SIDNEY
Napuyat ako kagabi dahil sa pag-iisip ng concept tungkol sa designs na gagawin ko. May appointment ako ngayong alas diyes ng umaga. Alas otso na nang umalis ako sa bahay. Tiyak na aabutan ako ng traffic sa daan. Natuwa naman si Mama dahil sa pasalubong ko sa kanya. At least, hindi na masama ang araw ko kahapon dahil sa mga orchids na ibinigay sa 'kin ni Ma'am Lina.
Hectic nga pala ang schedule ko ngayon. Kailangan kong i-check kung nasusunod nang maayos ang mga designs ko sa bagong tayong condominium na pagmamay-ari ni Mr. Carreon. May ipinadala naman akong isang junior designer na araw-araw nagmo-monitor doon pero gusto ko pa ring makita.
Pagkatapos, kailangan kong makipag-usap sa isang kliyente tungkol sa balak niyang itayong restaurant. I prepared a proposal for him. Hindi pa ganoon karami ang mga designers sa kumpanya ko kaya marami akong ginagawa. Pero hindi ako nagrereklamo. Gusto ko naman ang ginagawa ko. Tumataas ang self-confidence ko kapag nakikita ng sarili kong mga mata na nabibigyang buhay ang mga designs na ginawa ko. It's already a big achievement for me.
"How's everything here, Gian?" I asked him when I entered one of the units. He looked at me and smiled. Mabuti na lang hindi ako na-late.
"Wala namang problema. Out-of-stock lang ang ibang curtains sa supplier ni Mr. Carreon. Hindi nila na-meet ang number of curtains na ipinagawa mo. Naubusan sila ng supply ng raw materials. Did you design it personally?" tanong niya.
"It's cool. Next week pa darating ang ibang supply," dagdag niya. Maliit lang ang espasyo ng bawat unit kaya ginawa namin ang lahat para magmukha itong malawak. Malamlam sa mata ang ginamit naming kulay. Maaliwalas din itong tingnan.
"No. Not me. Katulong ko sa design si Erica. This is actually her design. You know, we have to provide more than ten designs so we divided the work loads," sagot ko. "I guess, your design is used in the adjacent room?"
Nakangiting tumango siya. Nakita ko na rin ang room na ginamitan ng design ko. It was almost done. Mukhang wala namang problema dito. Everything is working perfectly fine.
"Saan ka na pupunta ngayon?" he asked.
"I will meet another client on a lunch date. A restaurant owner," sagot ko.
Tumango si Gian. "Nagpapahinga ka pa ba?" pang-aasar ni Gian. Ngumiti lang ako at napailing. Hindi ko alam kung nagpapahinga pa ako. Kahit weekends kasi pinoproblema ko pa rin ang mga designs na gagawin ko.
Before twelve, umalis na ako sa condominium. Pumasok ako sa isang restaurant. Nakita ko agad si Mr. Sung sa isang table. Napansin kong kasama niya ang asawa niya. Magkatulong sila sa pagtatayo ng restaurant. They both love cooking.
Actually, wala pang kalaman-laman na gamit ang restaurant na ito. Isang wooden table at ilang monobloc chairs pa lang. He wants to see my design first before buying things. Gusto kasi nila ng isang Korean style restaurant. Expert sila sa pagluluto ng Korean dishes. Half-korean silang dalawa kaya hindi na nakapagtataka.
"How are you?" nakangiting tanong ni Mrs. Sung.
"I'm fine. Do you want to see my designs now?" nakangiting tanong ko.
"Let's eat first. What do you want for lunch? I will cook," sabi naman ni Mr. Sung. I nodded. Tiningnan ko ang menu nila. I don't want to eat rice.
"Braised beef ramen na lang po sa 'kin," sabi ko. 'Yon na rin ang ipinaluto ni Mrs. Sung para sa kanya. Para hindi na mahirapan si Mr. Sung. May isang parte ng kusina na see through. Mapapanood doon kung paano minamasa at ginagawa ni Mr. Sung ang noodles para sa ramen. Halatang sanay na sanay siya sa ginagawa.
"Sidney, you look pale. Are you really fine?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Sung.
"Yes. I'm fine. Maybe, I'm just hungry. I wasn't able to eat breakfast," nahihiyang sagot ko. Lalo akong nagutom nang maamoy ko ang niluluto ni Mr. Sung.
BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.