SIDNEY
Maingay at mausok sa loob ng bar. Marami ring tao ang nagsasayaw at walang pakialam sa paligid nila. The light is dim. Halos mabangga ko na ang mga tao dahil sa paghila niya sa 'kin. Maybe it's not the right place to get some gore ideas. Sobrang lakas ng music na halos masira ang eardrums ko.
"Andrew!" nag-aalangang pagtawag ko sa pangalan niya pero hindi niya naririnig. Naiinis na ako dahil sa pagkaladkad na ginagawa niya sa 'kin. Masakit na ang braso ko dahil sa marahas na paghila niya. He's ungentle and scary. Nasa bokabularyo ba niya ang pagiging isang gentleman? Wala siguro.
Tumigil kaming dalawa sa harap ng bar counter. Hawak pa rin niya ang pulsuhan ko.
"Sit," he commanded with undeniable authority.
"Ano ang tingin mo sa 'kin? Aso?" sigaw ko dahil sobrang ingay ng paligid. Pakiramdam ko kinakain ng malakas na tugtog ang boses ko.
Nagulat ako nang ilapat niya sa tainga ko ang malambot na labi niya. Ramdam ko ang biglang pagtibok ng puso ko. His lips tickles me. Akmang uurong ako dahil sa gulat pero pinigilan niya ako. Ipinulupot niya sa baywang ko ang isang kamay niya.
"You don't have the right to complain," he said sharply. I shivered hearing his cold voice. I think it's freezing. Parang gusto kong manghina pero nagpakatatag ako. I don't want him to see how weak I am when I'm wrapped in his arms. I am actually intimidated by his presence. His existence is disturbing me. I hate this guilty feeling building up inside my chest. It's squeezing my heart painfully. I'm the reason why he ended unhappy. I know I'm selfish.
"I-I'm sorry," nauutal na sabi ko. Nasabi ko na rin sa kanya ang gusto kong sabihin. Ramdam ko ang biglang pagtigas ng katawan niya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. He looked at me straight in the eyes with a dark expression. He glares at me. His brown eyes is burning with anger. His jaws tightened, too. Alam kong pinipigilan lang niya ang galit niya. Binitawan na niya ang baywang ko na tila ba napaso siya.
"Sorry for?" he smirked.
"Sorry for ruining your wedding. I know... I can't take back all the wrong things I did but please forgive me. May dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yon. I need--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ito.
"Enough! I don't want to hear your explanations. I don't need it," galit na sabi niya sa 'kin. "We're living in a cruel world. Forgiving someone who ruined your life isn't that easy. Don't say it like you're just asking for a piece of candy," he said sharply. His eyes were so cold. It's scared me a bit.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Kung hindi ako pwedeng humingi ng tawad sa kanya, ano na ang gagawin ko? Hindi ko alam.
"Paano mo ba ako mapapatawad?" nalilitong tanong ko. Kahit ako, kinabahan sa tanong ko. Wala na akong pakialam sa ingay sa buong paligid. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa lugar na ito. Bigla kong pinagsisihan ang pagtatanong nang makita ang isang nakakalokong ngisi sa mukha niya.
"Oh? Will you do as I say?" naaaliw na tanong niya. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa tono ng pananalita niya. It's like he's plotting something evil. Something that I can't take. Something I will probably regret later on.
Nakaawang pa rin ang mga labi ko. Nalilito ako kung ano ang isasagot ko sa kanya. Pakiramdam ko naumid ang dila ko at hindi na makapagsalita. I am scared of the possible outcome of this conversation.
Biglang nawala ang ngisi niya sa mukha nang mapansin ang pag-aalinlangan ko. Sumeryoso ang mukha niya. Nakatuon ang matiim niyang titig sa 'kin. Parang gusto kong mag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko nababasa niya ang naiisip ko.
BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.