SIDNEY
Linggo ng gabi. Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng silid ko. Participating in the bidding is a bad idea. Kilala ako ni Andrew! Maybe he's plotting something. Baka ipahiya niya ako sa mga kasama niya. Masisira ang pangalan ko na unti-unti nang nakikilala.Pero mas mapapahiya ako kung hindi ako sisipot. Alam na nilang darating ako. What should I do? He's dangerous. Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at sumigaw nang mahina. Pabagsak na humiga ako sa kama. Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip sa maaaring gawin sa 'kin ni Andrew. He said he's planning to ruin my life. Baka ito na ang hinihintay niya. Ang mapahiya ako. Ang ibagsak ako.
Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil hindi ko na alam ang gagawin. I'm being paranoid! Siguro naman hindi niya ako ipahihiya? I'll be offering his company a good deal.
Business is business.
Siguro naman hindi niya hahaluan ng personal na agenda ang negosyo niya? I sighed. Nanghihinang gumapang ako sa kama at humiga nang maayos. Nagkumot na rin ako. Pinakalma ko ang sarili ko. Inalis ko sa isip ang mga pangamba ko. He's a professional. He won't do something bad. Siguro maghihiganti siya sa ibang paraan!
Think positive, Sidney! You'll be fine tomorrow.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para matulog. Dapat hindi ako magmukhang zombie bukas!
****
Maaga akong gumising. I wear my best suit. Inayos ko rin ang buhok ko at nag-makeup. Hinayaan ko na itong nakalugay. Naka-high heels ako na may katamtamang taas. Kinuha ko ang suitcase ko at tiniyak na wala akong nakalimutan. Nakahanda na ang breakfast pero toasted bread at kape lang ang kinain ko. I don't want heavy meals for now. Baka masyado akong kabahan at biglang sumakit ang tiyan ko. Wala akong balak tumigil sa loob ng CR nang matagal. Baka hindi ko pa magawa nang maayos ang presentation ko kapag bumaliktad ang sikmura ko.
"Bakit hindi ka kumain nang marami?" takang tanong ni Mama. Umiling ako.
"Nagmamadali po kasi ako," sagot ko kahit may laman pa ang bibig ko. Napailing naman si Mama dahil sa inaakto ko. Ininom ko na ang kape. Napansin kong lumabas na ang mga kapatid ko sa kwarto nila. Halatang inaantok pa silang dalawa. Ang problema nga lang, may pasok pa rin sila.
"Be sure to study well," agad na bungad ko sa kanilang dalawa. Lalaki ang isa kong kapatid. Babae naman ang bunso. Sumimangot silang dalawa at kumamot sa ulo. Tahimik na dumulog sila sa hapag-kainan. Marahan silang tumango. Hindi naman ako naghihigpit sa pag-aaral nila. Gusto ko lang magkaroon sila ng maayos na trabaho at buhay. Dahil ayaw kong ma-late, nagpaalam na ako sa kanila nang maubos ang kape ko at matapos magsepilyo.
"Makikita mo Andrew! Akala mo magpapatalo ako sa 'yo!" bulong ko sa hangin habang binubuhay ang makina ng kotse. "I'll surely get this project," sabi ko pa at tumawa na parang isang mangkukulam. Mabilis akong nakarating sa kumpanya ni Andrew. Maaga akong umalis kaya walang masyadong traffic.
Inayos ko ang damit ko. Sinigurado ko pang hindi ito nagusot. I must look presentable. Para matameme na sila sa kagandahan ko at hindi na makapagtanong pa. Tiyak na lalaglag ang mga panga nila sa kaseksihan ko. I grinned with the thought. But I'm just kidding. Hindi ako nagsuot ng seksing damit. It will be out-of-place. I wear something decent. Pinapalakas ko lang ang loob ko kaya kung anu-ano ang iniisip ko.
Malakas akong napabuga ng hangin. Nasa loob pa rin ako ng kotse habang nakatigil sa parking lot. Parang natatakot yata akong bumaba.
"Hindi ko yata kaya!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko sa loob ng sasakyan ko. Isinandal ko pa ang pisngi ko sa manibela. "Nakakainis na Andrew yan! Makikita niya ang hinahanap niya! Ang lakas ng loob niyang pisilin ang pwet ko! Kainis!" pagmamaktol ko. Marahan pang hinahampas ng kamay ko ang manibela. Para akong bata sa itsura ko. Nanghahaba ang nguso ko sa nararamdamang frustration.
BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.