SIDNEY
Huling araw ko na sa Palawan. All the designs are already finalized and approved. Nag-iimpake na ako para pumunta sa airport. Bumili na rin ako ng mga souvenirs at pasalubong para kina mama at sa mga empleyado ko sa kumpanya.
Napag-usapan namin ni Andrew na sa condo niya ako didiretso. If I want to visit my family, I'm free to do so. Hindi naman niya ako masyadong pinaghihigpitan. Sinabi ni Andrew na susunduin niya ako sa airport mamaya. Kinakabahan ako dahil simula ngayon sa condo na niya ako titira. Bahagyang namula ang mukha ko dahil sa kung anu-anong bagay na pumapasok sa utak ko. Simula nang makilala ko siya, naging green-minded na ako. Ipinilig ko ang ulo ko upang mawala ang mga iniisip ko.
Dala ko na ang mga gamit ko nang magpaalam ako kay Ayden. "Kailan ka babalik sa Maynila?" tanong ko.
"Next week pa. May aasikasuhin pa ako rito," he said. He in in-charge of the designs. Binabantayan niya ang mga trabahador upang hindi magkamali ang mga ito sa ginagawa. Seryosong-seryoso siyang nagtatrabaho.
"I see. Mauuna na ako sa 'yo sa Maynila. Salamat pala sa company ninyo. It is a great experience," nakangiting sabi ko. He smiled back.
"Sige. Mag-iingat ka. Ikumusta mo na lang ako kay Andrew pag-uwi mo," he said. I nodded. Kumaway ako sa kanya. Sumakay ako sa kotseng maghahatid sa 'min sa airport. This place is special and memorable to me. Siguro dahil na rin kay Andrew. Kahit iniisip ko lang siya, nararamdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi kaya atakihin ako sa puso dahil sa abnormal na pagtibok ng puso ko?
I frowned. Si Andrew ang may kasalanan nito. Ang lakas talaga ng epekto niya sa sistema ko. Kinakabahan pa rin ako kahit asawa ko na siya.
Isang oras ang hinintay ko bago lumapag ang eroplano sa airport. Habang naglalakad sa loob ng airport, narinig ko ang malakas na pagtunog ng cellphone ko. Si Andrew ang tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag niya.
"Where are you? I'm waiting for you outside," he said. Halata sa boses niya na pinagmamadali niya ako. I frowned. Hindi man sweet ang pakikipag-usap niya sa 'kin, kinikilig pa rin ako.
"Palabas na ako," sagot ko na lang.
"Faster," he said. Nagmadali ako sa paglalakad pero hindi ko pa rin ibinababa ang tawag. Hila-hila ko ang traveling bag ko. Natanaw ko si Andrew na nakasandal sa magarang kotse niya at nakahalukipkip.
Ibinaba ko na ang cellphone. Kumaway ako sa kanya. He slowly looked at my direction and stood straight. Pasimple akong sumimangot dahil ang lakas ng dating niya. Napapansin ko rin ang mga babaeng napapalingon sa direksiyon niya. He wears his formal office attire. Long white sleeves and blue tie. Malinis siyang tingnan at mukhang mabango.
Nang makalapit ako, kinuha niya ang traveling bag ko at ipinasok sa sasakyan. Hindi na ako naghintay na pagbuksan niya ako ng pinto, nagkusa na akong sumakay. May kamay naman ako at hindi ko naman siya driver para ipagbukas ako ng pinto. Sinulyapan niya ako nang makaupo siya sa driver seat.
"May lakad ka ba ngayon?" he asked. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan.
"Wala. Gusto ko lang matulog at magpahinga. Ikaw ba?" tanong ko. At least may pag-uusapan kaming dalawa. Hindi mapapanis ang laway namin sa biyahe.
"Yes. Mamayang alas tres may meeting ako. Let's eat first. It's already lunch time," seryosong sabi niya. Sumang-ayon ako dahil nagugutom na rin ako. Kumain kami sa isang restaurant. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako sa kanya upang magtungo sa restroom.
Habang naglalakad, may nabangga akong isang babae dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan. Natapon sa damit ko ang tubig mula sa basong hawak niya. Napangiwi ako dahil sa nangyari.

BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
Fiction générale[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.