Intruder 35

160K 3.2K 82
                                    

SIDNEY

Umuwi ako sa bahay namin. Nagpasalamat ako kay Ayden. Hindi na siya nagtanong pa nang umalis siya pero alam kong nag-aalala siya. Wala naman akong balak pagtaguan si Andrew. Gusto ko lang talaga ng oras. Kung tatanggapin pa niya ako matapos ang mga nalaman niya, babalik ako.

Pero kung hindi, wala na akong magagawa. It's his choice. I ruined his wedding for money. Wala akong karapatan na mag-demand sa kanya. Kasalanan ko naman talaga. At hindi naman niya ako tinanong noon kung bakit ko ginulo ang kasal niya. Kung ano ang rason kaya hindi na ako nakapagpaliwanag pa. Nagtataka pa si Mama kung bakit ako umuwi sa bahay nang gabing-gabi na.

"Nasaan ang asawa mo? Umiyak ka ba?" takang tanong niya sa 'kin pagdating ko sa bahay. How I missed home pero hindi ko magawang maging masaya ngayon. Tiyak na namumula ang mata ko kaya sinusuri niya ang buong mukha ko. Pasimpleng pinunasan at kinusot ko ang mga mata ko. Napansin ko ang nagtataka at nagdududang tingin niya sa 'kin. At the same time, she looks so concern. Tila gusto akong damayan sa kung ano mang pinagdaraanan ko.

"Nasa birthday party po ng kapatid niya. I didn't cry. Napuwing lang ako kanina," pagde-deny ko sa kanya. Alam kong gasgas na ang linyang 'yon pero nagbaka sakali pa rin ako na sana ay paniwalaan niya. Napapagod na dumiretso ako sa kwarto ko pero sumunod siya sa 'kin. Umupo ako sa gilid ng kama ko at pumasok naman siya. Hinubad ko ang suot kong flat shoes. Gusto ko na rin sanang magbihis pero pumasok naman sa loob ng kwarto ko si Mama.

"Nag-away kayo?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin. Umiling ako. Nakatayo lang si Mama sa harapan ko. She was really worried about me.

"Hindi kami nag-away. I just did something bad to him. I was just guilty," sagot ko. My mother looked down at me with kind understanding eyes.

"Anong ginawa mo?" tanong niya. Umiling ako. Hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Hindi ko masabi na ginulo ko ang kasal ni Andrew para maipagamot siya. I don't want to blame anyone. Ako lang ang may kasalanan sa lahat. I did what I think is right. It saved my mother's life. Ako ang pumili nito kaya hindi ko ito pinagsisisihan. 

I held my tears back. Kung ang paghihiwalay man namin ni Andrew ang magiging kabayaran sa lahat ng kasalanang ginawa ko, tatanggapin ko. Malalim na bumuntong-hininga si Mama at tumabi sa kinauupuan ko. Naiinis ako dahil kahit anong pigil ko sa luha ko ay kusa pa rin itong tumutulo. Tila may sarili itong isip na naglalandas sa mga pisngi ko. Agad kong pinunasan ito pero patuloy pa rin ang mga mata ko sa pagluha. I bit my lower lip.

"Nagalit ba siya sa ginawa mo?" tanong niya. Alam kong hindi na niya uungkatin pa kung ano man ang mga ginawa ko. Alam kasi niya na hindi ko kayang sabihin sa kanya. Hindi siya manhid para hindi 'yon maramdaman. Naaawa siyang tumingin sa 'kin. This is the first time that I let her see me cry. 

Noong ipinapagamot ko siya at nakaratay sa ospital, hindi ako umiiyak dahil ayokong mag-alala pa siya. Alam kong nahihirapan din siya noon kaya wala na akong balak na dagdagan ang paghihirap niya. I love her so much and I can do anything for her. She's very dear to me.

"Hindi ko alam kung galit siya sa 'kin. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman niya. Umalis agad ako nang hindi nalalaman ang reaksiyon niya," sagot ko. "Hindi ko rin alam kung ipagtatanggol niya ako sa mga magulang niya dahil sa mali kong ginawa. Natakot ako sa komprontasyon. Natakot akong magpaliwanag," dagdag ko. I bet this explanation was just fine. Alam kong makukuha na niya ang gusto kong iparating kahit bahagya lang.

"Bakit umalis ka agad? Anong malay mo? Baka ipagtanggol ka niya," mahinang at nagmamalasakit na saad niya. Patuloy pa rin ako sa tahimik na pag-iyak. Pinipigilan ko ang mapasigok. It's possible but I don't want to get my hopes up. Baka masaktan lang ako.

The Hired Wedding IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon