Intruder 12

179K 4.5K 297
                                    

SIDNEY

Nagtaka ako nang maramdaman kong nakahiga na ako sa kama ko. Hindi ko maalala na nagawa ko pang gumapang sa kama upang matulog. Nakapikit pa ang mga mata ko. Napakunot-noo ako nang maramdaman na tila may nakapulupot sa katawan ko. Someone's hugging me. Bigla akong napamulat dahil sa na-realize ko.

May katabi nga ako sa pagtulog at yakap-yakap niya ako. Tumingala ako upang tingnan ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Andrew na natutulog sa tabi ko. Ano'ng ginagawa niya rito? Paano siya nakapasok?

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sa 'kin pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya. He slowly opened his eyes.

"So you're already awake?" paos na tanong niya. Halatang nakatulog din siya. He was looking at me with his sleepy eyes.

"Ano'ng ginagawa mo sa kwarto ko?" inis na tanong ko sa kanya. Pinilit kong magtaray dahil nakaka-distract ang gwapong mukha niya. Gusto na naman kasing magwala ng puso ko. Masyado kasing OA.

"I told you. I'll be here today. I was knocking at your door but you won't open it. I asked for the keys and entered without permission. You were sleeping on your desk. Hindi na kita ginising. Nakakaawa ka kasing tingnan. I brought you to your bed. I decided to sleep too because I'm tired," sagot niya sa 'kin. Mas lalo niya akong hinila at niyakap palapit sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Dapat ba akong matuwa sa ginawa niya? Pero hindi eh. Masama ang binabalak sa 'kin ng lalaking ito. Hindi ko dapat siya pagkatiwalaan. Baka nagpapanggap lang siyang mabait para makuha niya ang gusto niya.

"Ano'ng oras ka natulog kagabi?" he almost whispered. Napaisip ako sa tanong niya.

"Inabot ako ng alas singko ng umaga," sagot ko. Wala sa sariling napabalikwas ako ng pagbangon. Naalala kong hindi ko nai-save ang works ko sa laptop. Nang tingnan ko ang laptop ko, naka-shutdown na ito at maayos na nakasara. Hindi na rin ito naka-charge.

Naiinis na bumaling ako kay Andrew. "Ano'ng ginawa mo sa laptop ko?" pasigaw na tanong ko sa kanya. Gusto kong maghisterikal. Mukhang sayang lang ang pinagpuyatan ko. Napangiwi si Andrew dahil sa lakas ng boses ko. Sinabotahe ba niya ang mga designs ko? Parang gusto kong maiyak.

"Come on. Let's sleep. Alas diyes pa lang ng umaga," he said. Hinila niya ako kaya napahiga ako sa dibdib niya. Muli niya akong niyakap. Naiiyak na hinampas ko ang dibdib niya.

"Sleep mo 'yang mukha mo!" naiinis na sigaw ko. He chuckled. Marahan niyang hinaplos ang likod ko na tila pinapagaan ang loob ko.

"Don't worry. I saved your works. Matulog ka na. Mamaya na tayo mamasyal," he gently said. 

Naiyak na talaga ako sa pinipigil kong frustration. "Bakit hindi mo sinabi agad? Pinaiyak mo pa ako!" naiinis na sigaw ko sa kanya.

"Sorry," natatawang sabi niya. He's really making fun of me. Naiinis ako dahil pinagtatawanan niya ang pag-iyak ko. Sino ba namang hindi maiiyak kung ang pinaghirapan mong gawin ng magdamag ay mawawala lang?

"Umalis ka na nga rito!" frustrated na sabi ko.

"No. Let's stay this way. You should familiarize yourself with my body. Para kapag gumawa tayo ng mas higit pa rito, hindi ka na maiilang," he teased. Pakiramdam ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Kinabahan ako sa gusto niyang ipahiwatig.

"What are you planning to do?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"Bakit ba paulit-ulit ka ng tanong? Alam mo na ang gusto kong gawin. For now, let's sleep. I'm really tired," he said. Oo nga pala. Balak niya akong anakan. Ihiniga niya ako nang maayos sa tabi niya at niyakap. I almost giggled when he buried his face on my neck. Damn. Inilayo ko ang mukha niya sa leeg ko. Halatang naaaliw siya sa reaksiyon ko. Namula naman ang mukha ko. Bakit kasi nagkaroon pa ako ng kiliti sa leeg? Nakakaasar!

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon