Intruder 25

177K 3.8K 460
                                    

SIDNEY

We went inside the supermarket and bought mangoes. Bumili rin ako ng kamatis at ibang ingredients sa pagkaing gusto kong kainin. Kumuha rin ako ng bagoong para may sawsawan.

"Balak mo pa talagang magluto? You're wasting time," naiiling na sabi niya sa 'kin. Siya ang nagtutulak ng cart habang naglalagay naman ako ng kung anu-ano roon. Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Hindi ako ang magluluto. Ikaw ang magluluto," pagtatama ko sa sinabi niya. Kumunot ang noo niya.

"You never said that I will cook," inis na sabi niya. Halos magsalubong na ang kilay niya. Napailing na lang ako. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalagay ng ingredients sa cart. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. I don't know why. I really want to eat something he made for me.

"Hey! Are you listening? I'm not going to cook for you," naiinis na sabi niya. Lumingon na ako sa kanya at tiningnan ko siya nang masama. Bumuntong-hininga siya. "Kumain na lang tayo sa restaurant," he said calmly.

"No. Cook for me. You're ruining my mood. I'm losing my appetite," naiinis na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong mainis sa kanya ngayon. Pakiramdam ko ang sama-sama ng loob ko dahil sa sinasabi niya.

"Listen. I have a meeting this afternoon," he said. Halatang nauubos na rin ang pasensiya niya dahil sa pagiging unreasonable ko.

"Cancel it," I said. He frowned. 

"You're acting weird. What's gotten into you?" inis na sabi niya. Patungo na kami sa cashier. Nagtatalo pa rin kaming dalawa tungkol sa pagluluto. Kahit naglalakad na kami patungo sa parking lot ay nag-aaway pa rin kami. Sa huli, wala na siyang nagawa kundi ang pumayag.

We're already in our kitchen. Akala ko magtatanong pa siya sa 'kin kung paano lutuin ang ulam na gusto ko pero mukhang alam na niya. Akala ko puro prito lang ang alam niyang lutuin eh. Kumakain ako ng manga na isinasawsaw ko sa bagoong habang nanonood sa pagluluto niya.

"I won't do this again," naiinis na sabi niya. Hanggang ngayon nagrereklamo pa rin siya. Tumingin siya sa 'kin nang hindi ko siya pansinin. Sarap na sarap kasi ako sa kinakain ko.

"Gusto mo?" pag-aalok ko sa kanya ng manga. Tila naasiman siya sa kinakain ko.

"Baka sumakit ang tiyan mo," naiiling na sabi niya. He turned his back from me. Inasikaso na niya ang niluluto niyang kare-kare. Bumili na rin kami sa labas ng litsong manok. Kung anu-ano pa nga sana ang bibilhin ko kaso sinaway na ako ni Andrew. Halatang asar na asar na siya. Wala na rin siyang choice kundi ipa-cancel ang meeting niya.

"Wala ka bang importanteng trabaho ngayon?" takang tanong niya sa 'kin.

"Wala naman. I just have to finish some designs. Actually, pwede ko namang gawin 'yon dito sa bahay," sagot ko sa kanya. Patuloy lang ako sa pagkain ng mangga. Hindi ko alintana na maasim ang kinakain ko. Para nga akong ngumunguya ng gummy bear sa itsura ko.

Bumuntong-hininga siya. "Luto na," he said. Siya na ang naghain ng pagkain sa mesa dahil tamad na tamad talaga akong gumalaw. Luto na rin ang kanin sa rice cooker kaya sakto lang. Napailing na lang siya habang naglalagay ng plato sa harapan ko.

"Are you sick?" tanong niya. Ipinatong pa niya ang kamay niya sa noo ko. He check if I had a fever. "Wala naman," he whispered to himself. 

"Wala talaga akong sakit pero hindi ko alam kung bakit tinatamad akong gumalaw ngayon," I said. Umupo na siya sa harapan ko. "At ngayon parang ayoko nang kainin ang mga niluto mo," I said while looking at the foods in front of me. Sumimangot siya. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Pero iyon talaga ang nararamdaman ko. It's weird. Kanina gustong-gusto ko, ngayon naman ayaw ko na.

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon