niya ko pero pinipilit niyang ibalik ang tiwala ko sa kanya. Pero sa 'yo ba? Nag-effort ba siya? Hindi naman, 'di ba? You're just nothing to him. I doubt it if he thinks that you even exist! Damn! Don't be unreasonable. Just let him go and let yourself be happy too!" sigaw ko. Kung may tao man sa parking lot, tiyak na naagaw na namin ang atensyon nila sa ginagawa naming eksena ngayon.
BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.