Intruder 22

180K 3.9K 110
                                    

SIDNEY

"Sidney. Can you check this design? Ano sa tingin mo ang kulang?" tanong ni Ayden matapos kong maipasa ang mga designs sa kanya. He handed me the design he likes me to check. Maganda naman ito pero medyo nasisikipan ako dahil sa blending ng kulay. Hindi naman masakit sa mata pero masikip tingnan.

"Maybe you should change the color. We can change the arrangements of the furnitures too. Masyado kasing stiff ang design. How should I put this into words?" I said while thinking of the right words to say. I look intently on the design. Masyadong dikit-dikit ang mga gamit.

"Maybe, I'll just show you," I muttered. Kinuha ko ang pencil na nakasingit sa tainga ko. Umupo ako sa harap ng table. My hands skillfully moved to add and remove something on the design in another sheet of paper. I also told him the colors that will fit the design. Hindi naman masyadong nabago ang design. Na-enhance lang nang kaunti at mas maganda ang naging arrangement ng mga furnitures. Nanonood lang sa ginagawa ko si Ayden.

I hand back the design to him. Titig na titig siya sa design. He smiled afterwards. Sa tingin ko nai-imagine niya nang maayos ang kulay na sinabi ko sa kanya gamit and design na ipinakita ko.

"Better. You're really good," he said complimenting me. I smiled heartily. Ilang linggo na ang nakakalipas nang may mangyari sa 'min ni Andrew. I kept myself busy and focused on my designs. Naiinis ako sa sarili ko kapag nami-miss ko siya kaya gusto kong palagi akong may ginagawa. Naging productive naman ako. Dahil siguro inspired sa lovelife. Kung lovelife nga bang matatawag ang sitwasyon namin ni Andrew? 

Tinatawagan naman ako ni Andrew pero hindi ganu'n kadalas. He's also busy with his business. Hindi niya ako magawang kausapin nang matagal sa phone dahil sa mga kliyente niya. Madalas din na may meetings siya.

"Thanks. Babalik na ako sa room ko. If you have concerns about my designs, just let me know," I said. Maglalakad na sana ako upang lumabas sa office niya pero muli niyang tinawag ang pangalan ko.

"Sidney. Kamusta kayo ni Andrew? Maayos naman ba ang pakikitungo niya sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Ayden. Nagtatakang nilingon ko siya. So far, maayos naman ang pakikitungo niya sa 'kin. Hindi ko lang maintindihan ang totoong ugali niya. Minsan suplado. Minsan sweet. Paiba-iba. Magulo siya.

"Ayos naman. Why? Is there something wrong?" takang tanong ko. I'm really curious why he's acting strange. Na tila may alam siya na hindi ko alam. At gusto niyang sabihin ito sa 'kin. Mabigat na bumuntong-hininga siya at pilit na ngumiti kasabay ng pag-iling.

"No. I'm just worried. Ayaw ko lang na masaktan ka," makahulugang sambit niya. Noong nagpakasal ako kay Andrew, alam ko na masasaktan talaga ako. Ihinanda ko na ang sarili ko sa katotohanang iyon. 

"Isang buwan ka na lang dito. Sa condo ka na ni Andrew titira?" tanong niya. I nodded. 'Yon ang napag-usapan namin ni Andrew. We will live together. Saka magtataka si Mama kapag naghiwalay pa kami.

"I see. Kapag nagka-problema ka sa kanya. You can run to me," he said smiling. Mabait siya kaya madali kaming nagkasundo. May pagkaloko-loko lang minsan.

"I'll keep that in mind. Thanks," I said sincerely. Lumabas na ako sa opisina niya. Mabigat akong napabuntong-hininga. Weekends na naman. Pakiramdam ko sobrang bagal ng pag-usad ng mga araw. Gusto ko nang matapos ang isang buwan para makabalik na sa Maynila. Walang nababanggit si Andrew na pupuntahan niya ako rito sa Palawan. I'm sure he's busy right now. Kahapon pa siyang hindi tumatawag. Gusto ko na siyang makita o kaya kahit marinig man lang ang boses niya. Namula ang mukha ko nang maalala ang mga nangyari sa 'min. Hindi pa rin ito maalis sa isipan ko. Matamlay na pumasok ako sa kwarto at umupo na sa harapan ng table ko. I need to endure this. Nakakalat ang mga designs na ginawa ko. 

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon