SIDNEY
Nagising ako pero wala na si Andrew sa tabi ko. Nakabalot pa rin ako sa kumot. Bahagyang nakabukas ang kurtina sa kwarto niya kaya nasisinagan na ng araw ang mukha ko.
I sighed when I look under the sheets of the blanket. I'm still half-naked. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil naalala ko ang nangyari kagabi.
I wrapped my body with the blanket and sat on the bed. Kinabahan ako nang bumukas ang pinto. Pumasok si Andrew. Wala siyang suot na damit pang-itaas. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya.
"How's your sleep?" he asked casually. Parang wala siyang pakialam sa muntik nang mangyari sa 'min kagabi. He is talking to me naturally. Ako lang ba ang naaapektuhan?
"Good," I answered. "I'll be using your bathroom," I added. Pero ngayon ko lang naalala na wala akong ekstrang damit. I looked at him troubled. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang nag-aalangan kong tingin.
"Sure. But do you need anything else?" takang tanong niya. I sighed. Paano ko ba sasabihin sa kanya?
"Wala na akong damit," nahihiyang sabi ko.
"I told you. I don't mind if you wander here naked," he grinned. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya pero hindi naman siya natinag.
"Just use my clothes for now. I'll go out. Pag-isipan mo na rin ang sinabi ko sa 'yo kagabi. I'm serious about marrying you today," he said. Kumuha siya ng damit sa closet niya at nagbihis. Ihinagis niya sa 'kin ang towel niya. Sinalo ko 'yon. Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin sa sitwasyong ito. Gusto ko siya. Mahal ko na nga yata siya. Hindi ko alam. Naguguluhan na ako. Sobrang bilis kasi. Hindi ako expert pagdating sa pag-ibig. This is my first time to feel this. Nakakalito.
Binuksan ko ang shower. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagbabad sa tubig. Pinag-iisipan ko ang mga posibleng mangyari kapag pinakasalan ko siya. Hindi na ako pwedeng umatras kapag ikinasal na kami. Hindi ko rin sigurado kung matututunan ba niya akong mahalin. For him, love doesn't matter anymore. Tiyak na masasaktan lang ako sa kanya. Baka nga magsisi pa ako sa bandang huli.
Mabigat na bumuntong-hininga ako. Bigyan ko na lang kaya siya ng anak? Pero hindi muna kami magpapakasal? Napailing ako sa naisip ko. Ang problema lang, wala akong panghahawakan kapag hiniwalayan na niya ako. Sa totoo lang, sumasakit ang ulo ko sa problemang ito. Itali ko na lang kaya siya? Saka ito naman ang gusto niya. We will surely suffer together.
Naalala ko na may trabaho pa ako bukas. Kailangan ko nang bumalik sa Palawan. Nang lumabas ako sa kwarto, wala pa rin siya. I opened his closet. Sinabi naman niyang pwede kong gamitin ang mga damit niya. But I can't afford to wear his underwear. Nag-init ang mukha ko nang maisip ko 'yon. But should I try? Maiinis kaya siya? Napailing ako.
Kinuha ko ang white shirt niya at isang boxer. I ended up wearing one of his underwears too. Nakakapanibago. Hindi ko alam kung paano ako kikilos o gagalaw. Masyadong mahaba ang damit ni Andrew. Halos hindi na rin makita ang boxer na suot ko. Nilabhan ko muna ang underwears ko sa banyo. Wala kasing washing machine kaya hindi agad matutuyo 'yon. Walang electric fan sa room niya. Aircon lang. Parang baliw lang kung isasabit ko sa aircon ang underwear ko. Naghanap ako sa kwarto niya ng blower pero wala rin. I sighed. Sa huli, isinampay ko na lang sa loob ng banyo ang underwear ko.
Pumunta ako sa kusina. Napansin ko na may nakahain ng pagkain sa mesa. Napangiti ako nang mapansin ang note na iniwan niya.
"You must be hungry. Eat. I'll be back before lunch. Just cook anything you want for lunch."
![](https://img.wattpad.com/cover/4965650-288-k850096.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hired Wedding Intruder
General Fiction[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Written on February 02, 2015 - July 24, 2015.