Intruder 17

180K 4.3K 462
                                    

SIDNEY

Dinala ako ni Andrew sa isang cozy restaurant. Hindi na ako nakapagreklamo dahil pagod na rin naman ako. Gusto ko na lang kumain at pagkatapos ay matulog. Wala pa akong pahinga ngayong araw. I also wished I could go straight home.

"What do you want to eat?" he asked. Seryoso siyang habang nakatingin sa menu. Nakagat ko ang labi ko. May kakaiba akong naisip sa tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin.

"Ikaw," I said. I really don't care about the food. Basta kahit ano kakainin ko. Siya na ang bahalang pumili.

"Ha?" takang tanong niya. Napalingon siya sa 'kin at napatitig. Kitang-kita ko ang gulat na ekspresiyon niya sa gilid ng mga mata ko.

"Ikaw na ang bahala," paglilinaw ko sa sagot ko. Tiyak na may masamang ideya na pumasok sa utak niya. 

He grinned. "Akala ko ako ang gusto mong kainin," he said sexily. I frowned to cover my blushing face. He looked at the menu. I wonder if I can really make him fall for me. May pag-asa kaya? Para kasing mahal pa niya ang ex-bride niya.

He ordered foods and a bottle of wine. Wala na akong pakialam kung anong klaseng pagkain 'yon. Basta kumain na ako agad matapos ihain ang mga pagkain. Hindi pa ako nagl-lunch. Malamang na gutom na gutom ako.

Hindi ko sana papansinin si Andrew pero natigilan ako sa pagsubo nang maramdaman kong pinapanood niya ako. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Hindi ka kakain?" takang tanong ko. Hindi pa niya ginagalaw ang pagkain sa pinggan niya.

"I wonder how you can act so carefree around me. Parang hindi ka nag-aalala. Parang hindi ka natatakot," he smiled. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor sa plato ko. I drink water first.

Sa totoo lang natatakot ako. Lalo na ngayon na nahulog na ang loob ko sa kanya. First time kong ma-inlove. Tiyak na masakit ang masaktan. Iniisip ko pa lang na mab-brokenhearted ako kay Andrew, parang pinipiga na ang puso ko. Pero sa taong gutom dapat wala munang pakiyeme. Hindi ako makakalaban kapag gutom ako! Kailangan kong magpalakas!

"Gusto mo bang matakot ako?" I asked him. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Madalas kasing hindi ko siya maintindihan. May pagkakataon na mabait siya, may pagkakataon naman na tila gusto niya akong saktan. He's unpredictable. He's sexily mysterious.

"Yes," walang gatol na sagot niya sa 'kin. I sighed. Hindi na ako nagulat sa pagiging straightforward niya.

"Kung ganoon, huwag kang maging mabait sa 'kin," I said. I am looking at him straight in the eyes. He looked away.

"You look weak and fragile. It's disturbing," he said. "You look like you need protection," nalilitong sabi niya. Ganoon ba ako kahina sa paningin niya?

"Galit ka pa rin ba sa 'kin?" lakas-loob na tanong ko.

"What do you think?" he asked. He looked at me seriously.

I sighed. "Mahal mo pa siya?" tanong ko. Hindi pa rin nawawala ang galit niya. I could see a small glint of sorrow and regret in his eyes. He is still hurting inside. He looked away.

"It doesn't matter," he answered. "Just continue eating."

"Kung mahal ka naman niya, tatanggapin ka niya. Bakit hindi mo siya balikan?" I suggested. Pero sa totoo lang hindi 'yon ang gusto kong mangyari. I want him to move on and be happy with someone else. If I'm lucky, maybe that someone else can be me.

"You don't know what you're talking about. Love is not enough. Kung nakabuntis ba ang boyfriend mo, tatanggapin mo pa rin siya? You don't know anything about love. You just know how to ruin other's life," naiinis na sabi niya.

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon