Intruder 26

168K 3.8K 192
                                    

SIDNEY

It is already six in the evening. Ngayon pa lang ako aalis sa office. Hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Andrew at pinilit kong tapusin ang mga designs dahil malapit na ang deadline. I can't be distracted with my works. Hindi ko pwedeng idamay ang trabaho sa personal na buhay ko. Ayokong bumaba ang quality ng mga designs ko dahil lang sa emosyon ko.

Naglalakad na ako sa parking lot pero natigilan ako nang may humawak sa braso ko. Nilingon ko kung sino ang pumigil sa 'kin. Seryosong nakatingin sa 'kin si Andrew na tila galit pa. I glared at him. Halatang nagulat siya sa paraan ng pagtingin ko sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko. He put his hands inside his pockets.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko sa 'yo? I am worried," may himig ng pag-aalala sa boses niya. He is worried? Sino naman ang niloko niya? Hindi ko pa nakukumpirma kung totoo ba ang mga sinabi ni Christine pero naiinis at nagagalit na ako kay Andrew. Paano kung totoo nga?

"You don't have to worry about me Andrew. I'm just three weeks pregnant. Hindi mo ko kailangang tawagan nang tawagan. Hindi pa maselan ang pagbubuntis ko," sabi ko. Hindi ko naitago ang hinanakit at pagkainis sa boses ko. Kumunot ang noo niya sa 'kin.

"Why are you so upset? Pagod ka ba dahil sa trabaho? I'll cook for you if you want. Nag-aalala ako kapag nakikita kang ganyan. Hindi kaya makasama 'yan sa magiging baby natin?" malumanay na sabi niya. Bumuntong-hininga ako. He is only thinking about the child. Hindi ako mahalaga para sa kanya. At napakasakit ng katotohanang iyon. Tila sinasaksak ang puso ko dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Masyado na yata akong nagiging emosyonal.

"Bahala ka," naiinis na sabi ko. Akmang papasok na ako sa kotse ko pero marahan niya akong pinigilan sa braso.

"Sabay na tayong umuwi. Sumakay ka na sa kotse ko," he pleadingly said.

"May kotse ako," nakasimangot na sabi ko. Sa totoo lang, ayoko siyang makita. Gusto ko munang umuwi sa bahay. Gusto kong makita si Mama. Gusto kong umiyak sa sarili kong silid nang walang nakakaalam. I need a break. Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Bukas, ihahatid kita rito. Iwanan mo na ang kotse mo. May on-duty guard naman kaya hindi ka dapat mag-alala," pamimilit niya. Galit na nilingon ko siya. 

"Please Andrew! Leave me alone! I need space! I don't want to see you around. Naiinis ako—" galit na sigaw ko sa kanya pero naputol din ang sasabihin ko dahil sa sunod niyang ginawa. He pulled me closer to him and kissed me without warning. Natigilan ako at nanlalaki ang mga mata.

Hindi ko na siya naitulak dahil siya na ang unang lumayo sa 'kin. His face is now a few inches away from me. He looked hurt and worried at the same time. He cupped my face gently. Tila ayaw niya akong nakikitang nasasaktan at nagagalit. Why? Bakit napakagaling niyang umarte? Pwede na siyang bigyan ng award dahil sa ginagawa niya.

"Why? Ganito ba talaga kaemosyonal ang mga buntis? Sabihin mo sa 'kin nang maayos kung bakit ka nagagalit. I'll try to make you feel better," he sincerely said. Hindi na ako nakapagsalita dahil tila natauhan ako. I want to cry but I hold my tears back. There's no point in crying anyway. In the end, I'm still the loser.

"I'm tired. Just take me home," mahinang sabi ko. Bumuntong-hininga siya. Inalalayan niya ako patungo sa kotse niya. Hindi na ako nagsalita at tumutol pa. Pagod na talaga ako. Hindi kami nag-uusap habang nasa biyahe. He is not trying to say anything either. 

Isinandal ko ang ulo sa bintana. Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay? Siguro nga kinakarma na ako. I ruined someone else's life. Siguro nga wala na akong karapatan na maging masaya. Siguro ito na ang kabayaran sa lahat ng ginawa ko kapalit ng buhay ni Mama at ng maginhawang buhay. Tatanggapin ko na lang ba ito? Hindi ko na namalayan na nasa parking lot na pala kami ng condominium. 

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon