Intruder 13

175K 4.3K 254
                                    

SIDNEY

Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Andrew na ibibili niya ako ng damit. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at naglakad palayo. Humabol siya agad.

"I told you. I'll buy you clothes," sabi niya. Hinawakan niya akong muli sa braso upang pigilan.

"Hindi 'yon ang problema, Andrew! I don't want to sleep together with you!" naiinis na sabi ko. Mahina lang dahil may mangilan-ngilang tao sa paligid. Nakakahiya. Baka kung ano ang isipin nila.

"That's not a problem. We won't be sleeping anyway," he grinned. 

Langya! Hindi yata niya na-gets ang tinutukoy ko. Or was he making fun of me again? Kung hindi niya ako patutulugin, tiyak na may gagawin nga kami! At mas malala 'yon!

Tiningnan ko siya nang masama. "Hindi ako nakikipagbiruan," naiinis na sabi ko.

"Same here," seryosong sabi niya sa 'kin. "So just follow me and be a good girl," he added. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na naman ako patungo sa room namin.

"Wait! Natatakot ako!" I helplessly whispered.

Nagtatakang tumigil siya at lumingon sa 'kin. "Why are you afraid? There are no ghosts here," he said with a soft laugh. He's not taking me seriously. Naiinis na talaga ako sa kanya.

"Siguro nga walang multo. But there are monsters," I frowned. Tinitigan ko siya nang masama para makuha niya ang gusto kong ipahiwatig. 

"I guess, you're referring to me?" naniniguradong tanong niya sa 'kin. Hindi ako nagsalita. "You're afraid that I might do something to your body? Don't worry I won't do anything against your will. I'm not that cruel. I'll let you submit by your own will," he said grinning evilly.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "You're planning to seduce me?" gulat na tanong ko.

"If that's how you call it then yes. If you're confident that you will not fall for my charms there's nothing to worry about," he grinned. "Pero kung ngayon pa lang ay nagkakagusto ka na sa 'kin, I'll let you have a separate room," he added. Naningkit ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Kung kukuha ako ng ibang room ibig sabihin parang inamin ko nang may gusto na ako sa kanya? Mariin kong itinikom ang bibig ko. Hindi ako nagsalita. Naiinis ako sa kanya.

He smiled gently. Umismid ako sa kanya. "Now come and be obedient," marahang sabi niya. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Maingat niya akong iginiya papasok sa room. Nagtatalo pa rin ang isip ko kung tama ba ang desisyon ko. Pero sabi naman niya wala siyang gagawing masama. Pero mapagkakatiwalaan ko ba siya? Nagdududa ako sa kanya.

Pagpasok namin sa silid, binitawan na niya ang kamay ko. He locked the door. Bumalik na naman ang kakaibang kaba sa puso ko. Mali talaga ang desisyon ko! Bakit ba madali niya akong napapasunod? Maluwang ang room at sobrang laki ng kama para sa 'ming dalawa. It's a king-sized bed. Bukas rin ang bintana at tanaw na tanaw ang maliliit na isla.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa 'kin si Andrew. Nanigas ang katawan ko nang biglang umangat ang paa ko sa sahig. Napatili ako nang buhatin ako ni Andrew at marahang ihiniga sa kama. He pushed me harder on the bed. Akmang itutulak ko siya nang malakas pero pinigilan niya ang dalawa kong kamay. He pinned my two hands on the pillow above my head. 

Gulat na gulat na napatitig ako sa mukha niya. He's grinning at me from ear-to-ear. He was enjoying my scared face. "Akala ko ba hindi mo ako pipilitin?" natatarantang sabi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko naririnig na niya ang kabog nito.

"Yes. But you called me a monster so I'll punish you a little," he said. "Don't worry. I won't hurt you if you're obedient," he almost whispered. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa tuhod niya na nasa pagitan ng mga hita ko. Pwede ko sanang sipain ang junior niya pero baka lalo siyang magalit sa 'kin. Baka lalong maubos ang pasensiya niya. Baka anakan na talaga niya ako kapag dinagdagan ko pa ang mga kasalanan ko sa kanya.

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon